Garantisadong Serbisyo

Garantisadong Serbisyo GARANTISADONG SERBISYO
(1)

Sa taong 2025, nagpatuloy ang maalab na paglilingkod ng Garantisadong Serbisyo Diretso sa Tao ng may katapatan, dangal, ...
31/12/2025

Sa taong 2025, nagpatuloy ang maalab na paglilingkod ng Garantisadong Serbisyo Diretso sa Tao ng may katapatan, dangal, malasakit at kababaang loob na siyang naging pundasyon ng administrasyon ng ating kagalang galang na Punong Bayan George β€œOgie” D. Suayan. Marami mang pagsubok at unos ang dumaan, nanatiling matatag sa prinsipyong ipaglaban ang kapakanan at boses ng mamamayan sa tulong at gabay ng Poong Maykapal.

MARAMING SALAMAT PO mga kababayan sa panibagong taong lumipas na hindi ninyo kami iniwan, bagkos patuloy na ipinaglaban, sinuportahan at niyakap. Iiwanan natin ang lahat ng dagok na kinaharap natin ngayong taong ito na magsisilbing aral para sa hinaharap at babaunin natin at ipagpapatuloy ang magagandang bagay na nangyari sa ating paglilingkuran.

Sa bagong taon 2026, salubungin natin ito ng may pagmamahal, pagkakaisa, payapa, ligtas, masagana at ng may bagong pag asa. At umaasa kami na patuloy ninyo kaming sasamahan sa lahat ng mabubuting adhikain, pangarap at pagsisikap ng GARANTISADONG SERBISYO DIRETSO SA TAO para sa bayan at para sa lahat ng pamilyang Candelariahin. Iisang Pamilya pa rin tayo ngayong 2026!

Manigong Bagong Taon Candelariahins! πŸŽ‰

𝐖𝐄 πŒπ€πƒπ„ πˆπ“, ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π‚π€ππƒπ„π‹π€π‘πˆπ€!Mga minamahal naming Candelariahin, nagtagumpay tayo! Ang aming mga puso ay nagagalak at...
13/05/2025

𝐖𝐄 πŒπ€πƒπ„ πˆπ“, ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π‚π€ππƒπ„π‹π€π‘πˆπ€!

Mga minamahal naming Candelariahin, nagtagumpay tayo! Ang aming mga puso ay nagagalak at puspos ang pasasalamat sa Diyos sapagkat ipinagkaloob Niya ang ating dalangin. Hindi naging madali ang daan na ating tinahak mula sa simula, ngunit sa huli ay unti-unting lumakas at nanaig ang boses ng sambayanan na nag-aasam ng pagbabago. Sa pinakamatinding laban na ito, kasama namin kayo. Tunay na malaya na ang ating bayan!

Ang pagtindig ng bawat isa para sa karapat-dapat na maging Ama ng Bayan ng Candelaria ay hindi mapupunta sa wala, dahil susuklian ito ng inyong lingkod sa pamamagitan ng pagtupad sa tungkulin na kayo ay mapaglingkuran. Panahon na para kayo naman na mga Candelariahin ang ipanalo namin!

Tuloy ang Garantisadong Serbisyo, Diresto sa Tao! Maraming maraming salamat po!

JUST IN: KAPITAN BOBOT LAMOCA, NANGAMPANYA KAHIT MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL NGAYONG MAYO 11 AT 12Isang concerned citizen ...
12/05/2025

JUST IN: KAPITAN BOBOT LAMOCA, NANGAMPANYA KAHIT MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL NGAYONG MAYO 11 AT 12

Isang concerned citizen ang sumita kay Kapitan Bobot Lamoca ng Brgy. Malabanban Norte, matapos nitong makita ang hindi umano pagsunod ng Kapitan sa batas na ipinasa ng COMELEC ukol sa mahigpit na pagbabawal ng kahit anong uri ng pangangampanya. Makikita ang Kapitan na sumasalubong sa mga botante sa harap ng eskwelahan. Tandaan na epektibo ang batas na ito mula Mayo 11, 2025 at maging sa mismong araw ng Eleksyon 2025.

Sa pagtatapos ng ating kampanya ngayong gabi, nais po namin na ipabatid ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mg...
10/05/2025

Sa pagtatapos ng ating kampanya ngayong gabi, nais po namin na ipabatid ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga Candelariahin na patuloy na nag-aalab ang suporta para kay Mayor Ogie Suayan at maging sa SM LEADERS. Garantisadong hindi po kayo mabibigo dahil bago pa man kami humarap sa inyo ay buo na ang loob namin ialay muli ang aming sarili para paglingkuran ang bawat Candelariahin!

Saksi ang bawat isa sa mga serbisyong ipinaabot ni Mayor Ogie Suayan sa loob ng tatlong taon bilang Alkalde ng ating lokal na pamahalaan. Lahat 'yon ay ating ipagpapatuloy at higit pa pong pagbubutihan.

Kasama namin kayong mga Candelariahin sa laban na ito, kaya magkaisa po tayo hanggang sa dulo. Maraming-maraming salamat po!

π•πŽπ“π„ π’π“π‘π€πˆπ†π‡π“ – π’πŒ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒 ππ€ππ€π‹πŽ 𝐍𝐀!
𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫
πŸ”΅ #πŸ‘ π’π”π€π˜π€π, πŽπ†πˆπ„

π•π’πœπž 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫
πŸ”΅ #𝟐 πŒπ€π‹πˆπ–π€ππ€π†, ππŽππ†

𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐑𝐚π₯
πŸ”΅ #𝟏 π€ππƒπŽπ, 𝐇𝐀𝐙𝐄𝐋-πŽπŒπ‘πˆ
πŸ”΅ #πŸ– πƒπˆπ™πŽπ, πŽππ€π
πŸ”΅ #πŸ— π„πŒπ‘π€π‹πˆππŽ, ππ„π‹πŽ
πŸ”΅ #𝟏𝟎 π„π’π‚π€πŒπˆπ‹π‹π€π’, πŠπ€π. πŒπ€πˆπ‹π€
πŸ”΅ #𝟏𝟏 π‹π€πŒπŽπ‚π€, πŠπ€π. ππŽππŽππ†
πŸ”΅ #πŸπŸ• π‘π€π˜πŒπ”ππƒπŽ, πŒπ€π‘πŠ 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋𝐔𝐏
πŸ”΅ #πŸπŸ– π’πˆπŽ, π„πŒπ„π‘π’πŽπ

πŸ”΅ #πŸ“πŸ π€πŠππ€π˜π€π ππ€π‘π“π˜π‹πˆπ’π“

π’πŒ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒’ π†π€ππˆ 𝐍𝐆 ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ πŒπˆπ“πˆππ† 𝐃𝐄 𝐀𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄 | MAY 08, 2025 | San Pedro Bautista Parish PatioSa payapang pagtitipon ...
10/05/2025

π’πŒ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒’ π†π€ππˆ 𝐍𝐆 ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ πŒπˆπ“πˆππ† 𝐃𝐄 𝐀𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄 | MAY 08, 2025 | San Pedro Bautista Parish Patio

Sa payapang pagtitipon ng libo-libong Candelariahin, muling pinatunayan ng ating mga kababayan na hanggang sa dulo ay kasama sila sa bawat hakbang ng pagbabagoβ€”dala ng SM LEADERS Panalo. Sa makasaysayang gabing ito, naglaan ang lahat ng oras upang itaas ang sinsero at nag-uumapaw na pasasalamat sa ating Panginoon.

Lalong lumiwanag sa isipan ng lahat ang magagandang plataporma at adhikain na isasakatuparan kung ating pagtutulong-tulungan. Iisa lamang ang malakas na panawagan ng bawat mamamayanβ€”'yan ay ang ipagpatuloy ng SM LEADERS Panalo ang Garantisadong Serbisyo Diretso Sa Tao, sa pangunguna ng kasalukuyan at nais ng karamihan na muling maging alkalde ng bayan ng Candelaria na si Mayor George "Ogie" Suayan. Lubos ang pasasalamat na ipinapabatid ng SM LEADERS Panalo sa lahat ng nagpakita ng suporta at dumalo sa napakasayang Gabi ng Pasasalamat. Ngayong Mayo 12, ipapanalo natin 'to! Ipapanalo natin ang bayan ng Candelaria!

π•πŽπ“π„ π’π“π‘π€πˆπ†π‡π“ – π’πŒ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒 ππ€ππ€π‹πŽ 𝐍𝐀!
𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫
πŸ”΅ #πŸ‘ π’π”π€π˜π€π, πŽπ†πˆπ„

π•π’πœπž 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫
πŸ”΅ #𝟐 πŒπ€π‹πˆπ–π€ππ€π†, ππŽππ†

𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐑𝐚π₯
πŸ”΅ #𝟏 π€ππƒπŽπ, 𝐇𝐀𝐙𝐄𝐋-πŽπŒπ‘πˆ
πŸ”΅ #πŸ– πƒπˆπ™πŽπ, πŽππ€π
πŸ”΅ #πŸ— π„πŒπ‘π€π‹πˆππŽ, ππ„π‹πŽ
πŸ”΅ #𝟏𝟎 π„π’π‚π€πŒπˆπ‹π‹π€π’, πŠπ€π. πŒπ€πˆπ‹π€
πŸ”΅ #𝟏𝟏 π‹π€πŒπŽπ‚π€, πŠπ€π. ππŽππŽππ†
πŸ”΅ #πŸπŸ• π‘π€π˜πŒπ”ππƒπŽ, πŒπ€π‘πŠ 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋𝐔𝐏
πŸ”΅ #πŸπŸ– π’πˆπŽ, π„πŒπ„π‘π’πŽπ

πŸ”΅ #πŸ“πŸ π€πŠππ€π˜π€π ππ€π‘π“π˜π‹πˆπ’π“

TANDAAN SA BALOTA:  #3 SUAYAN, OGIE! Sama-sama nating ipapanalo ang mga minamahal nating Candelariahin!
10/05/2025

TANDAAN SA BALOTA: #3 SUAYAN, OGIE!

Sama-sama nating ipapanalo ang mga minamahal nating Candelariahin!

ππ†π€π˜πŽππ† πŒπ€π˜πŽ 𝟏𝟐, πˆππŽπ“πŽ 𝐀𝐓 πˆππ€ππ€π‹πŽ 𝐏𝐎 ππ€π“πˆπ 𝐍𝐀𝐍𝐆 π’π“π‘π€πˆπ†π‡π“ π’πŒ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒 ππ€ππ€π‹πŽ 𝐍𝐀!𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 πŸ”΅  #πŸ‘ π’π”π€π˜π€π, πŽπ†πˆπ„ π•π’πœπž 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 πŸ”΅  #𝟐 ...
10/05/2025

ππ†π€π˜πŽππ† πŒπ€π˜πŽ 𝟏𝟐, πˆππŽπ“πŽ 𝐀𝐓 πˆππ€ππ€π‹πŽ 𝐏𝐎 ππ€π“πˆπ 𝐍𝐀𝐍𝐆 π’π“π‘π€πˆπ†π‡π“ π’πŒ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒 ππ€ππ€π‹πŽ 𝐍𝐀!

𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫
πŸ”΅ #πŸ‘ π’π”π€π˜π€π, πŽπ†πˆπ„

π•π’πœπž 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫
πŸ”΅ #𝟐 πŒπ€π‹πˆπ–π€ππ€π†, ππŽππ†

𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐑𝐚π₯
πŸ”΅ #𝟏 π€ππƒπŽπ, 𝐇𝐀𝐙𝐄𝐋-πŽπŒπ‘πˆ
πŸ”΅ #πŸ– πƒπˆπ™πŽπ, πŽππ€π
πŸ”΅ #πŸ— π„πŒπ‘π€π‹πˆππŽ, ππ„π‹πŽ
πŸ”΅ #𝟏𝟎 π„π’π‚π€πŒπˆπ‹π‹π€π’, πŠπ€π. πŒπ€πˆπ‹π€
πŸ”΅ #𝟏𝟏 π‹π€πŒπŽπ‚π€, πŠπ€π. ππŽππŽππ†
πŸ”΅ #πŸπŸ• π‘π€π˜πŒπ”ππƒπŽ, πŒπ€π‘πŠ 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋𝐔𝐏
πŸ”΅ #πŸπŸ– π’πˆπŽ, π„πŒπ„π‘π’πŽπ

πŸ”΅ #πŸ“πŸ π€πŠππ€π˜π€π ππ€π‘π“π˜π‹πˆπ’π“

Address

Candelaria
4323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Garantisadong Serbisyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share