Aarangkada Kabataan ng Sta.Ana

Aarangkada Kabataan ng Sta.Ana Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Aarangkada Kabataan ng Sta.Ana, Non-Governmental Organization (NGO), Sta. Ana Bulakan, Bulacan.

Maraming salamat po sa taos pusong pagmamahal kabataan ng Barangay Sta.Ana. Sama-sama tayong Aalagwa at Aarangkada tungo...
31/10/2023

Maraming salamat po sa taos pusong pagmamahal kabataan ng Barangay Sta.Ana. Sama-sama tayong Aalagwa at Aarangkada tungo sa Kinabukasang puno ng Pag-asa! β™₯β™₯

The COMELEC Precinct Finder is now back online!You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Baranga...
27/10/2023

The COMELEC Precinct Finder is now back online!
You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Just input the following info: FULL NAME, DATE OF BIRTH and PLACE OF REGISTRATION.
Scan the QR code or click this link:
πŸ”— https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct

The COMELEC Precinct Finder is now back online!

You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Just input the following info: FULL NAME, DATE OF BIRTH and PLACE OF REGISTRATION.

Scan the QR code or click this link:

πŸ”— https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct



"ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ 2023"Ang π€πšπ«πšπ§π π€πšππš πŠπšπ›πšπ­πšπšπ§ 𝐧𝐠 π’π­πš. π€π§πš ay nakiisa sa Brigada Eskwela 2023 na may temang "BAYANIHAN PA...
17/08/2023

"ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ 2023"

Ang π€πšπ«πšπ§π π€πšππš πŠπšπ›πšπ­πšπšπ§ 𝐧𝐠 π’π­πš. π€π§πš ay nakiisa sa Brigada Eskwela 2023 na may temang "BAYANIHAN PARA SA MATATAG NA PAARALAN TARA NA, MAGBRIGADA NA TAYO!" na ginanap kahapon, ika-16 ng Agosto 2023 sa paaralan ng Gen. Gregorio Integrated School at Sta.Ana Elementary School sa pangunguna nina Bb. Kristelle Alejandria at G. Paulo Concepcion.

Aming lubos na pasasalamat kina Bb. Joymie Mangahas, Bb. Queenie Del Pilar at G. Gioseph Gabriel sa pagpapaunlak upang maging bahagi ng programang ito.

Nakasama rin ng Aarangkada Kabataan ang ilang miyembro ng πŠπšπ›πšπ­πšπšπ§, 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐊𝐚 pati na rin ang π’πšπ¦πš 𝐊𝐚 π’πšπ¦π’π§.

Tandaan, hindi mahalaga kung gaano kaliit o gaano kalaki ang iyong kayang ibigay, ang mahalaga ay nakatulong ka sa paraang kaya mo at nakapagbigay inspirasyon at ngiti sa mga taong natulungan mo.


πŸ“’ ANUNSYO πŸ“’Magandang araw mga Ka-Barangay! Sa mga College students natin na nais mag-apply para maging iskolar magkakaro...
11/08/2023

πŸ“’ ANUNSYO πŸ“’

Magandang araw mga Ka-Barangay! Sa mga College students natin na nais mag-apply para maging iskolar magkakaroon po tayo ng Qualifying Exam bukas (Sabado, ika- 12 ng Agosto) para sa unang 30 na makakapagpalista. (15 pangalan na magmumula sa ating Google Form at 15 pangalan sa magpapalista sa ating Brgy Hall. Hanapin lamang po si Kuya Daq upang magpalista.

Ipo-post po namin mamaya dito sa page ang mga pangalan na kukuha ng Qualifying Exam. Salamat po!

NOTE: Only the first 30 who will register in this link take a Qualifying Exam tomorrow, 10am at Brgy Hall Sta Ana Brgy. Hall

πŠπ€ππ€π“π€π€π π˜πŽπ”π“π‡ π‹π„π€πƒπ„π‘π’π‡πˆπ π’π„πŒπˆππ€π‘ π…πŽπ‘ π˜πŽπ”π“π‡ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒 𝐀𝐍𝐃 π’πŠ π€π’ππˆπ‘π€ππ“π’ ✨(August 08, 2023 | Bulakan Evacuation Center)Ang 𝐀...
08/08/2023

πŠπ€ππ€π“π€π€π π˜πŽπ”π“π‡ π‹π„π€πƒπ„π‘π’π‡πˆπ π’π„πŒπˆππ€π‘ π…πŽπ‘ π˜πŽπ”π“π‡ 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒 𝐀𝐍𝐃 π’πŠ π€π’ππˆπ‘π€ππ“π’ ✨

(August 08, 2023 | Bulakan Evacuation Center)

Ang π€πšπ«πšπ§π π€πšππš πŠπšπ›πšπ­πšπšπ§ 𝐧𝐠 π’π­πš. π€π§πš ay dumalo sa Kabataan Youth Leadership Seminar kung saan dinaluhan din ng mga Boy & Girl Officials 2023 at ng mga Aspirant SK Chairman at SK Kagawad ng 14 Barangays sa Bayan ng Bulakan, Bulacan.

Maraming salamat po sa Local Youth Development Office Bulakan, SK Federation at sa mga naging Guest Speakers kanina sa Seminar. Malaking tulong po ang ganitong proyekto para po sa mga kabataan na nais maglingkod at tumulong sa kanilang mga barangay at sa kanilang kapwa kabataan.


MALIGAYANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2023 πŸ‡΅πŸ‡­Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V....
06/08/2023

MALIGAYANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2023 πŸ‡΅πŸ‡­

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 15, 1997 na nagpapahayag ng Taunang Pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 Bilang Buwan ng Wikang Pambansa.

Ang Aarangkada Kabataan ng Sta. Ana ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang: "Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan"

Mahalin natin ang ating Pambansang Wika! Sabi nga ng ating pambansang bayani na si G*t. Jose Rizal, β€œANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA; KAYA ATING PAGYAMANING KUSA, GAYA NG INANG SA ATIN AY NAGPALA.”

Mabuhay ang Wikang Filipino! πŸ‡΅πŸ‡­

❀️
πŸ‡΅πŸ‡­

PLASTIC BOTTLES DONATIONMaraming salamat po sa mga kabaranggay natin na nagbigay ng mga plastic bottles, bote, lata, at ...
06/08/2023

PLASTIC BOTTLES DONATION

Maraming salamat po sa mga kabaranggay natin na nagbigay ng mga plastic bottles, bote, lata, at ng mga bagay na pwede naming maibenta para magkaron ng pandagdag pondo sa mga proyekto na aming gagawin para sa ating barangay.

Maraming salamat din po Kapitana Gloria De Lino sa pagpapahiram ng tora-tora para madala namin ang aming mga nakolekta na kalakal sa Junk Shop.

Tunay ngang MAY PERA SA BASURA!

Basta SAMA-SAMA, Aarangkada Kabataan ng Sta. Ana! ❀️

Happy birthday to our cheerful, generous, and hardworking KAARANGKADA, Rich Bernard Magnaye. May you have all the happin...
04/08/2023

Happy birthday to our cheerful, generous, and hardworking KAARANGKADA, Rich Bernard Magnaye. May you have all the happiness your heart can hold.

We pray for your good health, stability in life, and continued inspiration for our fellow youth!

Your Aarangkada Kabataan Family wishes you nothing but the best! Enjoy your day to the fullest, Rich Bernard Magnaye! Have a blast! God bless you always! ❀️

BULAKAN IS NOW UNDER STATE OF CALAMITY Sa inisyatibo ng ating Punongbayan, Mayor Vergel Meneses, na ipinasa ng 11th Sang...
31/07/2023

BULAKAN IS NOW UNDER STATE OF CALAMITY

Sa inisyatibo ng ating Punongbayan, Mayor Vergel Meneses, na ipinasa ng 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty.Aika Sanchez, pormal ng isinailalim ang ating bayan sa State of Calamity dahil sa nagdaang kalamidadβ€” ang Bagyong Egay at papasok na Bagyong Falcon na nagdulot ng pinsala sa mga mamamayan, pananim, hanapbuhay, at ari-arian.

Sa ilalim ng nasabing deklarasyon, mailalabas na ang pondong nagkakahalaga na Limang Milyong Piso (Php5,000,000.00) buhat sa 30% quick responce fund ng 2023 Calamity Fund and Trust Liabilities - DRRM Fund, upang matulungan ang mga pamilyang apektado at maibalik sa ayos ang estado ng mga napinsala ng bagyo.

Ibayong ingat, mga kababayan!


Ang AARANGKADA KABATAAN NG STA. ANA ay lumalapit po sainyo upang manghingi ng mga Plastic Bottles na aming mapapakinaban...
30/07/2023

Ang AARANGKADA KABATAAN NG STA. ANA ay lumalapit po sainyo upang manghingi ng mga Plastic Bottles na aming mapapakinabangan.

Sa pamamagitan po ng mga ito ay makakalikom po kami ng pondo na maaari naming gamitin sa mga susunod pa pong mga proyekto para sa ating barangay.

Makakaasa po kayo na ang lahat ng aming malilikom ay magagamit sa tamang paraan at para sa progresibong proyekto.

Narito po ang iskedyul nang aming paglilibot:
β€’ Unang Araw: Agosto 2, 2023 (Miyerkules) - Sitio Dulo, Sitio Lungos, at Sitio Estanquillo
β€’ Pangalawang Araw: Agosto 3, 2023 (Huwebes) - Sitio Palaparin, Sitio Tubong, at Sitio Sadsaran
β€’ Pangatlong Araw: Agosto 4, 2023 (Biyernes) - Sitio Gaya-gaya, Sitio DoΓ±a Juanita Subdivision, at Sitio Malusak

Pauna na po ang aming lubos na pasasalamat sa mga magbibigay. Maraming Salamat Po!

Basta SAMA-SAMA, Aarangkada Kabataan ng Sta. Ana!

Isa sa mga responsibilidad natin bilang mamamayan ay ang pangalagaan at panatilihing malinis ang ating kapaligiran. Ngay...
30/07/2023

Isa sa mga responsibilidad natin bilang mamamayan ay ang pangalagaan at panatilihing malinis ang ating kapaligiran.

Ngayong araw sinimulan ng grupong Aarangkada Kabataan ng Sta. Ana ang "Clean-Up Drive" sa Sitio Dulo patungong Sitio Estanquillo. Layunin ng aktibidad na maging isang ehemplo sa kapwa mamamayan na maging responsable sa kani-kanilang basura. Malaking tulong ang simpleng hakbang na ito sa pagsulong ng malinis na kapaligiran.

Nagpapasalamat din ang grupo sa mga taong nagbigay ng mga plastic bottles na makakatulong upang magkaroon ng pondo para sa mga susunod pang mga proyekto.

Tunay ngang basta SAMA-SAMA, Aarangkada Kabataan ng Sta. Ana!

Address

Sta. Ana Bulakan
Bulacan
3017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aarangkada Kabataan ng Sta.Ana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Aarangkada Kabataan ng Sta.Ana:

Share