CENRO Calamba

Call Contact the organization

CENRO Calamba JOSEPH ARLAN O.

LLORENTE
CENR OFFICER
CITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES DEPARTMENT

This is the Official page of the City Environment and Natural Resources Department (CENRD) of the City Government of Calamba.

🚨 OFFICIAL ENVIRONMENTAL UPDATEAGCHEM MANUFACTURING CORPORATION FIRE INCIDENT | SEPTEMBER 25, 2026📍 Carmelray Industrial...
29/09/2026

🚨 OFFICIAL ENVIRONMENTAL UPDATE
AGCHEM MANUFACTURING CORPORATION FIRE INCIDENT | SEPTEMBER 25, 2026
📍 Carmelray Industrial Park I, Brgy. Canlubang, Calamba City

Patuloy ang environmental monitoring at assessment ng City Government of Calamba–City Environment and Natural Resources Office, katuwang ang City Health Office, Provincial Environmental Management Unit, Bureau of Fire Protection Calamba, at Barangay Canlubang, kaugnay ng sunog sa Agchem Manufacturing Corporation.

Sa mga isinagawang follow-up inspections, naobserbahan ang fire-related effluents, puting foam, at hindi kanais-nais na amoy sa B-Uno Creek. Nagsagawa rin ang CHO personnel ng ambient air quality monitoring at wastewater sampling sa Agchem, Sitio B-Uno, at B-Uno Creek.
📍 Paunang Air Quality Monitoring Results:
🔸 Agchem Burnt Site – Severe to Moderate Air Pollution
🔸 Sitio B-Uno – Severe to Moderate Air Pollution
🔸 Sitio Locomotive – Moderate to Normal Air Pollution

Ang mga nakuhang water at wastewater samples ay isinasailalim sa laboratory analysis ng third-party laboratory (tatlong lingo mula ngayon ilalabas ang resulta), habang nagpapatuloy ang mopping operation ng BFP Calamba sa burnt site.

Samantala, nilagdaan ni City Mayor Roseller H. Rizal ang Executive Order No. 2026-087, na lumilikha ng Joint Investigative Team (JIT) upang patuloy na imbestigahan at imonitor ang environmental effects ng insidente at matugunan ang mga immediate needs ng mga naapektuhan.
Patuloy ang monitoring, assessment, at imbestigasyon para sa kaligtasan ng publiko at pangangalaga ng kapaligiran.

10-YEAR CALAMBA SOLID WASTE MANAGEMENT PLAN, MATAGUMPAY NA IDINEPENSA!Matagumpay na idinepensa ng Calamba Waste Manageme...
20/08/2026

10-YEAR CALAMBA SOLID WASTE MANAGEMENT PLAN, MATAGUMPAY NA IDINEPENSA!
Matagumpay na idinepensa ng Calamba Waste Management Board, sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Ross Rizal, kasama ang CENRO sa pangunguna ni Sir Joseph Arlan Llorente, ang ating 10-Year Solid Waste Management Plan sa harap ng DENR at National Solid Waste Management Commission.
Isang mahalagang hakbang tungo sa mas malinis, mas maayos at mas responsableng Calamba. ♻️💚

16/02/2026

Alamin natin ang tamang paghihiwalay ng basura: biodegradable, recyclable, residual, at hazardous—bawat uri may tamang lalagyan para sa mas malinis at ligtas na kapaligiran. ♻️🌱

🌿 CALAMBAGONG LINIS BARANGAY 2025 🌿Isang mas malinis at mas luntiang Calamba para sa lahat!Muli po kaming nag balik sa M...
04/12/2025

🌿 CALAMBAGONG LINIS BARANGAY 2025 🌿
Isang mas malinis at mas luntiang Calamba para sa lahat!

Muli po kaming nag balik sa Mercado de Calamba upang mamahaging muli ng mga educational flyers, upang mag-paalala at gabayan ang mga tindero at tindera sa palengke kaugnay ng pagpapatupad ng City Ordinance No. 10-481, at upang maglagay ng tarpaulin na nagsasaad ng nasabing ordinansa.

Sa pamumuno ng ating masipag na CENR Officer, Mr. Joseph Arlan Llorente, at sa pakikipagtulungan ng Market Office na pinangungunahan ni Mr. Tony Tolentino, kasama ang mga empleyado — matagumpay nating muli naisagawa ang Calambagong Linis Barangay 2025! 🧹🌱

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang aktibidad na ito. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran — para sa ating kalusugan, kinabukasan, at sa mga susunod na henerasyon.

Address

Calamba

Telephone

+495456789

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CENRO Calamba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CENRO Calamba:

Shortcuts

Share