Citizens Intersectoral Broadcasting Media Inc. - Calamba

Citizens Intersectoral Broadcasting Media Inc. - Calamba Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Citizens Intersectoral Broadcasting Media Inc. - Calamba, Non-Governmental Organization (NGO), Calamba.

GOOD NEWS, MGA Ka-Boses!🚍Malapit nang buksan ang biyahe ng HM Transport mula Calamba papuntang Baguio ngayong June 1!😍Ma...
22/05/2026

GOOD NEWS, MGA Ka-Boses!🚍

Malapit nang buksan ang biyahe ng HM Transport mula Calamba papuntang Baguio ngayong June 1!😍

Mas madali na ang travel ng mga gustong magbakasyon, mag-relax, o magpalamig sa Summer Capital of the Philippines. Wala nang hassle sa palipat-lipat na sakayan — diretso biyahe na mula Calamba to Baguio! 🏔️

Abangan ang schedule at official announcement ng opening. Tara na, Baguio na tayo!

HM Transport FB page link👇
https://www.facebook.com/share/p/1BFAf9AmHq/

20/05/2026

Madaling-araw na paglabas sa Senado, kuha sa CCTV.

Umani ng iba’t ibang reaksyon online ang video nina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen. Robin Padilla habang magkasamang umaalis sa Senate premises bandang 2:30 ng madaling araw noong Mayo 14.

Ano ang masasabi mo rito?

LIPAD MATAAS, FRANCIS… 🕊️💔Matinding lungkot at galit ang bumalot sa publiko matapos masawi ang limang taong gulang na si...
19/05/2026

LIPAD MATAAS, FRANCIS… 🕊️💔

Matinding lungkot at galit ang bumalot sa publiko matapos masawi ang limang taong gulang na si Francis, na naging biktima ng isang karumal-dumal na krimen. Sa loob ng 41 araw ay nakipaglaban siya para mabuhay matapos magtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Dahil sa insidente, muling umigting ang panawagan ng ilan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mabibigat na krimen at agarang pagkamit ng hustisya para sa mga biktima.

Patuloy namang nananawagan ang publiko ng mabilis na aksyon at pananagutan upang matiyak na hindi na muling maulit ang ganitong trahedya laban sa mga inosenteng bata.

19/05/2026

Video courtesy of PGMN.

🗳️ Habang papalapit ang Barangay Elections, muli na namang umiikot ang ayuda, pamimigay ng pera, at iba’t ibang pangakong madaling mapaniwalaan. Pero bilang mga botante, panahon na para itanong natin sa sarili: hanggang kailan tayo magpapalit ng boto kapalit ng panandaliang tulong?

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa tamang pagpili ng lider. Hindi sapat na mabait lang o kilala sa barangay — dapat may malinaw na nagawa, may malasakit, may integridad, at kayang magsilbi kahit walang kapalit.

✔️ Bumoto base sa kakayahan, hindi sa bigayan.

✔️ Piliin ang lider na may maayos na plano para sa komunidad.

✔️ Huwag pairalin ang takot, utang na loob, o pansariling interes.

✔️ Tandaan: ang perang tinatanggap sa eleksyon ay panandalian, pero ang epekto ng maling lider ay tatagal ng ilang taon.

Sa darating na Brgy Elections, gamitin natin ang boto hindi bilang paninda — kundi bilang boses ng tunay na pagbabago. 🇵🇭

ALL TIME LOW ULIT BREAKING: Sa ikatlong pagkakataon ngayong Mayo, sumadsad sa panibagong all time low ang halaga ng piso...
18/05/2026

ALL TIME LOW ULIT

BREAKING: Sa ikatlong pagkakataon ngayong Mayo, sumadsad sa panibagong all time low ang halaga ng piso kontra dolyar.

Photo : Abs cbn

17/05/2026

🚨 MAGKAPITBAHAY, NAGKABARILAN MATAPOS ANG MAINIT NA ALITAN 🚨

Nagdulot ng takot at tensyon sa isang komunidad matapos mauwi umano sa barilan ang matagal nang alitan ng dalawang magkapitbahay.

Ayon sa mga unang ulat, nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo bago biglang bumunot ng baril ang isa sa mga sangkot at nagpaputok. Dahil dito, parehong nagtamo ng sugat ang mga nasangkot at agad na isinugod sa ospital para sa agarang lunas. Rumesponde naman ang mga awtoridad upang kontrolin ang sitwasyon at maiwasan ang mas malalang insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang ugat ng barilan at kung may iba pang taong sangkot sa insidente. Pinapaalalahanan din ang publiko na pairalin ang mahinahong pag-uusap upang hindi humantong sa karahasan ang anumang hindi pagkakaunawaan.
Video : CTTO

📌 LUMOBO SA ₱18 TRILLION ANG UTANG NG PILIPINAS — SINO NGA BA ANG DAPAT SISIHIN?Mula sa administrasyon ni dating Pangulo...
17/05/2026

📌 LUMOBO SA ₱18 TRILLION ANG UTANG NG PILIPINAS — SINO NGA BA ANG DAPAT SISIHIN?

Mula sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno “PNoy” Aquino na nag-iwan ng humigit-kumulang ₱6.1 trillion na utang noong 2016, halos dumoble ito sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na umabot sa ₱12.79 trillion pagsapit ng 2022.

Sa ilalim ng administrasyong Duterte, isa sa pinakamalaking dahilan ng paglobo ng utang ay ang COVID-19 pandemic kung saan napilitan ang gobyerno na umutang para pondohan ang ayuda, bakuna, ayuda sa lockdown, healthcare response, at mga infrastructure project sa ilalim ng “Build, Build, Build.”

Ngunit sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., lalo pang sumirit ang utang ng bansa at umabot na umano sa mahigit ₱18 trillion. Kasabay nito ang mga alegasyon ng talamak na korapsyon, kwestyonableng flood control projects, umano’y ghost projects, at mga proyektong nauuwi lamang sa ribbon-cutting at photo opportunities.

Ayon sa mga kritiko, malaking tanong ngayon kung saan talaga napupunta ang bilyon-bilyong inuutang ng bansa habang patuloy na ramdam ng mga Pilipino ang taas-presyo ng bilihin, buwis, at iba pang gastusin.

Pero tanong ng marami patas bang isisi lamang sa nakaraang administrasyong Duterte ang kasalukuyang laki ng utang ng bansa, gayong dumaan noon ang mundo sa pandemya?

💬 Kayo, ano ang masasabi ninyo?
Dapat bang sisihin ang nakaraang administrasyon, o may pananagutan din ang kasalukuyang pamahalaan sa patuloy na paglobo ng utang ng Pilipinas?

I-comment ninyo ang inyong opinyon sa ibaba at babasahin namin yan.

FYI
17/05/2026

FYI


⚡️ MERALCO ADVISORY ⚡️Para sa mga customer na may konsumo na 200 kWh kada buwan:⬇️ Php14.33/kWh* ang kabuuang singil sa ...
16/05/2026

⚡️ MERALCO ADVISORY ⚡️

Para sa mga customer na may konsumo na 200 kWh kada buwan:

⬇️ Php14.33/kWh* ang kabuuang singil sa kuryente ngayong Mayo 2026
⬇️ 1.5 sentimos ang ibinaba kada kWh
⬇️ Tinatayang Php3 ang mababawas kumpara sa bill noong Abril

🔍 Nakatulong ang mga hakbang ng ERC at Meralco upang maibsan ang inaasahang pagtaas ng singil sa kuryente, kabilang ang mas mataas na AWAT refund, pansamantalang paghinto sa paniningil ng GEA-All charge, VAT exemption sa natural gas, at mas mababang transmission charges.

📌 Bagama’t may bahagyang pagtaas sa generation charge, humiling ang Meralco sa ERC na agad ipatupad ang line rental caps sa ilalim ng kanilang power supply agreements upang mabawasan ang epekto nito sa mga customer.

✅ Wala namang pagbabago sa distribution charge ng Meralco mula pa noong 2015.

Paalala na ang taas o baba ng inyong bill ay nakadepende pa rin sa antas ng konsumo ng kuryente at sa umiiral na electricity rate.

*Ang rate na ito ay para sa mga bill na may petsang Mayo 12 hanggang Mayo 29, 2026.

BUY-BUST OPERATION SA CALAMBA, 2 TIKLO SA ILEGAL NA DROGACALAMBA CITY, Laguna — Dalawang hinihinalang sangkot sa bentaha...
16/05/2026

BUY-BUST OPERATION SA CALAMBA, 2 TIKLO SA ILEGAL NA DROGA

CALAMBA CITY, Laguna — Dalawang hinihinalang sangkot sa bentahan ng ilegal na droga ang naaresto matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa may bahagi ng riles sa Crossing, Barangay Uno, Calamba City.

Kinilala ng pulisya ang isa sa mga nadakip sa alyas na “Laarni,” isang babaeng umano’y kilala sa lugar. Sa operasyon, narekober mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon pa sa mga awtoridad, nagpapakilala umano si alyas “Laarni” na may malakas na koneksyon sa ilang miyembro ng kapulisan upang makaiwas sa pagkakadakip.

Nasaksihan naman ng mga ilang media at ni Konsehal Merlyn Llanto ng Brgy. Uno ang isinagawang operasyon ng mga operatiba.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba police ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad upang matukoy kung may iba pang personalidad na sangkot sa ilegal na aktibidad ng mga suspek sa lungsod.

Photo : PNP Calamba




Address

Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Citizens Intersectoral Broadcasting Media Inc. - Calamba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share