20/09/2025
[๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐๐ผ ๐๐ ๐พ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ผ ๐ผ๐ ๐๐๐ฝ๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐๐]
Ika nga ni Patricia Nonโang babaeng nagpasimula ng community pantry noong panahon ng pandemya, โProtest is a form of compassion.โ Tama ito, dahil ang tunay na malasakit ay hindi lang pagbibigay, kundi pagtindig laban sa mali.
Ang protesta ay hindi para sa sarili lang. Bitbit natin ang panawagan ng lahatโmula sa manggagawang gipit sa mababang sahod, pamilyang walang sariling bahay, hanggang sa mga hayop na iniiwan at pinapabayaan dahil kulang ang batas na dapat nagpoprotekta sa kanila. Ang laban ay para sa lahat.
Pero sa bansang ito, paulit-ulit na lang ang parehong kalakaran: sandamakmak na katiwalian, korapsyon, at kasakiman. Nakakagalit na ang perang para sana sa pagpapayos ng ospital, paaralan, kalsada at mga ilog, maging mga programang makakatulong sa hayop, ay ninanakaw ng mga iilang gahaman. Habang silaโy nagpapakasasa sa yaman na hindi para sa kanila, milyon ang nagugutom, nagtitiis, at nagdurusa. Ang korapsyon ay hindi lamang pagkupit sa kaban ng bayanโpagnanakaw ito ng kinabukasan, ng dignidad, ng ilaw na siyang sanaโy tatanglaw sa daan tungo sa mapagpalayang umaga.
Ang may malasakit ay hindi kailanman tatahimik. Ang protesta ay galit na nag-uugat sa malasakitโgalit sa kawalang-katarungan, galit sa pang-aabuso, galit sa walang pusong pananamantala, at galit sa sistemang bulok na patuloy na umiiral at naninira ng buhay.
Kung tunay tayong may malasakit, kailangan nating magkaisa. Hindi sasapat ang awa kung patuloy lamang tayong mananahimik habang nananalaytay ang korapsyon at katiwalian sa ating mga balat. Dahil nagkakaisang galit ng mga taong may malasakit ang pinakamalakas na sandata laban sa mga mapang-abuso.
Bilang isang organisasyong naglalayon na magbigay ng pagpapahalaga sa lahat ng nabubuhay sa mundo, kaisa ang CARE sa pag-aangat at pagsulong sa makatarungang karapatang pantao at karapatan ng kalikasan at buhay ng hayop. ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ต๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐, ๐๐ฎ ๐๐๐ป๐ฒ๐๐ฎ, ๐ต๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐ฆ๐ ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒ ๐ฃ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ ๐ผ๐ป๐๐บ๐ฒ๐ป๐, ๐ฎ๐ฃ๐ .
Sama-sama tayong manindigan sa ating mga karapatan at isigaw ang ating mga panawaganโpara sa bayan, para sa tao, at para sa mga nilalang na walang tinig ngunit may karapatang mabuhay!
Inspired by: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=4113923295532022&id=100007431759364