LakbayLinaw PH

LakbayLinaw PH Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LakbayLinaw PH, Youth Organization, Caloocan.

"Gawa ng Kabataan, Para sa Kabataan"

A youth-led initiative that aims to instill civic education in youth in a simplified and informal yet accurate manner through digital slide presentation.

🗳️☝️KABATAAN — READY KA NA BA? ☝️🗳️🫣 Ready ka na bang makipagkamay, kumaway, at ngumiti sa mga ka-baranggay mo? Dapat re...
11/09/2026

🗳️☝️KABATAAN — READY KA NA BA? ☝️🗳️

🫣 Ready ka na bang makipagkamay, kumaway, at ngumiti sa mga ka-baranggay mo? Dapat ready ka na dahil…

‼️ Malapit na malapit na ang Baranggay & Sangguniang Kabataan Elections 2026!

Narito ang mga importanteng petsa mula sa Commission on Elections (COMELEC) para sa BSKE 2026:

September 28 - October 5: Filling of Certificates of Candidacy. 📄
September 28 - October 21: Campaigning is Prohibited. Bawal mangampanya! 🚫
October 3 - November 9: Election Period! (Gun Ban) 👋
October 22 - October 31: Campaign Period! ✅
November 1: Eve of Election Day! Bawal ang alak at bawal ding mangampanya! (Liquor Ban) 🚫🍺
‼️ November 2: Election Day! (7:00 AM to 3:00 PM Voting Hours) 🗳️☝️

💡 Gamitin nating sabay-sabay ang ating karapatang bumoto (right to suffrage) ayon sa Saligang Batas.

Bumoto ng matalino, bumoto nang matalino.

Follow us on our FB and Tiktok PH!

MAKINIG. MAKIISA. MAKIALAM.






🖼️ Designed by: Era Estrada
🖋️ Captioned by: Yeshua Nunag

🎉🗣️ LINGGO NG KABATAAN 🗣️🎉💡 Ngayong buwan ng Agosto ang taunang pagdiriwang ng “Linggo ng Kabataan”. Ayon sa R.A. 10742 ...
09/08/2026

🎉🗣️ LINGGO NG KABATAAN 🗣️🎉

💡 Ngayong buwan ng Agosto ang taunang pagdiriwang ng “Linggo ng Kabataan”. Ayon sa R.A. 10742 o SK Reform Act, isinasabay ito sa International Youth Day sa Agosto 12.

‼️ Ngunit, nakadepende pa rin sa SK Council kung kailan nila ito ipagdiriwang basta’t ito ay pasok sa ikalawang linggo ng Agosto o sa kabuuang buwan ng Agosto.

❕ Nakadepende rin sa kanila kung anong mga programa o aktibidad ang kanilang gaganapin.

❔ Mayroon na bang programa, proyekto at aktibidad na inilabas mula sa SK Council niyo I-comment down below niyo na iyan! 🥰

O kung wala pa, SK, baka naman! 😁🤭

MAKINIG. MAKIISA. MAKIALAM.

Advanced Happy International Youth Day! Mabuhay ang mga pag-asa ng bayan!



💵🧾 ANNUAL BUDGET — LAMAN NG TRANSPARENCY BOARD SERIES 🧾💵❔ Narinig o nabasa mo na ba ang, “AB” o Annual Budget? Ano nga b...
30/06/2026

💵🧾 ANNUAL BUDGET — LAMAN NG TRANSPARENCY BOARD SERIES 🧾💵

❔ Narinig o nabasa mo na ba ang, “AB” o Annual Budget? Ano nga ba ang dapat mong makita sa listahan na ito patungkol sa SK?

💡 Ang AB o “Annual Budget” ay listahan kung MAGKANO ang ilalaang pondo para sa mga gastusin ng SK isang buong taon.

Halimbawa:
1. Office Supplies - P50,000.00
2. Sound System - P30,000.00
3. Basketball League - P150,000.00
4. Educational Supplies - P100,000.00
5. Printer - P10,000.00

‼️ NOTE ‼️: Ang ABYIP o “Annual Barangay Youth Investment Program” ay isa ring listahan kung ANO at PAANO isasakatuparan ang mga PROYEKTO sa isang taon. Sa AB o Annual Budget nakalagay kung magkano ang gagastusin sa mga proyektong nakalagay sa ABYIP.

🏛️ Ang mga listahang ito ay mahalaga upang maisulong ang epektibong paglulunsod ng mga proyekto at transparency sa buong barangay. Kung kaya’t maging mapanuri!

MAKINIG. MAKIISA. MAKIALAM.

Follow us on our Tiktok and FB Page @ LakbayLinaw PH!




🔎📋 ANO ANG ABYIP? — LAMAN NG TRANSPARENCY BOARD SERIES 📋🔍💡 Ang ABYIP o Annual Barangay Youth Investment Program ay isang...
24/06/2026

🔎📋 ANO ANG ABYIP? — LAMAN NG TRANSPARENCY BOARD SERIES 📋🔍

💡 Ang ABYIP o Annual Barangay Youth Investment Program ay isang pampublikong dokumento na naglalaman ng mga proyekto na gagawin sa loob ng isang taon.

📜 Ang nilalaman ng ABYIP ay dapat nakabase o nakasunod sa nilalaman ng CBYDP. Kada taon, mamimili ang SK sa CBYDP kung ano ang gagawin nilang proyekto na ilalagay sa ABYIP.

❕Ilan sa mahahalagang laman ng ABYIP ay:

1. Ano ang proyekto? (Pamagat, deskripsyon, etc.)
Ex. Basketball League ✅

2. Bakit kailangan nito? (Rasyonale)
Ex. Upang may mapaglibangan ang mga kabataan at maiwasan ang ilegal na droga. ✅

3. Sino-sino ang kasali? (Kalahok)
Ex. Mga kabataan edad 16 - 21 years old. ✅

4. Magkano ang kailangang badyet at ano ang mga bibilhin? (Gastusin)
Ex.

💵 Total Needed Budget: ₱150,000.00
🛒 Bola, trophy, ring, medals, uniforms, etc. ✅

5. At iba pang detalyeng importante para sa paglulunsad ng isang proyekto. ✅

‼️ IMPORTANTE ‼️: Ang CBYDP ay pang-tatlong (3) taon na plano ng SK, in general iyan. Ang ABYIP ay pang-isang (1) taon na plano ng SK na nakabase sa CBYDP, mas specific at detalyado ito kaysa sa CBYDP.

MAKINIG. MAKIISA. MAKIALAM.

Follow us on our Tiktok and FB Page @ LakbayLinaw PH!




🧾🔎 ANO ANG CBYDP? — LAMAN NG TRANSPARENCY BOARD SERIES 🔍🧾💡 Ang CBYDP o Comprehensive Barangay Youth Development Program ...
18/06/2026

🧾🔎 ANO ANG CBYDP? — LAMAN NG TRANSPARENCY BOARD SERIES 🔍🧾

💡 Ang CBYDP o Comprehensive Barangay Youth Development Program ay isang pampublikong dokumento na naglalaman ng mga plano ng SK sa kanilang (3) tatlong taong termino.

👀 Ilan sa mahahalagang nilalaman nito ay ang:

✅ Ano ang proyekto?
Ex. Basketball League, Feeding Program, etc.
✅ Bakit kailangan ng proyekto na iyon?
Ex. Upang tugunan ang kakulangan sa nutrisyon ng mga kabataan.
✅ Sino-sino ang kasapi?
Ex. Mga bata edad 8-12 taong gulang.
✅ At iba pa.

❕ Ang CBYDP ay binubuo ng SK Council sa unang (3) tatlong buwan ng kanilang pag-upo bilang mga bagong halal na opisyal.

‼️ IMPORTANTE ‼️: Kailangan nilang hingin ang suggestion o comments ng mga Kabataan sa paggawa ng CBYDP. At kailangang APRUBAHAN ng Katipunan ng Kabataan ang kanilang CBYDP. Kalahati ng kabuuang bilang ng mga Kabataan ang kailangang mag-apruba nito upang maipagpatibay.

❓ Sa inyo ba? Ginawa ba ito ng inyong SK Council? Maaari kayong magtanong sa inyong SK Council!

MAKINIG. MAKIISA. MAKIALAM.

Follow us on our Tiktok and FB Page @ LakbayLinaw PH!




🇵🇭🏛️ IKA-128 TAONG PAGGUNITA SA ARAW NG KALAYAAN 🏛️🇵🇭Ang araw ng pag-alala sa katapangan, sakripisyo, at ang sama-samang...
12/06/2026

🇵🇭🏛️ IKA-128 TAONG PAGGUNITA SA ARAW NG KALAYAAN 🏛️🇵🇭

Ang araw ng pag-alala sa katapangan, sakripisyo, at ang sama-samang pagkilos ng mga Pilipino na siyang mahalaga sa pagkamit ng kalayaan.

Gaya noon, sama-sama rin tayong tumindig at magkaisa laban sa korapsiyon, sa mga naghaharing-uri, at sa mga taong walang hinangad kung ‘di ang pansarili lamang.

❌ NO TO GHOST PROJECTS 👻 — ✅ YES TO ONLINE PUBLIC DOCUMENTS 📋💡 We SAY YES to transparency! Ang SK Council ay inatasang m...
11/06/2026

❌ NO TO GHOST PROJECTS 👻 — ✅ YES TO ONLINE PUBLIC DOCUMENTS 📋

💡 We SAY YES to transparency! Ang SK Council ay inatasang magpatupad ng “Full Public Disclosure Policy” kung saan nararapat silang mag-post ONLINE ng public documents ayon sa DILG Memorandum Circular (MC) No. 2023-068.

📜 Ilan sa mga nararapat nilang isapubliko ay ang mga sumusunod:

✅ Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBYDP);
✅ Annual Barangay Youth Investment Program (ABYIP);
✅ Annual Budget;
✅ Quarterly Register of Cash in Bank (RCB) at iba pang kaugnay na transaksiyon;
✅ Monthly Itemized List (MIL) ng mga Purchase Requests;
⚠️ at iba pang nais ipaskil ng SK Council.

🏛️ Ang mga SK official na hindi sumusunod sa Full Public Disclosure Policy ay maaaring maharap sa mga seryosong parusang administratibo, sibil, at kriminal. ❕

MAKINIG. MAKIISA. MAKIALAM.

Follow us on our Tiktok Page & FB Page PH




📜 MINUTES OF THE MEETING — ALAMIN ANG PINAG-USAPAN NG SK SA MEETING 📜💡 Oo! Puwedeng hingin ang “minutes of the meeting” ...
08/06/2026

📜 MINUTES OF THE MEETING — ALAMIN ANG PINAG-USAPAN NG SK SA MEETING 📜

💡 Oo! Puwedeng hingin ang “minutes of the meeting” ng SK Council upang malaman mo kung ano ang kanilang pinag-usapan, katulad ng:

✅ Pagpasa ng resolusyon;
✅ Paggawa ng badyet;
✅ Pag-apruba ng proyekto;
⚠️ at iba pa basta ito ay HINDI pribado o sensitibo ang pinag-usapan.

🏛️ Isa ito sa maraming paraan ng pagsulong ng transparency at active participation bilang mamamayan at kabataan.

❕ Maaaring itanong sa inyong SK Chairperson o Secretary kung paano makakukuha nito.

MAKINIG. MAKIISA. MAKIALAM.

Follow us on our Tiktok Page PH




‼️📢 SOKA — ANG “REPORTING” NI SK CHAIRPERSON 📢‼️💡 Dito natin malalaman ang mga nagawa, status ng pondo, kung naipaskil n...
05/06/2026

‼️📢 SOKA — ANG “REPORTING” NI SK CHAIRPERSON 📢‼️

💡 Dito natin malalaman ang mga nagawa, status ng pondo, kung naipaskil na sa Transparency Board (SKFPDB) ang mga pampublikong dokumento, at kung ano pa ang mga susunod na hakbang ng konseho.

🏛️ Dito rin natin maipapakita bilang mamamayan at bilang Kabataan ang ating aktibong partisipasyon sa pamamahala.

❕ Kung kaya’t dapat tayong dumalo sa SOKA ng ating mga SK at makilahok sa pamamagitan ng PAGTATANONG, PAGSUSUHESTIYON, at iba pa.




❌ SAY NO TO HOUSE BILL 8389 o “ANTI-POLITICAL DYNASTY” BILL ❌📜 Naipasa ngayong araw sa third and final reading ng Kamara...
03/06/2026

❌ SAY NO TO HOUSE BILL 8389 o “ANTI-POLITICAL DYNASTY” BILL ❌

📜 Naipasa ngayong araw sa third and final reading ng Kamara ang House Bill 8389 o Anti-Political Dynasty Bill. Si Cong. Sandro Marcos at Speaker Faustino Dy III ang principal authors ng HB 8389, parehas na miyembro ng POLITICAL DYNASTY.

🤦 Imbis na ipagbawal ang Political Dynasty ay tila ba ipinagtitibay pa ito ng HB 8389. Ito ay isang INSULTO at PAMBABASTOS sa bawat Pilipino.

‼️ Mahiya naman kayo.



Address

Caloocan
1403

Opening Hours

Monday 8am - 10pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 10pm
Sunday 8am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LakbayLinaw PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share