Lakas Mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan

Website Contact the organization

Lakas Mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Lakas Mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan, Community Organization, University of the East/Caloocan, Caloocan.

Lakas Mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan (LAMPS) renounces the use of violence as an instrument of its policy, and adopts the generally accepted principle of peaceful co-existence in the University. We shall promote social justice to ensure equality of treatment and opportunities, and advance the dignity and welfare of all of its members, closer interaction and integration among its members and other sector of the University and a balanced understanding of the role of its members not only as students of the University but also as citizens of the country.

ʀᴇᴍᴇᴍʙᴇʀ; ꜱᴇᴘᴛᴇᴍʙᴇʀ.Before the clock strikes midnight and September quietly slips away, take a moment to look back at ho...
30/09/2026

ʀᴇᴍᴇᴍʙᴇʀ; ꜱᴇᴘᴛᴇᴍʙᴇʀ.

Before the clock strikes midnight and September quietly slips away, take a moment to look back at how far you’ve come.

Maybe the month did not go exactly as planned. Maybe it asked more of you than you expected. But you made it here, and that is something worth acknowledging.

Send this to someone you’re proud of, someone you want to greet, or someone you simply want to check on.

𝘩𝘪𝘵𝘪𝘬 𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯,
𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘶𝘸𝘢𝘯𝘨.



𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗛𝗔,  𝘈𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘬𝘵𝘢𝘵𝘶𝘳𝘺𝘢 🕯️Limampu't apat na taon na ang nakalipas nang lagdaan ni dating Pangulong Ferdinand...
21/09/2026

𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗛𝗔,
𝘈𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘬𝘵𝘢𝘵𝘶𝘳𝘺𝘢 🕯️

Limampu't apat na taon na ang nakalipas nang lagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081 noong Setyembre 21, 1972, na nagdeklara ng Batas Militar sa buong Pilipinas. Sa ilalim nito at ng mga sumunod na kautusan, lumawak ang kapangyarihan ng ehekutibo at militar habang mahigpit na kinontrol ang iba't ibang bahagi ng pampublikong buhay.

Sa mga taong iyon, libo-libong Pilipino ang nakaranas ng arbitraryong pag-aresto at pagkakakulong, tortyur, sapilitang pagkawala, at pagpatay. Kabilang sa mga naapektuhan ang mga mamamahayag, estudyante, manggagawa, abogado, pari, aktibista, at mga ordinaryong mamamayang pinaghinalaang kumokontra sa pamahalaan. Ang ganitong mga paglabag ay malawakang naitala ng mga organisasyong pangkarapatang pantao.

Mula sa Amnesty International, ang lawak ng mga naitalang kaso ay makikita rin sa mga record ng Human Rights Victims' Claims Board. Mahigit 75,000 aplikasyon para sa pagkilala at reparasyon ang natanggap nito, at 11,103 claimant ang kinilalang karapat-dapat sa monetary reparations.

Ngunit ang mga bilang na ito ay hindi kailanman dapat manatiling mga bilang lamang. Kaya ang pag-alala ay hindi simpleng pagbabalik sa nakaraan. Ito ay pagkilala sa mga taong nakaranas nito at pag-unawa kung paano maaaring lumabis ang kapangyarihan kapag nawawala ang mga mekanismong kumukuwestiyon at nananagot dito.

Mekanismo tulad ng pakikibaka sa lansangan. Ngayong araw, magaganap ang malawakang protesta mula sa mga paaralan hanggang sa kalsada para sa pag-alala at muling pagkuwestyong ng taumbayan sa mga nakaluklok sa kapangyarihan. Marahil ito'y tinatawanan ng mga "troll" o ng mga kapwa Pilipino, ngunit hindi maikakaila na ang tapang sa lansangan ay nakapagpataob ng diktaturya. At kung ang iihip ng hangin ay pumabor sa mga masasama, magiigting ang nakabibinging sigaw laban sa kadiliman.

Dalawang ulo man ang nasa isang halimaw, iisa ang dapat bantayan: ang kapangyarihang walang pananagutan.

Wala silang pinagkaiba.
Parehong tuta, diktador, pasista.

Ang kapangyarihan ay maaaring maupo sa Malacañang, mapasakamay ng militar, o maipon sa iilang pangalan. Ngunit hindi ito likas na pag-aari ng mga halimaw na nagkatawang politiko, pulis, at mambabatas.

Dahil ang tunay na lakas ng isang bayan ay hindi nasusukat sa laki ng kapangyarihan ng iilang tao, kundi sa kakayahan ng mamamayan na gamitin ang sarili nilang boses, alalahanin ang kanilang kasaysayan, at manindigan kapag ang kapangyarihan ay nagsisimulang lumampas sa hangganan.

⭐ Sanggunian:
Five things to know about Martial Law in the Philippines
https://www.amnesty.org/en/latest/news/2022/04/five-things-to-know-about-martial-law-in-the-philippines/?utm_source=chatgpt.com

𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗵𝗮, 𝗴𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮:
𝘔𝘢𝘯𝘥𝘪𝘳𝘪𝘨𝘮𝘢, 𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘣𝘢𝘬𝘢.

Layout By: Colin Fortea
Caption By: Dazel Mahinay




𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐓𝐔𝐈𝐍, 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐘𝐔𝐍𝐈𝐍 ✨Sa kalawakan ng kaalaman, bawat bituin ay may sariling liwanag, kuwento, at layuning hati...
17/09/2026

𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐓𝐔𝐈𝐍, 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐘𝐔𝐍𝐈𝐍 ✨

Sa kalawakan ng kaalaman, bawat bituin ay may sariling liwanag, kuwento, at layuning hatid. Sa pagtitipong ito, ating kilalanin ang apat na natatanging personalidad na magbabahagi ng kanilang mga karanasan, kaalaman, at pananaw tungkol sa pamumuno at paglilingkod.

Kilalanin sina 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐢𝐧𝐚 𝐉𝐚𝐧𝐢𝐧𝐞 𝐁. 𝐂𝐫𝐮𝐳, at 𝐄𝐫𝐢𝐜𝐤𝐯𝐚𝐞 𝐁. 𝐑𝐢𝐜𝐚𝐟𝐨𝐫𝐭 mula sa Tinig ng Silangan Party Alliance. At sina 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐢𝐧𝐢𝐚 𝐏. 𝐐𝐮𝐚𝐧𝐢𝐜𝐨, at 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐲 𝐏. 𝐍𝐚𝐯𝐢𝐚 sa Nagkakaisang Tugon Party Alliance—apat na bituing may kanya-kanyang ningning, ngunit nagkakaisa sa isang layunin: humubog ng mga pinunong may malasakit, paninindigan, at kakayahang magbigay-liwanag sa kanilang kapwa.

Sapagkat ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa posisyon, kundi sa tapang na manguna, pusong maglingkod, at kakayahang magbigay-inspirasyon sa iba. Sa kanilang mga kuwento at aral, tuklasin natin kung paano ang isang pinuno ay maaaring maging gabay, katuwang, at liwanag sa komunidad.

Apat na bituin. Isang layunin. Isang komunidad na pinangungunahan nang may puso. 🌟



IKAWALOMPUNG TAON NG PUNDASYON Ngayong linggo ay ipinagdiriwang ang ika-80 taon ng pundasyon at mga alaala sa ating Pama...
16/09/2026

IKAWALOMPUNG TAON NG PUNDASYON

Ngayong linggo ay ipinagdiriwang ang ika-80 taon ng pundasyon at mga alaala sa ating Pamantasan ng Silangan. Ipinagpapatuloy ang nasimulan at ipinalalago ang pagkakaisang ating tinatamasa.

Katulad ng isang konstelasyon, ating tunghayan ang pagbubuklod ng apat na partidong kinikilala natin: ang Tugon, Tinig, Sandigan at Kaisa na hinuhubog ng iisang layunin. Maririnig natin ang iba’t ibang mga katuruan, kultura, at paniniwala na pinanghahawakan at ituturo ng ating mga alumni upang tayo’y mas matuto, lumago, at mairepresenta ang Komunidad ng mga Mandirigmang Kabataan. Layunin ng programang ito na isulong ang dayalogo, kapwa-pag-unawa, at pakikipagtulungan sa mga lider-estudyante ng Pamantasan sa Silangan-Caloocan.

Layout By: Colin Fortea
Caption By: Precious Grace Roda



𝗠𝗮𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁, 𝗣𝗮𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝘂𝗽𝗮. ⭐9.17.26
16/09/2026

𝗠𝗮𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁, 𝗣𝗮𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝘂𝗽𝗮. ⭐

9.17.26



𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗣: 𝗪𝗥𝗜𝗧𝗘.𝗬𝗢𝗨𝗥.𝗧𝗛𝗢𝗨𝗚𝗛𝗧𝗦 𝟭𝟬𝟭 🌟Write.Your.Thoughts101 is a creative small business that began in 2020 with a pass...
16/09/2026

𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗣: 𝗪𝗥𝗜𝗧𝗘.𝗬𝗢𝗨𝗥.𝗧𝗛𝗢𝗨𝗚𝗛𝗧𝗦 𝟭𝟬𝟭 🌟

Write.Your.Thoughts101 is a creative small business that began in 2020 with a passion for turning ideas and self-expression into meaningful handmade creations. From cute accessories and anik-aniks to crochet, fuzzy wire crafts, and personalized pieces, they continue to bring creativity to life through unique and affordable handmade products.

This year, we’re grateful to have them join us as one of our valued partners for a year-long partnership with LAMPS! With their wonderful selection for creations and warm presence, we’re looking forward to sharing more shining experiences together throughout the year.

Thank you very much, Write.Your.Thoughts 101! ✨


𝗗𝗘𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘𝗦, 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗔𝗪𝗔𝗜𝗧𝗦 🕵🏻‍♀️Before stepping into the 𝟮𝟮𝟭𝗕 𝗨𝗡𝗦𝗢𝗟𝗩𝗘𝗗: 𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗵𝗲𝗿𝗹𝗼𝗰𝗸 𝗛𝗼𝗹𝗺𝗲𝘀 𝗘𝘀𝗰𝗮𝗽𝗲 𝗥𝗼𝗼𝗺, make sure you...
14/09/2026

𝗗𝗘𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘𝗦, 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗔𝗪𝗔𝗜𝗧𝗦 🕵🏻‍♀️

Before stepping into the 𝟮𝟮𝟭𝗕 𝗨𝗡𝗦𝗢𝗟𝗩𝗘𝗗: 𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗵𝗲𝗿𝗹𝗼𝗰𝗸 𝗛𝗼𝗹𝗺𝗲𝘀 𝗘𝘀𝗰𝗮𝗽𝗲 𝗥𝗼𝗼𝗺, make sure you know the mechanics and instructions of the game.

Gather your squad, sharpen your wits, and prepare to find the clues, crack the codes, and solve the case before time runs out.

The game is afoot. 🔍



𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗🔍—𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗘𝗘𝗞 𝗧𝗛𝗥𝗜𝗟𝗟In celebration of the 80th Founding Anniversary of the University of the East, LAMPS is inviting...
13/09/2026

𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗🔍—𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗘𝗘𝗞 𝗧𝗛𝗥𝗜𝗟𝗟

In celebration of the 80th Founding Anniversary of the University of the East, LAMPS is inviting everyone to put their thinking hats on as they take on the challenge of “𝟮𝟮𝟭𝗕 𝗨𝗡𝗦𝗢𝗟𝗩𝗘𝗗: 𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗵𝗲𝗿𝗹𝗼𝗰𝗸 𝗛𝗼𝗹𝗺𝗲𝘀 𝗘𝘀𝗰𝗮𝗽𝗲 𝗥𝗼𝗼𝗺.” 🕵🏻‍♂️

Think you have the eyes of Holmes and the deduction skills of Watson? 🧐 Gather your best detectives, put your heads together, and see if you can uncover what’s hiding behind the door of 221B.

Get a chance to win 𝗗𝗔𝗜𝗟𝗬 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗣𝗥𝗜𝗭𝗘𝗦 and merchandise + discounts from our generous sponsors, 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗬𝗼𝘂𝗿 𝗧𝗵𝗼𝘂𝗴𝗵𝘁𝘀 𝟭𝟬𝟭 and 𝗗𝗮𝘆𝗱𝗿𝗲𝗮𝗺 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗼! ✨

Catch us on 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟱–𝟭𝟳, from 𝟭𝟬:𝟬𝟬 𝗔𝗠 𝘁𝗼 𝟰:𝟬𝟬 𝗣𝗠, at 𝗠𝘂𝗹𝘁𝗶𝗽𝘂𝗿𝗽𝗼𝘀𝗲 𝗛𝗮𝗹𝗹 𝟮, 𝟯𝗿𝗱 𝗙𝗹𝗼𝗼𝗿, 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴. 📌

“There is nothing more deceptive than an obvious fact.” — Sherlock Holmes

Find the evidences and let's begin the deduction show. 💼

Layout and Caption by: Dazel Mahinay



𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗘𝗟𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗢. 𝟬𝟵𝟭𝟭𝟬𝟱𝙼𝙰𝚁𝙸𝙰𝙽𝙴Some people are easy to notice, but not always easy to understand. For there is a greatne...
11/09/2026

𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗘𝗟𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗢. 𝟬𝟵𝟭𝟭𝟬𝟱
𝙼𝙰𝚁𝙸𝙰𝙽𝙴

Some people are easy to notice, but not always easy to understand. For there is a greatness deep inside that is more than meets the eye.

Happy Birthday to our College of Engineering Director, Mariane! Fierce, outgoing, and never one to shy away from taking initiative, you bring an energy to LAMPS that is difficult to miss. Yet beyond the boldness is someone who constantly finds ways to be of help, even when the task was never hers to begin with. You step forward not because you are asked to, but because you see something that needs to be done and choose to do something about it.

On September 11, 2005, astronomers observed the supernova SN 2005cs in the Whirlpool Galaxy, a stellar event that briefly became bright enough to be seen across an immense cosmic distance. Supernovae remind us that some stars are not meant to remain unnoticed; when they shine, they transform the space around them and leave something behind long after the moment has passed.

Mariane, today, we celebrate someone whose presence carries that same unmistakable energy. May you continue to lead with the fierceness that moves you forward and the heart that makes you stop and lend a hand.

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆, 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻𝗲! 🌟



𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗛𝗔,𝘈𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢𝘯 🧠 Ngayong araw, ika-10 ng Setyembre, ipinaaalala sa'tin ang World Su***de Prevention Day...
10/09/2026

𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗛𝗔,
𝘈𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢𝘯 🧠

Ngayong araw, ika-10 ng Setyembre, ipinaaalala sa'tin ang World Su***de Prevention Day kasabay ng isang buwang paggunita ng International Su***de Prevention Month.

Sa bawat presensiya ng isang tao para sa kapwa, naiibsan ang nakabibinging katahimikan, humihina ang mga boses sa isipan, at gumagaan kahit papaano ang kalooban. Para sa isang bansa na nakaangkla ang katatagan sa kultura, hindi kaya naging lason na mismo ito para sa isang indibidwal? Tila ito’y naging tanikala para sa isang kaluluwang sumisigaw ng kalayaan sa katatagan.

Marahil, ang adbokasiya para sa kalusugang pangkaisipan ay kaliwa’t kanan ngayong araw. Ngunit sa ibang perspektibo, hindi ba’t nalilimitahan na lamang sa ganito ang pagtulong dahil sa isang sistemang tila hindi nagbibigay ng ibang pagpipilian sa isang karaniwang mamamayan?

Mahalaga ang isang kaibigang nakikinig. Mahalaga ang pamilyang nananatili. Mahalaga ang mga seminar na nagbubukas ng usapin at mga kampanyang kumakalas sa stigma. Ngunit hindi maaaring ang “nandito lang ako” ang maging tanging sagot sa isang problemang nangangailangan ng propesyonal na interbensyon.

Ayon sa isang sistematikong pagsusuri sa Filipino help-seeking, kabilang sa mga hadlang sa paghingi ng propesyonal na tulong ang kakulangan sa pananalapi at pagiging hindi madaling maabot ng mga serbisyong pangkalusugang pangkaisipan. Natukoy rin sa pagsusuri na ang resilience at self-reliance ay maaaring maging hadlang sa paghingi ng pormal na tulong, bagama’t ang mga ito ay higit na naobserbahan sa mga kwalitatibong pag-aaral.

Kung ang isang tao ay sa wakas nagkaroon ng lakas ng loob upang humingi ng tulong, ano ang mangyayari kung ang tulong na kaniyang hinahanap ay hindi naman niya kayang abutin? Maging matatag na lamang ulit?

Ang perspektibong ito ay hindi nangmamaliit ng ating nakagisnan na tulong sa kapwa lalo na sa mga taong nakararanas ng ganitong problema. Ito ay nagbibigay lamang ng bagong anggulo kung paano natin matutulungan ang mga nangangailangan ng tulong pampropesyonal.

Dahil ito’y hindi lamang tungkol sa pagpapaalala sa isang tao kung bakit hindi niya kailangang lumisan sa mundo. Tungkol din ito sa pagbuo ng mundong may sapat na suporta upang piliin niyang manatili. Mundong hindi lamang naghihintay na humingi siya ng tulong, kundi tinitiyak na kapag ginawa niya, may tutulong.

Ang pagbabago ng kaisipan ay simula lamang. Ang tunay na hamon ay ang pagbuo ng sistemang hindi ipinauubaya sa katatagan ng isang tao ang bigat ng mga pagkukulang nito.

⭐ Sanggunian:
Martinez, A. B., Co, M., Lau, J., & Brown, J. S. L. (2020). Filipino help-seeking for mental health problems and associated barriers and facilitators: A systematic review. Social Psychiatry and Psychiatric Epidemiology, 55(11), 1397–1413.
https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC7578164/

𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗵𝗮, 𝗴𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮:
𝗠𝗮𝗻𝗱𝗶𝗿𝗶𝗴𝗺𝗮, 𝗸𝘂𝗺𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘀𝘁𝗲𝗺𝗮. 🤲🏻

Layout By: Colin Fortea
Caption By: Dazel Mahinay


***dePreventionDay

Address

University Of The East/Caloocan
Caloocan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lakas Mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Lakas Mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan:

Shortcuts

Share