13/06/2026
PILIT TAYONG PINATATAHIMIK - REPORT THIS FAKE PAGE
Sa nakalipas na mga araw, napansin namin ang isang malinaw at organisadong pagtatangka upang patahimikin at Gayahin ang Gising Nueva Ecija.
May mga taong gumawa ng isang page na ginaya ang aming pangalan, logo, pagkakakilanlan, at maging ang ilan sa aming mga inilalathalang post. Hindi lamang nila kinopya ang aming identidad, nagkaroon pa sila ng mga mapanirang bagong post upang magmukhang sila ang lehitimong pahina.
Ngunit mas nakakabahala ang kanilang tunay na layunin.
Isa itong malinaw na pagtatangka upang manipulahin ang sistema at gamitin ito laban sa mismong biktima ng panggagaya.
Nakikiusap kami sa publiko: huwag agad maniwala na ang isang page ay tunay at lehitimo dahil lamang mayroon itong mga post na kahalintulad ng orihinal na post ng aming page. Ang mga bagay na ito ay hindi awtomatikong patunay kung sino ang tunay na nagtatag, nagmamay-ari, o matagal nang nagpapatakbo ng isang pahina.
Ang mahalaga ay tingnan ang kasaysayan ng page at kung ito ay totoo at mayroong META VERIFIED BADGE at kailangan suriin ang mga nilalaman nito, at ang rekord nito sa komunidad.
Hindi kami natatakot.
Hindi kami titigil.
At lalong hindi kami mananahimik.
Kung iniisip nilang sapat ang mga pekeng page, mass reporting, at pananakot upang kami ay mapatahimik, nagkakamali sila.
Mas lalo lamang nilang pinatutunayan na may mga taong natatakot sa malayang talakayan at sa mga tanong na ayaw nilang sagutin.
Sa aming mga tagasubaybay at kapwa Novo Ecijano, hinihiling namin ang inyong tulong. Kung naniniwala kayong ang naturang pahina ay nanggagaya at nagdudulot ng kalituhan sa publiko, maaari ninyo itong ireport sa Facebook para sa tamang pagsusuri.
Fake Page: https://facebook.com/GisingNEcija
Patuloy tayong magbantay.
Patuloy tayong magsalita.
Patuloy nating gisingin ang Nueva Ecija.