09/05/2026
๐๐๐-๐ณ๐ฑ ๐๐ก๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ช ๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐ญ๐๐
Noong Mayo 9, 1951, pumanaw si Trinidad Rizal. Nakilala siya hindi lamang bilang kapatid ni Jose Rizal kundi bilang katipunera, peminista, at pilantropo.
Ipinanganak siya sa Calamba noong Hunyo 6, 1868, bilang ikasampu sa labing-isang anak, at ikawalo at ikasiyam na babae, nina Francisco Mercado at Teodora Alonso. Kilala rin sa palayaw na Trining, nag-aral siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila, ngunit naudlot ang kaniyang pag-aaral noong 1882 dahil sa malawakang paglaganap ng cholera.
Itinuring siyang paboritong kapatid ni Rizal, na palagi siyang kinukumusta at pinapayuhan sa mga liham. Hinimok siya nitong magbasa nang magbasa at magsanay sa wikang Ingles, kung saan naging matatas siya kalaunan. Paminsan-minsan, sinamahan din niya ang kapatid sa pagkakatapon nito sa Dapitan.
Bandang 1890, umanib siya sa Masoneriya at naging kalihim ng Logia de Adopcion sa ilalim ng pangalang Sumibol. Palihim din siyang sumapi sa Katipunan. Sa mga huling araw ni Rizal, sa kaniya ipinagkatiwala ang gasera na naglalaman ng Mi Ultimo Adios, ang huling tula ng kaniyang kapatid. Sinabihan din siyang tingnan ang sapatos nito, ngunit dahil inabot ng dalawang taon bago muling nahukay ang labi ni Rizal, hindi na nalaman kung ano ang itinago roon.
Tumungo si Trinidad, kasama ang kapatid na si Josefa Rizal at hipag na si Josephine Bracken, sa kampo ng isa pa nilang kapatid na si Paciano Rizal sa Cavite. Doon, inaruga at ginamot ng mga babaeng Rizal ang mga rebolusyonaryo.
Noong 1905, nakiisa siya kina Concepcion Felix, ilang edukadong kababaihan, at mga kaibigan sa Logia upang itatag ang Asociaciรณn Feminista Filipina. Nang sumunod na taon, itinatag nila ang Gota de Leche bilang tugon sa nakababahalang maagang pagkamatay ng mga sanggol. Namahagi ang organisasyon ng masustansyang gatas para sa mahihirap na mag-ina at nagsulong ng wastong nutrisyon. Matapos mamatay ang kanilang ina noong 1911, nanirahan siya kasama si Josefa, kapwa walang asawa, sa San Nicolas. Doon siya nagsimulang magnegosyo sa pagtetela at nagpatayo ng bilihan ng damit sa Calle Santo Cristo. Nabuhay rin sila mula sa renta ng mga umuupa sa kanilang mga bahay.
Sa magkakapatid na Rizal, si Trining ang huling pumanaw. Nakilala siya sa kanilang angkan bilang matipid, masinop, at mahigpit sa mga apo. Inilarawan siya ng pamilya bilang masayahin noon, ngunit ang sinapit ng kaniyang diko ang lubhang nagpatigas sa kaniyang puso. Nagsilbi rin siyang buhรกy na primaryang sanggunian sa kasaysayan at iningatan niya ang mga alaala ni Rizal, kabilang ang lampara at ang larawan nitong ipininta ni Juan Luna. Maingat niya itong inalagaan hanggang sa kaniyang pagpanaw sa edad na 83.
Sanggunian:
Abueg, Eufrasio. 1947. โLast of the Rizals.โ sa Rizal Day Souvenir. 35, 37.
Capino, Diosdado. 1961. โJosรฉ Rizal and His Meaning for Germany.โ Internationales Jahrbuch Fรผr Geschichtsunterricht 8: 183โ94. https://www.jstor.org/stable/43054787.
Castaรฑeda, Jose. 1948. โDeath in the Morning.โ The Philippines Commonweal, June 19, 1948. 4-5, 23.
Craig, Austin. 1913. Lineage, Life and Labors of Jose Rizal: Philippine Patriot. Maynila: Philippine Education Company, 1913.
De Luz, Juan. 1950. "El 'sueรฑo' de Valeriana Sรกnchez." Semana, Hunyo 29, 1950. 42.
De Viana, Augusto. 2006. "Trinidad Rizal Talks About Her Brother Josรฉ." sa The I-Stories: The Philippine Revolution and the Filipino-American War as Told by its Eyewitnesses and Participants. Maynila: University of Santo Tomas Press.
Hilario-Soriano, Rafaelita, patnugot. 1995. Women in the Philippine Revolution. Lungsod Quezon: Printon Press.
Joaquin, Nick. 2021. Rizal in Saga: A Life for Student Fans. Lungsod ng Pasig: Milflores Publishing.
Lopez-Bantug, Asunciรณn. 2008. Lolo Josรฉ, An Intimate and Illustrated Portrait of Josรฉ Rizal. Lungsod Quezon: Vibal Foundation.
McElhinny, Bonnie. 2009. โProducing the A-1 Baby Puericulture Centers and the Birth of the Clinic in the U.S.-Occupied Philippines, 1906-1946.โ Philippine Studies 57(2): 219โ60. https://www.jstor.org/stable/42634009.
โTrinidad Rizal: The Heart of the Philippine Feminist Movement.โ 2014. Gota de Leche Manila, Disyembre 5, 2014. https://www.gotadeleche.ph/trinidad-rizal-the-heart-of-the-philippine-feminist-movement/.
"Trinidad Rizal (1868-1951) Rizal's Sister, Katipunera." 1996. Maynila: National Historical Institute. 290-291.
. .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:
๐ I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
๐ Bisitahin ang www.psaysay.org
๐ค Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa [email protected]