03/03/2024
Seven Deady Sins Against Women
Sa iyong palagay, ang mundo bang ating ginagalawan ay masasabing ligtas pa para sa kababaihan?
Tunay na nakababahala ang patuloy na paglaganap ng kasamaan sa ating mundo. Ang pagrespesto at paggalang sa kapwa, ano man ang kanilang kasarian ay mas lalo pang nababalewala, lalo't higit pa sa mga kababaihan. Dahil sa pagmamaltrato sa kababaihan, ang samahan ng GABRIELA o General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Leadership, and Action ay nagporma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinaguriang Seven Deadly Sins Against Women. Naglalaman ito ng pitong karahasan:
1. Limitadong access sa reproductive health
2. In**st at iba pang seksuwal na pang-aabuso
3. S*xual discrimination and exploitation
4. Panggagahasa
5. S*x trafficking at prostitusyon
6. Pambubugbog/pananakit
7. S*xual harassment
Mahalagang tayo ay magkaroon ng kaalaman sa iba't ibang karahasan na nangyayari sa kababaihan. Ang munting pagbasa at pagbahagi nito sa iba ay malaki nang tulong upang ang bawat isa ay magkaroon ng kamalayan.
Caption By: Roan Maniquiz
Edited By: Chelsea Ligon