21/05/2026
๐๐ข๐ข๐: Outgoing PFC Internal Vice President (IVP) Jovie Ann Tangtang emotionally delivered her Message of Gratitude as she bid farewell to her position as the IVP of the NNHS Guidance: Peer Facilitators Club (PFC) during the Meet and Greet x Final Wave held on May 18, 2026, at the NNHS Civic Center. In her speech, she shared that PFC became her home, where she found comfort and discovered herself as a person through the club.
************
"Hi, Peers!
Thank you for this chance to share some of my journey here over the four years of staying and choosing this PFC family. Medyo mahaba ito, so please let me have this time to express my gratitude dahil hindi talaga ako vocal sa feelings at thoughts ko. As in, bihira lang akong mag-open, hindi rin ako pala-message o pala-post.
So Alam ko na ilan lang sa inyo ang nakakaalam na adopted lang ako ng PFC Batch 2022โ2023. Hindi ko talaga ine-expect na gagawin nila akong official member after failing the screening and interview process.
Thank you, Ashanti, for inviting me and letting me accompany you every time na may ganap kayo dito sa PFC, and even sa everyday visits mo sa Guidance. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-enjoy noon habang naa-amaze sa fellow members ng PFC at sa lahat ng ginagawa ninyo.
After ilang months ng pagsama at pag-oobserve habang kasama ko si Ashanti sa Guidance, marami akong na-realize at natutunanโmga bagay na somehow na-apply ko rin sa sarili ko. Then one day, Maโam Rose asked me if gusto ko bang maging part ng PFC. Of course, sinabi kong gusto ko. Out of nowhere talaga iyon kaya sobrang hindi ko in-expect.
Kaya thank you sa PFC Officers Batch 2022โ2023, headed by Ate Trisha, Sir Dan, and Maโam Rose, sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin at sa pagbukas ng pintuan na hindi ko akalain na magiging sandalan at pahinga ko.
You never failed to show your full support and unconditional love sa akin, and I witnessed it myself noong contestant ako ng BOW 2023. Mula sa pagre-review ko hanggang makarating akong division level, at hanggang sa pag-uwi ko sa Guidance na umiiyakโkayo ang nagbigay ng pinakamahigpit na yakap at comfort na walang makakapantay.
Kaya habang pauwi ako noon, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko iiwan ang PFC kahit anong mangyari.
Hanggang sa dumating ang final wave. Hindi ko ine-expect na iiyak ako nang ganoon kalalaโyung tipong halos maga ang mata ko sa kakaiyak. Doon ko na-realize kung gaano kalaki ang naging impact nila Kuya Janjan, Ate Lea, Ate Diana, at ng iba pang outgoing peers sa akin kahit maikli lang ang panahon na nakasama ko sila.
And of course, kay Ate Marylouโisa rin siya sa umalis noon dahil sa ibang school na siya magse-senior high. Siya yung grabe ang effort na turuan ako mag-emcee kahit wala naman talaga akong talent sa pagsasalita, lalo na sa harap ng maraming tao. Si Ate Marylou na hate ang physical touch pero naging isa sa mga taong nagbigay sa akin ng comfort at confidence.
After that, parang naging cycle ko na ata ang umiyak every final wave dahil sa dami na namang aalis na napamahal na rin sa akin.
Expectation: โHindi iiyak sa final wave.โ Reality: โIiyak sa final wave.โ
Kaya lagi iyon ang pang-aasar sa akin ni Sir Dan every time na malapit na ang final wave.
And ngayon, sa bilis ng panahon, Iโm standing here right nowโฆ at ako naman pala ang aalis sa buong pusong minahal at nilaban ko.
Siguro curious kayo bakit ko sinabing โnilaban.โ Hereโs why.
Noong Grade 9, napansin na ng parents ko na halos lagi na akong nakakauwi nang madilim na. Hanggang nag-Grade 10 ako, halos lagi na rin akong late umuwiโsometimes dahil sa practice, sometimes dahil pinipili kong mag-stay sa Guidance para sa simpleng kamustahan at chikahan na laging puno ng mixed emotions. At minsan naman dahil sa preparations para sa mga PFC ganaps.
Dahil doon, madalas nila akong mapagalitan at lagi nilang sinasabi sa akin na umalis na raw ako sa PFC. Akala nila, dahil sa pagsama ko rito kaya ako laging gabing nakakauwi at napapabayaan ko na ang ibang bagay. Pero kahit paulit-ulit kong naririnig iyon at kahit lagi akong napapagalitan, pinili ko pa rin manatili.
Kasi habang tumatagal, mas lalo kong narealize kung gaano kahalaga sa akin ang PFC. Hindi lang dahil sa activities, events, o responsibilitiesโkundi dahil sa mga taong nakilala ko rito at sa comfort na nabibigay niyo sa akin.
Dito rin ako maraming natutunan na lessons na tumulong sa growth koโnot just as a leader or as a student, but also as a person. Marami akong natutunan tungkol sa pakikisama, pag-intindi sa ibang tao, pagiging responsible, at kung paano maging mas matatag sa buhay.
Yun na ang naging routine ko mula Grade 9โang pumunta muna sa Guidance bago umuwi.
Every time na nasa Guidance ako kasama sila, parang gumagaan yung pagod at bigat na dala ko galing sa buong araw. Kahit simpleng kwentuhan, tawanan, o chikahan lang pagkatapos ng events at activities, sapat na iyon para mapawi yung stress at pagod ng bawat isa
At sa mga simpleng moments na iyon, unti-unti akong nakabuo ng memories at connections na hindi ko ine-expect na magiging sobrang importante pala sa akin.
Doon ko na-realize na hindi lang pala organization ang PFC para sa akin.
Naging tahanan siya. Naging pahinga. Naging safe place. At higit sa lahat, naging pamilya.
Kaya sa lahat ng naging part ng journey ko dito sa PFCโthank you. Thank you for every lesson, every laugh, every comfort, every scolding, every advice, and every memory na dadalhin ko habang buhay.
Hindi man naging madali ang journey ko, pinadali ninyo itong dalhin dahil hindi ninyo pinaramdam na mag-isa ako.
And now that itโs finally my turn to leave, gusto kong malaman ninyo na malaking part kayo ng kung sino ako ngayon.
And before I end this, gusto ko rin humingi ng sorry if may mga times na hindi ninyo masyadong naramdaman yung presence ko, o kung nagkaroon man ako ng pagkukulang sa ilan kong responsibilities. There were times na hindi ko rin nabibigay yung best ko dahil sa pagod, personal struggles, at ibaโt ibang bagay na sabay-sabay kong hinaharap ng tahimik.
But despite that, thank you dahil hindi ninyo ako pinabayaan at patuloy ninyo pa rin akong tinanggap at inintindi.
To my fellow peers, officers, advisers, and everyone who became part of my PFC journeyโthank you for becoming my second family.
And of course, a special thank you to Maโam Rose and Sir Dan for the trust, support, patience, and for never getting tired of pushing and motivating me to become better. Thank you for always believing in me even during the times when I doubted myself.
Thank you for your unconditional love and for becoming a mother and father figure not just for me, but for all of us in PFC. Hindi man namin palaging nasasabi, pero sobrang laki ng naging impact ninyo sa buhay naming lahat.
And to the members who will be staying, please continue to take care of Maโam Rose and Sir Dan the same way they took care of all of us. Love and appreciate them while you still have the chance because not everyone gets to have advisers who genuinely love and support their students like they do.
Hindi man ako magaling magpahayag ng nararamdaman, pero sana kahit papaano naramdaman ninyo kung gaano ko kayo kamahal at kung gaano ako ka-grateful na naging part ako ng PFC.
PFC will always have a special place in my heart.
And no matter where life takes us after this, dala-dala ko lahat ng natutunan, memories, at pagmamahal na ibinigay ninyo.
Thank you for being my comfort, my strength, my home, and my family.
And to the old members who will be staying, thank you for continuing the love, service, and warmth that made PFC feel like home for many of us. I know hindi rin magiging madali para sa inyo ang maiwan habang unti-unting umaalis ang mga nakasanayan ninyong kasama, pero sana ipagpatuloy ninyo yung bond, support, at care na bumubuo sa organization na ito.
Please continue guiding the new members, make them feel welcome, and remind them that PFC is more than just an organizationโitโs a family. And kahit wala na kami physically sa PFC, we will always be cheering for all of you from afar.
And to the new members of PFC, treasure every moment you will have here. Donโt be afraid to step out of your comfort zone, make mistakes, ask questions, and build connections with the people around you.
Hindi ninyo man agad mapansin ngayon, pero one day marerealize ninyo kung gaano kalaki ang magiging impact ng PFC sa buhay ninyoโnot just as students or leaders, but as people.
There will be stressful days, tiring practices, and moments na gugustuhin ninyong sumuko. But please stay. Stay for the people, for the memories, for the lessons, and for the version of yourself na mabubuo dahil sa organization na ito.
Love PFC with all your heart the same way PFC will love you back.
Once again, Thank you for being my comfort, my strength, my home, and my PFC family.
Loveโ your IVP Jovie"