Boac for Clean Election

Boac for Clean Election Ang samahang ito ay binubuo ng mga taong simbahan at iba’t ibang grupo ng kabataan na nanawagan ng malinis na eleksyon sa ating bayan.

Kasama kami sa mahigit limang libong Boakeno na naniwala sa isang maayos at malinis na eleksyon. Hinding hindi kami mang...
12/05/2025

Kasama kami sa mahigit limang libong Boakeno na naniwala sa isang maayos at malinis na eleksyon. Hinding hindi kami manghihinayang sa aming ipinaglaban. 🙏🏼

Boboto tayo. Hindi bobo tayo! 😁
10/05/2025

Boboto tayo. Hindi bobo tayo! 😁

10/05/2025

Sa mga KABATAAN ng Boac: Hindi FOR SALE ang kinabukasan natin! 🚨

Hindi lang basta boto ang hawak mo—hinaharap ng bayan mo 'yan. 💪🇵🇭 Kung gusto mo ng tunay na pagbabago, ipaglaban mo ang bayan mo laban sa mga gahaman at korap na pulitiko.

✅ Hindi natin kailangang ibenta ang dignidad natin para sa isang gabing saya na kapalit ay apat na taong pagdurusa.

PANOORIN ang makapangyarihang mensahe mula sa ating kapwa kabataan: "HINDI AKO NABIBILI"

Video mula sa: Marinduque Youth Core – Samahan ng Kabataang Marinduqueño. ✊

2K hanggang 3K ang presyo ng boto ngayon sa Boac?! 🤯Pero... kapalit ba ng ilang libong piso ang kinabukasan ng iyong pam...
10/05/2025

2K hanggang 3K ang presyo ng boto ngayon sa Boac?! 🤯

Pero... kapalit ba ng ilang libong piso ang kinabukasan ng iyong pamilya? Kapalit ba ng instant na pera ang serbisyong dapat ay para sa lahat?

👉 Tandaan: Ang pulitikong gumagastos nang malaki sa kampanya, babawiin at babawiin 'yan pagnakaupo—sa pamamagitan ng buwis mo, serbisyo mo, at kinabukasan mo. 😢

✋ Huwag hayaang mabulag sa maliit na halaga kapalit ang iyong dignidad at karapatan!

✅ KUNIN ANG PERA, IBOTO ANG KARAPATDAPAT!


Narito na po ang may dala ng ayuda! 😂
09/05/2025

Narito na po ang may dala ng ayuda! 😂

Ganito lang ba talaga ang tingin nila sa halaga ng pagkatao mo? Sentimo lang ang kapalit ng dangal, prinsipyo at kinabuk...
08/05/2025

Ganito lang ba talaga ang tingin nila sa halaga ng pagkatao mo? Sentimo lang ang kapalit ng dangal, prinsipyo at kinabukasan mo?

Huwag natin hayaan na ibaba ng mga pulitiko ang halaga natin.
Isang boto mo = Kinabukasan mo.


Noong Candidates Forum, lahat galit sa vote buying. Lahat nangakong malinis. Lahat kunwari ay maka-Diyos at maka-tao. Pe...
08/05/2025

Noong Candidates Forum, lahat galit sa vote buying. Lahat nangakong malinis. Lahat kunwari ay maka-Diyos at maka-tao. Pero teka... kapag may kumakatok sa gabi at may sobre sa bulsa, parang nagkaroon ng amnesia? 🤔

Kung ngayon pa lang hindi totoo sa salita, paano pa kaya sa serbisyo?

Tandaan: Ang nagsisinungaling sa harap ng taumbayan, lalo lang nagpapakita na hindi karapat-dapat pagkatiwalaan. Huwag natin hayaang mabili ang kinabukasan ng Boac!


04/05/2025

Kailangan natin ng lider na may malasakit. 🙏🏼

Reminder from Former COMELEC Spokesperson James Jimenez:"Walang makakabasa ng laman ng balota mo. Hwag maniniwala sa mga...
03/05/2025

Reminder from Former COMELEC Spokesperson James Jimenez:

"Walang makakabasa ng laman ng balota mo. Hwag maniniwala sa mga nanakot na nagsasabing kaya nilang ma-diskubre kung sino ang binoto mo. Nagsisinungaling yang mga yan para mapilitan kang iboto ang mga manok nala. Hwag magpalinlang.

Hanggang dito na lang ba tayo? Pera-pera? 😢
02/05/2025

Hanggang dito na lang ba tayo? Pera-pera? 😢


Address

Barangay Mataas Na Bayan
Boac
4900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boac for Clean Election posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share