14/11/2020
PAUNAWA
Nobyembre 14, 2020
Bumalik na sa normal kagabi, 8 p.m., ang volume ng tubig na pinu-produce ng aming mga treatment plant matapos ang patuloy na pagbaba ng turbidity ng raw water na nagmumula sa Ipo Dam.
Nakapagpuno na kami ng aming major reservoirs nitong magdamag, kaya naman kaninang umaga ay bumalik na sa normal ang water service sa karamihan ng mga apektadong lugar.
May iilang customers na lamang ang nakakaranas ng limitadong water supply availability ngayong araw, partikular ang mga nasa matataas na bahagi ng Quezon City, Valenzuela, Caloocan, Bacoor, at Imus.
Tuloy-tuloy ang aming pagmo-monitor sa mga nasabing lugar, at inaasahang babalik na sa normal ang supply dito nang hindi lalampas bukas, Nobyembre 15, 2020. Patuloy namang mag-iikot ang aming water tankers sa mga nasabing lugar upang makapag- deliver ng tubig.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.