05/08/2026
PAG-ASA AT PAGLILINGKOD: CALAPAN CITY EAGLES CLUB, NAGABOT NG ALLOWANCE SCHOLARSHIP SA MGA MAG-AARAL NG CITY COLLEGE OF CALAPANπ¦
ππ»π΅π
Isang makabuluhang hakbang para sa edukasyon at kinabukasan ng kabataan ang muling pinatunayan ng Calapan City Eagles Club sa ginanap na Awarding Ceremony para sa dalawang (2) napiling estudyante ng City College of Calapan (CCC) na pormal na tumanggap ng kanilang Allowance Scholarship ngayong araw Agosto 5, 2026.
Ang nasabing kaganapan ay personal na sinaksihan at dinaluhan ng Administrator ng City College of Calapan na si Dr. Ronald Cantos, kasama ang mga opisyal at kasapi ng Calapan City Eagles Club.
Sa kanyang mensahe, lubos ang pasasalamat ni Dr. Ronald Cantos sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta ng Calapan City Eagles Club sa mga kabataan ng lungsod ng Calapan, lalo na sa pagbibigay ng tulong-pinansyal na malaking ginhawa sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng layunin ng Calapan City Eagles Club na maghatid ng serbisyo publiko at maging katuwang ng pamayanan sa pag-agapay sa mga masisipag at deserving na mag-aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap.
Muli, congratulations sa dalawang benepisyaryong estudyante! Nawaβy maging inspirasyon ito sa inyong pagpapatuloy sa pag-aaral.β₯οΈβ¨π¦