25/08/2026
[๐ฃ๐๐ฅ๐ง๐ก๐๐ฅ๐ฆ๐๐๐ฃ]
[HANDOG AGAPAY DONATION DRIVE]
Kahapon, August 23, 2026, kaisa ng iba pang mga kapwa kabataan ay isinagawa ang Handog Agapay, isang donation drive , na naglalayong magpaabot ng tulong at malasakit sa ating mga kababayang patuloy na nakararanas ng matinding pagbaha sa San Sebastian, Hagonoy.
Sa panahon ng matinding pagsubok, ang tunay na diwa ng pagiging Iskolar ng Bayan ay nasusukat sa ating kahandaang makiisa, maglingkod, at tumindig kasama ng mga komunidad.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng kapwa Iskolar ng Bayan na nakiisa, naglaan ng oras, nag-abot ng donasyon, at tumulong sa pagkilos. Ang inyong pakikilahok ay patunay na ang edukasyon ay hindi lamang para sa pansariling pag-unlad, kundi dapat ding maging daan tungo sa paglilingkod sa kapwa at bayan.
Ngunit ang ating pag-agapay ay hindi dapat magtapos sa relief at donasyon. Ang paulit-ulit na pagbaha ay nangangailangan ng pangmatagalang solusyon at makabuluhang pagbabago. Nararapat na ang pamahalaan ang manguna sa maayos na pagpaplano, sapat na imprastraktura, epektibong flood control at drainage systems, wastong waste management, at mga programang tunay na tumutugon sa ugat ng suliranin.
Hindi dapat maging normal ang paulit-ulit na pagdurusa ng mga komunidad sa tuwing may baha. Ang tulong ay mahalaga sa kasalukuyan, ngunit ang pagbabago ay pananagutan para sa kinabukasan.
Muli, maraming salamat sa ating mga Iskolar ng Bayan na nakiisa sa Handog Agapay. Sama-sama tayong umagapay ngayon at manindigan para sa pagbabago bukas! โโจ๐
Para sa kapwa. Para sa bayan.