27/01/2026
FREE Entrance sa First-Ever SM Sensory Lab! 🧩
Sensitive ba si chikiting sa ingay at dami ng tao sa mall? Don’t worry, we got you!
Ang SM Sensory Lab sa SM Mall of Asia ay BUKAS na sa publiko para magbigay ng calm at safe space para sa mga batang may autism at sensory sensitivities.
Ang espasyong ito ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng DSWD at National Council on Disability Affairs, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas inklusibong lugar para sa mga Persons with Disabilities at kanilang pamilya.
Dito, puwedeng magpause, magpahinga, at kumalma sa gitna ng inyong FAMILY DAY! 🌈
Sundan lamang ang mapa na ito papunta sa SM Sensory Lab sa loob ng Level 3, South Parking Building, SM MOA, Pasay City.