17/08/2026
💙 ISANG MAKASAYSAYANG ARAW PARA SA KABATAAN NG MAUNONG! 💙
Matagumpay po nating naisagawa ang Linggo ng Kabataan 2026 noong Agosto 16, 2026 sa Purok 4 Maunong Covered Court, kasama ang kauna-unahang State of the Barangay Children’s Association Address (SBCAA).
Nasaksihan ng bawat kabataan ang makasaysayang unang SBCAA, na nagbigay-diin sa mga nagawa, hamon, at mga pangarap ng ating Barangay Children’s Association para sa mga kabataan. Higit sa lahat, naging araw ito ng pagkakaisa, pakikilahok, saya, at pagbibigay-halaga sa boses ng kabataan.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Barangay ng Maunong sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Joselito “Pute” Estrada sa kanilang suporta at paglalaan ng budget para maisakatuparan nang matagumpay ang pagdiriwang na ito. Maraming salamat din po kay Kuya Gian Leonardo Badillo sa masarap at nakakabusog na champorado para sa ating mga Kabataan.
Maraming salamat po sa lahat ng kabataan, magulang, BCA Mentor, BCA Officers, at sa bawat isa na nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito. Ang inyong presensya, suporta, at pakikiisa ang naging malaking bahagi ng tagumpay ng ating programa.
Sa araw na ito, tunay nating napatunayan ang diwa ng ating temang “Nagkakaisang Kabataan Patungo sa Maunlad na Pamayanan.” Sa sama-samang pagkilos, pagtutulungan, at pagkakaisa, ipinakita natin na ang kabataan ay may kakayahan at mahalagang bahagi sa pagbuo ng mas maunlad na pamayanan. ✨
Mabuhay ang Kabataan ng Maunong! 💙