KBI Bulakan

KBI Bulakan KBI Bulakan is a Youth Org. Chapter of Kabataang Boluntir Initiative in the Municipality of Bulakan

Sa bawat pahina ng ating mga kwento at pangarap, may isang liwanag na patuloy na nag-aanyaya sa kabataang magbasa, mag-i...
17/07/2026

Sa bawat pahina ng ating mga kwento at pangarap, may isang liwanag na patuloy na nag-aanyaya sa kabataang magbasa, mag-isip, at mangarap 📚✨

Ipinakikilala natin si Kuya Jeriell Lopez, Comm Head for Multimedia and Marketing ng Kabataang Boluntir Initiative at Hari ng Balagtas 2026 kasama si Kuya Juriz Manansala, Mr. Tourism Universe Philippines - 1st Runner-Up bilang mga ating BASAmbassador ng Lakbay Salaysay… tunay na kaagapay sa pagsusulong ng pagbasa at paghubog ng makabuluhang kabataang may malasakit at imahinasyon.

Sa darating na July 18, 2026 sa Tibig, Bulakan, sabay-sabay tayong dadalhin sa mga kwentong puno ng saya, tawa, at aral na tiyak na magigising sa makulay na imahinasyon ng mga bata.

Tara na sa Bagong Salaysayan 🚚📚

ISASALAYSAY NAMAN NATIN ANG KUWENTO NG PAGLALAKBAY NG KABATAANG BOLUNTIR Sa Bayan ng Bulakan! 📖📚This July 18, 2026, we w...
16/07/2026

ISASALAYSAY NAMAN NATIN ANG KUWENTO NG PAGLALAKBAY NG KABATAANG BOLUNTIR Sa Bayan ng Bulakan! 📖📚

This July 18, 2026, we will unlock a world of wonder with Lakbay Salaysay!

Join KBI Bulakan for a poetic journey through the magic of reading. It’s more than just books it’s a launchpad for dreams and boundless imagination.

Tara na’t maglakbay sa makulay na mundo ng pagbabasa!

Whether you’re a lifelong dreamer or a curious explorer, come connect with your community and let stories take you to new horizons.

Kita-kits!

Tay, para sa akin, hindi ka lang basta ama—ikaw po ang pinakamabuting Tatay sa buong mundo, at habangbuhay kong ipagpapa...
21/06/2026

Tay, para sa akin, hindi ka lang basta ama—ikaw po ang pinakamabuting Tatay sa buong mundo, at habangbuhay kong ipagpapasalamat sa Diyos na ako ang naging anak mo.

Madalas po ay hindi natin napapag-usapan ang mga bagay-bagay. Marahil dahil pareho po tayong hindi sanay sa mga madamdaming pahayag, o dahil sapat na po ang isang tango at ngiti para magkaintindihan tayo. Pero ngayong Araw ng mga Ama, gusto ko pong isulat ang lahat ng isinisigaw ng puso ko na madalas ay hindi ko po masabi nang harapan.

Nakikita ko po, Tay. Nakikita ko po ang bawat patak ng pawis mo, ang bigat po ng mga pasanin mo na pilit mong itinatalikod para lang po hindi ko makita ang lungkot o pagod sa mga mata mo. Alam ko po ang mga sakripisyong ginagawa mo po nang tahimik—yung mga sandaling pinipili mo pong magtiis para lang masigurong maayos po ang kalagayan ko at may magandang kinabukasan ako. Ang bawat kulubot sa po iyong kamay at ang pagod sa iyong mga hakbang ay patunay po ng walang-kapantay mong pagmamahal. Ikaw po ang haligi na hinding-hindi natitinag, kahit gaano pa po kalakas ang bagyo sa buhay natin.

Sa tuwing nadarapa ako o nawawalan ng pag-asa, ang maalala lang na nandiyan ka ay sapat na para tumayo po akong muli. Sa piling mo, pakiramdam ko po ay ligtas ako sa lahat ng gulo ng mundo. Ang iyong simpleng presensya ang nagbibigay po sa akin ng lakas ng loob na mangarap at lumaban, dahil alam ko pong anuman ang mangyari, may isang Tatay na laging nakatayo sa likod ko, handang sumalo sa akin.

Maraming salamat po, Tay. Salamat sa pag-unawa sa mga panahong mahirap po akong intindihin. Salamat po sa proteksyon, sa gabay, at sa pag-ibig na hinding-hindi ko po kinailanganing limusan dahil kusa mo po itong ibinigay mula noong unang araw na nasilayan ko ang mundong ito.

Kung may isang bagay po ako na ipagmamalaki ko sa buong buhay ko, iyon ay ang katotohanang ikaw po ang Tatay ko. Wala nang hihigit po sa iyo. Mahal na mahal po kita, Tay, higit pa sa kayang sabihin ng anumang salita. Happy Father's Day sa aking natatanging bayani!

- Jennylyn Dalistan✨


✨ Happy Father's Day sa lahat ng ama, at sa lahat ng ina na nagpaka ama.Ang pagiging ama ay hindi nasusukat sa lakas lam...
20/06/2026

✨ Happy Father's Day sa lahat ng ama, at sa lahat ng ina na nagpaka ama.

Ang pagiging ama ay hindi nasusukat sa lakas lamang, kundi sa kakayahang manatiling matatag kahit pagod na, magbigay kahit kulang ang sarili, at magmahal nang walang hinihintay na kapalit. Kadalasan ay tahimik ang inyong sakripisyo — mahahabang oras ng pagtatrabaho, mga alalahanin na itinatago ninyo upang hindi mag-alala ang pamilya, at mga payong dahan-dahang tumatatak at gumagabay sa aming paglaki.

Hindi ninyo kailangang maging perpekto upang maging mahusay. Ang inyong presensya, pagtitiis, at pagsisikap na gumaling araw-araw ay sapat na at napakahalaga. Kayo ang haligi na nagpapatibay sa tahanan, ang gabay kapag malabo ang daan, at ang bayani na laging nasa likuran upang sumuporta.

Sa bawat tunay na ama, ama sa puso, at tagapag-alaga na gumaganap ng tungkuling ito — maraming salamat po. Ang inyong impluwensya ay hindi nagtatapos sa inyong mga anak; ito ay nagiging pundasyon ng mga susunod pang henerasyon. Nawa’y maramdaman ninyo ngayon at palagi kung gaano kayo pinahahalagahan, minamahal, at iginagalang. ❤️🙏

Sa gitna ng pagninilay nitong Biyernes Santo, sama-samang nag-alay ng munting kabutihan ang KBI Bulakan sa pamamagitan n...
08/04/2026

Sa gitna ng pagninilay nitong Biyernes Santo, sama-samang nag-alay ng munting kabutihan ang KBI Bulakan sa pamamagitan ng PACARIDAD 2026. 🍞🤍

Sa harap ng Dalanginan ng Mahal na Patron San Jose, naipamahagi ang tinapay at munting merienda bilang simbolo ng pagmamahal, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.

Sa simpleng handog, naipadama ang diwa ng tunay na paglilingkod, tahimik, taos-puso, at para sa lahat.

KBI Bulakan | PACARIDAD 2026

📢SEMANA SANTA  PACARIDAD-2026Sa darating na Mahal na Araw ang Kabataang Boluntir Initiative-Bulakan ay naglunsad ng unag...
21/03/2026

📢SEMANA SANTA PACARIDAD-2026

Sa darating na Mahal na Araw ang Kabataang Boluntir Initiative-Bulakan ay naglunsad ng unag proyektong PACARIDAD para sa mga nagsasagawa ng Visita Iglesia.

Layunin ng programa na magbigay ng kaunting pagkain para sa mga Bulakenyong namamanata. Gayundin ay upang maipadama ang pagbibigayan sa ating kapwa na nangangailan.

Ating suportahan ang proyektong PACARIDAD na inihanda ng mga kabataang may BUSILAK NA PUSO, MALASAKIT, DETERMINASYON, AT TAPAT NA PAG LILINGKOD SA DAKILANG BAYAN NG BULAKAN.

Ilulunsad ang nasabing proyekto sa ika-2 ng Abril, taong 2026, Huwebes. Sa ganap na ika-4 ng hapon. Sa tapat ng Pambansang Dambana at Parokya ng Nuestra Señora Dela Asuncion.

Para sa iba pang detalye at kung ninanais n’yong mag-donate, bisitahin lamang ang aming page: KBI-Bulakan.

Ipadama ang pagmamahalan sa pagbibigayan at pagtutulungan para sa ating mga kababayan.🫶🏽

15/03/2026

Pia Wurtzbach-Jauncey, Ms. Universe 2015 and the Love Gala Chair of LoveYourself Inc. invites every Bulakenyo youth to step forward and be part of something greater. 💛

Kabataang Boluntir Initiative continues to grow a movement of young people who believe that service, compassion, and leadership can change communities.

Kung ikaw ay kabataang may puso para sa kapwa, may pangarap para sa bayan, at handang maging bahagi ng pagbabago.

🔥 Ito na ang pagkakataon mo.

Join the growing family of Kabataang Boluntir Initiative and become part of a generation that leads through volunteerism.

📌NEW Membership and RENEWAL of Membership is NOW OPEN!

Tara, Bulakenyo Youth, Boluntir Na! ❤️‍🔥
bit.ly/KBIBoluntirApplication
bit.ly/KBIBoluntirApplication
bit.ly/KBIBoluntirApplication

✨ The Flame of Volunteerism Continues. Will You Carry It?The journey of service does not end, it only grows stronger. 🔥W...
15/03/2026

✨ The Flame of Volunteerism Continues. Will You Carry It?

The journey of service does not end, it only grows stronger. 🔥

Whether you are joining for the first time or renewing your commitment, this is your moment to become part of a movement that believes in the power of youth, compassion, and action.

💛 Kabataang Boluntir Initiative is now OPEN for NEW and RENEWAL of MEMBERSHIP!

Be part of a community of young leaders who:
🌱 Serve communities
📚 Champion meaningful advocacies
🤝 Build friendships through volunteerism
🔥 Ignite change wherever they go

Your story of service begins here.

📌 How to Join:
1️⃣ Scan the QR Code or access the application link:
bit.ly/KBIBoluntirApplication
bit.ly/KBIBoluntirApplication
bit.ly/KBIBoluntirApplication

2️⃣ Complete your membership profiling and choose your advocacy and committee

3️⃣ Attend the New Members General Orientation

Whether you are a returning Boluntir or ready to take your first step, the call is the same:

Be the Light. Be the Change. Be a Boluntir! ❤️‍🔥

A new chapter begins for youth volunteerism in Bulacan. ✨KBI Bulakan officially launches its journey of service and lead...
01/03/2026

A new chapter begins for youth volunteerism in Bulacan. ✨

KBI Bulakan officially launches its journey of service and leadership through its Inaugural Meeting 2026, introducing its pioneering set of officers and strengthening the call for grassroots volunteerism. Held on March 1, 2026, this milestone gathering marks a bold step in bringing organized youth service closer to the community.

Forty years after EDSA, we remember a defining moment in our nation’s history when ordinary Filipinos stood together and...
25/02/2026

Forty years after EDSA, we remember a defining moment in our nation’s history when ordinary Filipinos stood together and proved that real power does not reside in positions, but in the people.

EDSA was not born out of comfort. It was born out of courage. It was a collective stand against fear, against injustice, and against the abuse of authority. It was a reminder that when citizens unite with conviction, history can change.

Hindi lamang ito paggunita sa nakaraan kundi paalala ng ating kakayahan bilang mamamayan na manindigan, magbantay, at makialam.

As a youth-led organization, Kabataang Boluntir Initiative believes that the spirit of EDSA lives on when the youth choose service over silence, action over apathy, and truth over convenience. Democracy survives not by memory alone, but by participation. It thrives when the people are informed, engaged, and courageous.

Sa bawat proyekto ng paglilingkod, sa bawat adbokasiyang isinusulong, ipinapaalala namin na ang tunay na kapangyarihan ay hindi hawak ng iilan, ito ay nasa taumbayan.

Forty years on, the challenge remains the same: to protect our freedoms, to defend our institutions, and to ensure that leadership always serves with integrity and dignity.

Ang EDSA ay hindi lamang kasaysayan. Ito ay pananagutan.

Nasa Taumbayan ang Tunay na Kapangyarihan.
At ang kabataan ay bahagi ng kapangyarihang ito.

Address

Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KBI Bulakan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share