DBFI Sinakulo ng Hiyas

DBFI Sinakulo ng Hiyas DBFI SINAKULO OFFICIAL PAGE
Ang Dularawang Bulacan Foundation Inc. (DBFI) ay grupong pang-komunidad na nagtatanghal ng makabagong Sinakulo simula pa noong 1974.

06/04/2026
Sinakulo 2026
05/04/2026

Sinakulo 2026

TINGNAN: Pagtatapos ng Ika-4 na Malolos Theater Festival, Pagdiriwang ng Sining, Tradisyon, at PananampalatayaMatagumpay...
03/04/2026

TINGNAN: Pagtatapos ng Ika-4 na Malolos Theater Festival, Pagdiriwang ng Sining, Tradisyon, at Pananampalataya

Matagumpay na nagtapos ang isang linggong pagdiriwang ng sining at pananampalataya sa lungsod sa pamamagitan ng 4th Malolos Theater Festival, na nagtampok ng makabuluhang pagtatanghal bilang pangwakas nitong ika-02 ng Abril 2026 sa Liwasang Republika.

Sa huling araw ng gawain, itinanghal ng Dularawang Bulacan Foundation Inc. ang dulang “Sa Pintuan ng Kaharian,” na nagsilbing makapangyarihang pagninilay sa buhay ni Hesukristo.

Hindi lamang ito isang pagtatanghal ng husay sa teatro, kundi isang paalala ng tunay na diwa ng Semana Santa—ang taimtim na pagninilay, pagpapakumbaba, at pagbabalik-loob sa Diyos. Sa bawat eksena, naipakita ang lalim ng pananampalatayang Pilipino at ang mahalagang papel ng sining bilang daluyan ng espiritwal na mensahe.

Sa kabuuan, ang ika-4 na edisyon ng Theater Festival ay nagsilbing makabuluhang plataporma ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos upang mapanatili at mapayabong ang mayamang tradisyon ng mga dulang panrelihiyon sa lungsod.

Pinagtibay nito ang ugnayan ng kultura at pananampalataya. Muling pinatunayan na sa gitna ng makabagong panahon, nananatiling buhay ang mga tradisyong nagpapalalim sa pagkakakilanlan at paniniwala ng bawat Maloleño.

Holy TuesdayACRO CityGuiguinto, Bulacan
02/04/2026

Holy Tuesday

ACRO City
Guiguinto, Bulacan

Muli ang Dularawang Bulacan Foundation Inc. (DBFI) ay isang grupong pangkomunidad na nagtatanghal ng makabagong Sinakulo...
02/04/2026

Muli ang Dularawang Bulacan Foundation Inc. (DBFI) ay isang grupong pangkomunidad na nagtatanghal ng makabagong Sinakulo mula pa noong 1974. Layunin nitong mapanatili at mapagyaman ang tradisyon habang naipapahayag ang mensahe ng buhay at sakripisyo ni Hesukristo. Sa loob ng maraming taon, nakapagtanghal na ito sa iba’t ibang lugar sa Bulacan at karatig-lalawigan, na umaabot sa mas maraming manonood. Hindi lamang ito simpleng palabas kundi isang paraan ng pagpapalalim ng pananampalataya, lalo na ng kabataan, at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon tuwing Kuwaresma.

Sa Abril 02, 2026 saL Liwasang Republica bilang huling gabi ng 4th Malolos Theater Festival Mapapanood ang kanilang ika-52 na taong pagtatanghal ng Senakulo na may pamagat na Sa Pintuan ng Kaharian... Mateo 7:21

Maari rin po mapanood ang Dularawang Bulacan Foundation Inc. sa

March 28, 2026 / Sabado / 7:00 PM
(TDR) Enriquez Ancestral House (SMB)

March 29, 2026 / Linggo / 7:00PM
Enriquez Ancestral House (SMB)

March 31, 2026 / Martes / 7:00 PM
Acro City, Guiguinto, Bulacan

April 3, 2026 Biyernes
Triple Junction Subdivision, Matungao, Bulakan

April 4, 2026 / Sabado
Mini-Forest, Provincial Capitol Compound

https://www.facebook.com/dbfisinakulohiyas

31/03/2026

Address

Bulacan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DBFI Sinakulo ng Hiyas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DBFI Sinakulo ng Hiyas:

Share