22/03/2026
Muling ipinamalas ng BPA 2A ang husay, talino, at walang kapantay na diskarte sa nagdaang Camp Out para sa tinatahak na kursong PATHFIT. Mula cookery, knot tying, furniture building, sign language, hanggang sa yell competition ay hindi nagpaiwan ang 2A! Sa halip ay buong pusong hinarap at pinagtagumpayan ang bawat pagsubok.
Sa likod ng bawat tagumpay ay ang pagod, sakripisyo, at matibay na pagtutulungan. Hindi naging madali ang bawat gawain, ngunit pinatunayan na sa pagkakaisa at determinasyon, walang hamon ang hindi kayang lampasan. Sa pagtatapos ng araw, hindi lamang mga parangal ang naiuwi, kundi higit sa lahat ay mga ngiting sumasalamin sa mga bagong kaalaman, mahahalagang karanasan, at alaalang mananatili habambuhay.
Isang pagpupugay sa pusong inialay ng bawat isa. Pagbati sa BPA 2AβArriba, Rajah! π