BTECH Sangguniang Mag-aaral

  • Home
  • BTECH Sangguniang Mag-aaral

BTECH Sangguniang Mag-aaral Sangguniang Mag-aaral ng Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag

Narito ang opisyal na iskedyul ng pagpapaenrol para sa ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ. Ang proseso ng pagpap...
18/05/2026

Narito ang opisyal na iskedyul ng pagpapaenrol para sa ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ. Ang proseso ng pagpapaenrol ay isinagawa ayon sa antas ng bawat mag-aaral upang masiguro ang maayos, mabilis, at organisadong daloy ng pagpaparehistro.

๐Ÿ“Œ Mahigpit na ipinapaalala sa lahat na sundin ang itinakdang petsa ng inyong pagpapaenrol:

โ€ข Ika-apat na Taon โ€” ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ– ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
โ€ข Ikatlong Taon โ€” ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
โ€ข Ikalawang Taon โ€” ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐ŸŽ๐Ÿ ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐ŸŽ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
โ€ข Unang Taon โ€” ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐ŸŽ๐Ÿ– ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ, ๐š๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ang pagsunod sa nakatakdang iskedyul ay mahalaga upang maiwasan ang abala at masiguro ang maayos na proseso ng inyong pagpapaenrol.

Maraming salamat at inaasahan ang inyong pakikiisa.


Isang mainit na Pagbati! Sa ating masipag na Assistant Multi-media Head ng PitikHenyo na si Ginoong James Luis Gutierrez...
11/05/2026

Isang mainit na Pagbati! Sa ating masipag na Assistant Multi-media Head ng PitikHenyo na si Ginoong James Luis Gutierrez, ngayong ika-11 ng Mayo ay kinilala siya bilang SPES Youth Achiever Awardee ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa kaniyang kahusayan, dedikasyon, at kontribusyon sa kaniyang trabaho.

Ang iyong buong SMG Family ay proud sa iyong tagumpay! Nawa'y patuloy na mag-alab ang iyong puso at magsilbing inspirasyon sa iba. Muli Pagbati, James! Ang iyong husay at sipag ay tunay na nagbibigay inspirasyon sa ating lahat! ๐ŸŽ‰โค


๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐™ˆ๐™ค๐™ฉ๐™๐™š๐™ง'๐™จ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ! ๐ŸŒท๐ŸคNgayong buwan ng Mayo, ating ipinagdiriwang ang Araw ng mga Ina. Ang mga ilaw ng ating tahanan at ...
10/05/2026

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐™ˆ๐™ค๐™ฉ๐™๐™š๐™ง'๐™จ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ! ๐ŸŒท๐Ÿค

Ngayong buwan ng Mayo, ating ipinagdiriwang ang Araw ng mga Ina. Ang mga ilaw ng ating tahanan at mga pusong walang sawang nagmamahal.

Sila ang unang yakap na ating naramdaman at unang nagturo sa atin ng pagmamahal at kabutihan. Sa kabila ng mga pagod, luha, at sakripisyo, patuloy silang lumalaban nang may ngiti para sa kanilang pamilya.

Sa araw na ito, taos-puso nating pinasasalamatan ang lahat ng inaโ€“mga nanay na kasama at nagsilbing ina sa atin, mga nanay na nasa malayong lugar, at mga nanay na nasa piling na ng Maykapal. Sa ating buhay, ang kanilang pagmamahal ay ang pinakamagandang regalo na natanggap natin.

Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng ilaw ng ating tahanan! โœจ


BTECHENYOS LAGING HANDAPAALALA para sa bawat aplikante ng BCET ngayong araw ng Mayo taong kasalukuyan. Huwag kalilimutan...
10/05/2026

BTECHENYOS LAGING HANDA

PAALALA para sa bawat aplikante ng BCET ngayong araw ng Mayo taong kasalukuyan.

Huwag kalilimutan ang mga sumusunod:
โœ๏ธ Lapis
๐Ÿ‘ค ID
๐Ÿ“ƒ Examination Slip

Maging handa. Maging matalino. Nawa'y mag-bunga ang bawat lagda ng inyong kasagutan, at kami ay nasasabik na kayo ay makasama.

Think Big. Think BTECH.

๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„ ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ถ๐˜๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ด๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต...
07/05/2026

๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„ ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ถ๐˜๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ด

๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข.

Hindi ko ata kayang tingnan ang sariling repleksyon sa salamin, paano kung mapagtanto ko na hindi na 'ko kasing galing kagaya ng dati? Sa pag-asam ko sa umaalingasaw at naaagnas na pangarap, kung napupundi na ang aking alab may silbi pa kaya ang isang kagaya ko?

Tila ba sa bawat galaw, tila hatol kung sino akoโ€”na para bang isang malaking paligsahan, nagpapasikat akitin ang mga manonood bitbit ang ekspektasyon ng mundo.

"Siya dapat ang paliging mahusay" kinulong ako sa sistema na "Siya dapat ang laging una." Higit pa 'ko sa "Pwede na" o "Sakto lang" Na may mas lalalim pa sa paghaplos ng mga pirasong salamin sa bokabularyo at taktika sa mga bagay kung saan ako magalingโ€”mapa sining, akademiko, o pagsusulat ng mga piyesang gumuguhit na parang patalim sa aking mga braso.

Isang sinag sa gitna ng bawat lamat, na walang gustong humawak, umalalay, takot silang masugatan, isang salamin ng marupok na kalagayan ng sariling ilang ulit nang nabasag. Kailan ba nila mapapansin na matagal na 'kong patay?

Lagi na lang para sa manonood, kailangan kong maging magaling para humanga sila sa akin, tulad sa akedemiko, kurso, at trabaho.

Hindi na tungkol sa pag-abot sa aking gusto, tila gusto ko na lang ata maabot para makita ng lahat na nakuha ko. Ngunit sino ang aalalay sa basag na piyesa? Sana sa susunod, para sa akin naman. Hindi na para sa madla. Hindi na para sa kanila.

Hindi ko inaasam ang maging isang perpekto, ngunit sa perspektibo nila ako dapat ang nauuna, hindi nila pwedeng makita ang bawat sugat at hiwa sa bawat maling nakikita ko sa tuwing haharap ako sa salamin;

Yung buong salamin na nakasabit sa dingding. Kundi yung mga nakakalat sa sahig. Matalas. Delikado. At higit sa lahat, naiwanan.

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฌ๐˜ฐ? ๐˜๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ฐ?

Nawa'y maging marahan sana sa pagpulot sa bawat piraso ng aking bubog, dahil ngayon ay hindi ko pa talaga nadidiskubre kung ano ang gusto ko. Kaakibat ng mga bubog ang mga bagay na pinagdaanan at bumubuo sa'kin, tanging pagtanggap ang daan upang mag hilom ang mga sugat.

Sana sa susunod na pagtingin ko sa salamin, hindi na matakot na mabigo ang iba, makita sana ang halaga sa bawat piraso, sana sa susunod na pagtingin ko sa mga bubog nawa'y makayanang matanggap, pagmasdan, at mapagtantong hindi ako mahirap mahalin kagaya ng ilan.

Dibuho ni | Earl Hacey Anas
Isinulat ni | Art Eugene Santos
Isinaayos ni | Sidney Anne Sales


๐™†๐™ช๐™ข๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐˜พ๐™Š๐™‚, ๐˜ฝ๐™๐™€๐˜พ๐™ƒ๐™€๐™‰๐™”๐™Š๐™Ž? ๐Ÿ“„โœจ Lahat ba ay nakakuha at nakatanggap na ng magandang balita?  Grabe! Kung iisi...
03/05/2026

๐™†๐™ช๐™ข๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐˜พ๐™Š๐™‚, ๐˜ฝ๐™๐™€๐˜พ๐™ƒ๐™€๐™‰๐™”๐™Š๐™Ž? ๐Ÿ“„โœจ

Lahat ba ay nakakuha at nakatanggap na ng magandang balita?

Grabe! Kung iisipin, parang kailan lang noong mga bagong pasok palang tayo rito sa kolehiyo. Puno ng kaba, excitement, at pangarap, pero heto na tayo ngayon... unti-unti nang tinatahak ang daan papunta sa finish line! ๐ŸŽ“

Alam niyo bang malalim ang kahulugan ng papel na hawak natin ngayon? Hindi lang ito basta marka o listahan ng mga subjects, ito ang patunay ng mga gabing pinuyat natin para mag-review, ng mga araw na pagod na pagod na tayo pero pinili pa rin nating lumaban.

Patunay ito ng lahat ng sakripisyo, luha, at tiyaga na ibinuhos natin para makarating dito. At kung hindi man ito ang inaasahan mo, tandaan mo na hindi rito nagtatapos ang lahat. Marami pang pagkakataon para bumawi, matuto, at mas pagbutihin pa sa susunod.

Walang madaling paraan, pero kinaya mo. Ipagpatuloy lang natin 'to, BTECHenyos! Malapit na tayo! โœŠ๐Ÿปโœจ

Isinulat ni: SMG PRO | Monina Jean Polintan
Nilikha ni: SMG Auditor | Sidney Anne Sales


BTECH SPORTSFEST 2026 SUCCESS!! โœจ๐Ÿฅณ๐Ÿค Sa tuluyang pagtatapos ng taunang BTECH SPORTSFEST 2026, nais po naming kuhanin ang ...
21/04/2026

BTECH SPORTSFEST 2026 SUCCESS!! โœจ๐Ÿฅณ๐Ÿค

Sa tuluyang pagtatapos ng taunang BTECH SPORTSFEST 2026, nais po naming kuhanin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa lahat ng tanggapan at mga taong nakatuwang namin. Kayo po ang isa sa mga dahilan kung bakit palaging nagtatagumpay ang ating mga gawain at pagdiriwang.โœจ

Buong pusong pasasalamat sa Punong Lungsod ng Baliwag, Mayor Soรฑia V. Estrella, Abgd. Robert John I. Donesa, Dr. Emiterio L. Tiburcio, Dr. Aida S. Ramos, at Prop. Al-lawrence G. Cruz. Salamat po sa walang humpay na suporta sa aming bawat gawain. Kayo po ang patunay na kapag ang haligi ng isang institusyon ay nag-uumapaw sa pagmamahal, sigurado ang tuloy-tuloy na pag-usad.

Taos pusong pasasalamat sa Tanggapan ng mga Serbisyong Pangpapaunlad ng mga Mag-aaral sa pamumuno ni G. Emerson C. Perez. Kayo po ang palaging sandigan at kasangga ng Sangguniang Mag-aaral sa lahat ng pagkakataon.

Taos pusong pasasalamat din po sa Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo ng Dalubhasaan sa pamumuno ni Eng. Punzalan. Salamat po sa inyong mainit na pakikipagtulungan, mula umpisa hanggang sa huli.

Pasasalamat din po sa aktibong pakikiisa ng lahat ng naging Overall Chairpersons, Dekano/Dekana, Direktor ng bawat programa, Tagapagsanay, Nagtuturo at Hindi nagtuturong Kawani ng Dalubhasaan. Dahil po sa inyo ay mas naging kasiya-siya ang ating pagdiriwang kaya salamat po sa inyong mga buhay!

Sa bawat mag-aaral ng BTECHenyos na sumali sa mga patimpalak o sports, kayo ang tunay na tatak talentodo! Salamat sa pagbabahagi ng inyong mga talento at kahusayan. ๐Ÿค

Higit sa lahat, ang Sangguniang Mag-aaral ay taos pusong nagpapasalamat sa BTECH SHS Sangguniang Mag-aaral BTECH TIMES PitikHenyo at BTECH Federising Volunteers. Lagi't lagi ninyong pinatutunayan na ang paglilingkod ay hindi nasusukat sa posisyon o kahit anong antas pa ng pagkakakilanlan. Ipinakita at ipinaramdam ninyo ang nag-aalab ninyong mga puso sa bolunterismo. Saludo kami sa inyo!

At para sa lahat ng BTECHenyos, maraming salamat sa inyo! Salamat sa pagsuporta! Nawa'y naiparamdam namin sa inyo ang nag-uumapaw na kasiyahan. ๐Ÿฅฐ

Magkikita tayong muli sa BTECH SPORSTFEST 2027! ๐Ÿ’›โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’œ๐Ÿ–ค


๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ฌ ๐—•๐—ข๐—”๐—ฅ๐—— BTECHenyos! Karangalan, galing, at puso para sa matagumpay na laban, ating tingna...
20/04/2026

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ฌ ๐—•๐—ข๐—”๐—ฅ๐——

BTECHenyos! Karangalan, galing, at puso para sa matagumpay na laban, ating tingnan ang opisyal tally board para sa natapos at matagumpay na Sport Festival ngayong taon sa Dalubhasaan. Opisyal naming inilalabas ang tally board para sa ating Sportfest 2026.

Natapos na ang puksaan at ang matinding laban ng mga Atleta mula sa iba't ibang pangkat, lupon, at hanayโ€”bitbit ang kanilang kulay at dangal narito ang resulta para sa mga Atleta ng bawat Instituto na nagpursigi, mga koponan na nagtulungan upang masungkit ang medalya tungo sa Kampyonato.

Isang mainit na pagbati BTECHenyo, sa isang 'di malilimutang laban, isang yugto ang ating napunanโ€”kaya magkita-kita tayo sa panibagong kabanata at susunod na taon, sa muling pagsiklab ng diwa ng ๐—›๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ง๐—˜๐—–๐—›๐—˜๐—ก๐—ฌ๐—ข! ๐—ง๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ.

๐Ÿ’œ๐Ÿ’›๐Ÿ–ค๐Ÿ’™โค๏ธ



๐—•๐—ง๐—˜๐—–๐—› ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—”๐— ๐—ฃ๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿ†๐ŸฏIsang mainit at taos-pusong pagbati sa hinirang na overall champion ng BTE...
19/04/2026

๐—•๐—ง๐—˜๐—–๐—› ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—”๐— ๐—ฃ๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿ†๐Ÿฏ

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa hinirang na overall champion ng BTECH Sports Festival 2026, ang ๐—ฌ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐˜€! Matapos ang isang linggong matinding bakbakan at tunggalian sa larangan ng sports at cultural competitions, muling nangibabaw ang lakas, galing, at pagkakaisa ng Institute of Business and Accountancy (IBA). Sa bawat laban na hinarap, sa bawat pawis na tumulo, sa bawat pagod na tinamo, sigaw na umalingawngaw, at lakas na ibinuhosโ€”unti-unting nabuo ang kwento ng kanilang pagbabalik sa tagumpay na inaasam-asam.

Hindi naging madali ang daan tungo sa kampyonato. Hinarap nila ang matitinding hamon at laban mula sa ibaโ€™t ibang instituto na kapwa naghahangad na angkinin ang trono ng kampyonato. Ngunit sa kabila ng lahat, nanatiling matatag ang diwa ng pagkakaisa ng Yellow Raging Tigersโ€”hindi natinag, hindi sumuko, at mas lalong nag-alab ang determinasyon na maibalik ang nawalang titulo. Matapos itong maagaw sa kanila noong nakaraang taon, ngayon ay buong lakas at tapang nila itong binawi nang mas matatag, mas handa, at mas nagkakaisa. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng kanilang husay, kundi patunay ng tibay ng loob, tiwala sa isaโ€™t isa, at walang sawang pagsusumikap ng buong instituto.

Muli, isang mainit at taos-pusong pagbati! Pinatunayan ng Yellow Raging Tigers na ang tunay na kampeon ay hindi lamang nasusukat sa panaloโ€”kundi sa kakayahang bumangon sa pagkadapa at lumaban nang buong puso upang makamit ang tagumpay. IBA talaga! ๐Ÿ’›

๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
Institute of Business and Accountancy (IBA)

๐—”๐—ฅ๐—œ๐—•๐—” ๐—œ๐—•๐—”! ๐Ÿฏ



Address

BMG Building, Poblacion, Baliwag City, Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BTECH Sangguniang Mag-aaral posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BTECH Sangguniang Mag-aaral:

  • Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization?

Share