24/10/2025
๐๐ฃ๐ฃ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ ๐ช: ๐ง๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ช ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐๐ผ, ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ด๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ
MANILA โ Nakilahok ang Department of Migrant Workers (DMW) sa isang pambansang training caravan para siguraduhing ang pondo ng gobyerno ay nagagamit nang tama, malinaw, at para talaga sa tao.
Ang New Government Procurement Act (NGPA) Caravan, na inorganisa ng Government Procurement Policy BoardโTechnical Support Office (GPPB-TSO), ay ginanap mula Oktubre 22 hanggang 24, 2025, sa Golden Phoenix Hotel, Pasay City.
Layunin ng caravan na sanayin ang mga opisyal at kawani ng DMW sa bagong Republic Act No. 12009, na nag-a-update ng mga patakaran kung paano bumibili o kumukontrata ang mga ahensya ng gobyerno. Ang hakbanging ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas episyente, tapat, at walang bahid ng katiwalian ang mga transaksyon sa pamahalaan.
Sa liham na may petsang Hulyo 11, 2025, nagpasalamat si GPPB-TSO Deputy Director General Sofia C. Yanto-Abad sa DMW dahil sa โleadership, readiness, and enthusiasmโ ng ahensya sa pagsuporta sa programa.
Para sa mas bukas at patas na proseso
Ayon sa bagong batas, obligadong ilahad ng mga kumpanyang sasali sa bidding ang tunay na may-ari โ ang mga taong talagang may kontrol o benepisyo sa negosyo. Layunin nitong pigilan ang mga lihim na kasunduan, โdummyโ companies, at conflict of interest.
โBecause in public procurement, transparency isnโt optional; itโs the foundation of trust,โ pahayag ng GPPB-TSO.
Ipinapakita ng partisipasyon ng DMW ang seryosong hangarin nitong tiyaking ang bawat pisong nakalaan para sa mga programa ng mga OFW ay ginagamit nang wasto, patas, at may integridad.
Pagsasanay para sa mas mahusay na serbisyo
Sa tatlong araw na training, tinalakay ang mga pangunahing probisyon ng RA 12009, procurement planning, at contract management. Ang mga tagapagsanay ay sina Ms. Tienan Donabel Tan, Ms. February Manuel, Engr. Stephanie Gadong, at Atty. Karina Antonette Agudo, pawang kinikilala ng GPPB-TSO.
Ayon sa DMW, ang caravan ay makatutulong para mas mahasa at mas maging responsable ang mga kawani sa paggamit ng pondo ng bayan โ alinsunod sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr. na maglingkod nang tapat, episyente, at para sa kapakanan ng mga Pilipino, lalo na ng ating mga OFW.