Sangguniang Kabataan ng Brgy. Perez '23-'25

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Perez '23-'25 Official page of SK Perez ❤️

Mag-ingat po tayong lahat! ❤
02/08/2026

Mag-ingat po tayong lahat! ❤

MAHALAGANG PABATID ‼️

Dahil sa inaasahang sama ng panahon dulot ng Tropical Depression bukas, at bilang pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani, at direktiba ng ating working MAYOR VERGEL C MENESES, mula sa rekomendasyon ng ating MDRRMO head, Ma'am Rosario Mariano, sinususpinde ang lahat ng face-to-face na klase sa lahat ng antas, at ipapatupad ang modular mode of learning (HINAY) sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Bulakan, bukas, August 3, 2026 (Lunes).

Samantala, magpapatuloy ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

Mangyaring patuloy na subaybayan ang mga susunod na opisyal na anunsyo.

Maraming salamat at manatiling ligtas ang lahat.


KABATAANG PEREZEÑO, SUPORTADO ANG SOLID WASTE IEC CAMPAIGN! 🍃♻️Bilang bahagi ng BADAC Seminar 2026, nakiisa ang mga kaba...
27/07/2026

KABATAANG PEREZEÑO, SUPORTADO ANG SOLID WASTE IEC CAMPAIGN! 🍃♻️

Bilang bahagi ng BADAC Seminar 2026, nakiisa ang mga kabataan ng Barangay Perez sa Solid Waste IEC Campaign sa pamamagitan ng pagdadala ng recyclable PET bottles bilang bahagi ng kanilang registration—patunay na ang pagiging responsableng kabataan ay naipapakita sa simpleng gawaing may malaking epekto sa ating komunidad at kalikasan.

Lubos kaming nagpapasalamat sa bumubuo ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Santos M. Villanueva, kay Committee Chair on Environment Konsehal Alvin Alonzo, kay Barangay Secretary Khon Agustin, at sa ating mga Barangay Volunteers. Salamat din po sa ating mga tanod na dumalo sa pangunguna ni Hepe Allan at Deputy Ferdie, gayun din sa ating volunteer na si Bb. Minrom Vega.

Sama-sama para sa isang mas malinis, mas ligtas, at mas responsableng Barangay Perez 💚



THANK YOU, TAXPAYERS! ❤️✨Isang matagumpay na araw ng pagkatuto, pagkakaisa, at pagbibigay-kapangyarihan sa ating mga kab...
27/07/2026

THANK YOU, TAXPAYERS! ❤️✨

Isang matagumpay na araw ng pagkatuto, pagkakaisa, at pagbibigay-kapangyarihan sa ating mga kabataan!

Taos-puso pong nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Perez sa lahat ng naging katuwang upang maisakatuparan ang BADAC Seminar 2026, na bahagi ng ating iSKolar Year 3 Educational Assistance Program.

Lubos po naming pinasasalamatan ang ating Punong Barangay Santos M. Villanueva at ang buong Sangguniang Barangay sa kanilang walang sawang suporta sa mga programang para sa kabataan. Sa atin pong Committee Chair on Peace and Order, Konsehal Melvin Morales, kasama ang ating mga Barangay Tanod, sa kanilang pakikiisa at pagtulong upang maging maayos at ligtas ang ating programa. At kay Barangay Secretary Khon Agustin, sa kanyang dedikasyon at malaking ambag sa matagumpay na pagsasagawa ng seminar. Salamat din po sa ating mga tanod na dumalo sa pangunguna ni Hepe Allan at Deputy Ferdie, gayun din sa ating volunteer na si Bb. Minrom Vega.

Higit sa lahat, pasasalamat po kay PMSg. Eduardo Isla, ang ating panauhing tagapagsalita, para sa napakahalagang kaalaman at inspirasyong ibinahagi upang mas maging mulat ang ating mga kabataan sa usapin ng kapayapaan, disiplina, at pag-iwas sa ilegal na droga.

Maraming salamat din sa lahat ng kabataang nakiisa at naging bahagi ng programang ito. Ang inyong presensya at pakikilahok ang nagbibigay saysay sa bawat proyektong ating isinasagawa.

Patuloy nating isabuhay ang diwa ng isang KABATAANG MULAT, DISIPLINADO AT RESPONSABLE tungo sa isang mas ligtas, mas maayos, at mas maunlad na Barangay Perez. ❤️





26/07/2026

Goodafternoon guys!

Sino pa po hahabol kumuha? Wait ko po kayo sa barangay 5PM-6PM! Message n'yo lang po si SK KP if pupunta po kayo para mahintay po kayo. Salamat!

26/07/2026

READY NA PO BA ANG MGA PLASTIC BOTTLES? TARA NA PO! ❤

📣 READY NA BA ANG MGA iSKolar? 🎓Isang seminar na hindi lang requirement—investment para sa future. 💯Kasama ang ating BAD...
23/07/2026

📣 READY NA BA ANG MGA iSKolar? 🎓

Isang seminar na hindi lang requirement—investment para sa future. 💯

Kasama ang ating BADAC Seminar 2026, sabay nating patunayan na ang kabataang Perez ay mulat, disiplinado, at responsable. ❤️

📅 July 26, 2026
🕐 1:00 PM
📍 Umbuyan Covered Court

⏰ Registration: 12:30 PM - 1:30 PM ONLY
♻️ Bring 5 pcs. 1.5L plastic bottles
🪪 Photocopy ng School ID o anumang Gov't ID with 3 signatures

See you, future professionals! Huwag nating sayangin ang pagkakataon. 💙📚




OFFICIAL ANNOUNCEMENT | SK PEREZ iSKolar Educational Assistance – Year 3 🤘Maraming salamat sa lahat ng mga estudyanteng ...
05/07/2026

OFFICIAL ANNOUNCEMENT | SK PEREZ iSKolar Educational Assistance – Year 3 🤘

Maraming salamat sa lahat ng mga estudyanteng nagsumite ng kanilang mga requirements para sa SK Perez iSKolar Educational Assistance – Year 3.

Opisyal nang SARADO ang submission ng mga aplikasyon at requirements.

Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang beripikasyon at pagproseso ng lahat ng mga isinumiteng dokumento upang matiyak ang maayos at patas na implementasyon ng programa.

📅Ang petsa ng payout ay kasalukuyang TBA (To Be Announced). Hinihiling namin ang inyong kaunting pasensya habang tinatapos ang mga kinakailangang proseso.

Para sa opisyal na anunsyo tungkol sa schedule ng payout at iba pang mahahalagang updates, mangyaring manatiling nakaabang at i-follow ang opisyal na page ng SK Perez.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at patuloy na suporta sa mga programa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Perez. ❤




05/07/2026

Magandang umaga! DAY 2 po ng submission of requirements. Sa mga hahabol pa po, tara na po hangga't may slots pa ❤️

04/07/2026

UDPATED SLOTS AS OF 5:00PM | JULY 04, 2026 🔈

•DAUNGAN
HS - 5 slots

•UMBUYAN
COLLEGE - 3 slots

•GITNA
HS - 4 slots

•ITAAS
COLLEGE - 4 slots

Yan na lang po ang available slots! Close na po ang submission today. See you, tomorrow at 8:30AM po sa ating Barangay Hall! Thank you guys!! ❤️

04/07/2026

UDPATED SLOTS AS OF 11:10AM | JULY 04, 2026 🔈

•DAUNGAN
HS - 8 slots
COLLEGE - 3 slots

•UMBUYAN
HS - Full Slot
COLLEGE - 9 slots

•GITNA
HS - 4 slots
COLLEGE - 1 slot

ITAAS
HS - Full Slot
COLLEGE - 4 slots

AGAIN, "FIRST COME, FIRST SERVE" BASIS PO TAYO. NAG-EFFORT PO YUNG MGA MAAGA NAGPUNTA. WALA PONG TAMPUHAN SA MGA HINDI MAPAPABILANG. THANK YOU PO! ❤️✨

Address

Brgy. Perez Bulakan
Bulacan
3017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Perez '23-'25 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share