PAMALAKAYA-Binangonan

Website

PAMALAKAYA-Binangonan Ang PAMALAKAYA-Binangonan ay bahagi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas).

Itinataguyod ng samahan ang pagkakaisa ng mga masang mangingisda upang isulong ang tunay na reporma sa pangisdaan.

02/06/2026
𝐏𝐀𝐆 ππ”ππ”π†π€π˜ 𝐒𝐀 π€π“πˆππ† πŒπ†π€ πŒπ€ππ†πˆππ†πˆπ’πƒπ€!!!🐟✊Ngayong araw May 31, 2026 ay ipinagdiriwang natin ang araw ng mga mangingisda s...
31/05/2026

𝐏𝐀𝐆 ππ”ππ”π†π€π˜ 𝐒𝐀 π€π“πˆππ† πŒπ†π€ πŒπ€ππ†πˆππ†πˆπ’πƒπ€!!!🐟✊

Ngayong araw May 31, 2026 ay ipinagdiriwang natin ang araw ng mga mangingisda sa Binangonan at sa buong Pilipinas, ating kinikilala ang kanilang malaking ambag sa food production na nag susutain sa ating ekonomiya. 🚣🎣

Ngunit paano natin ipadagdiriwang ang araw ng mga mangingisda ngayo'y samo't-samong isyu at problema ang kanilang kinakaharap sa araw-araw.🌊🐟

Ngayon patuloy na kinakaharap ng mga mangingisda ang krisis sa langis bunga ng imperyalistang giyera ng US-ISRAEL sa Iran, dahil dito nalilimitahan ang pag palaot ng mga mangingisda dahil sa taas presyo ng langis. β›½πŸ“ˆ

Dagdag din sa pahirap sa ating mga mangingisda sa Binangonan ang mga polisiya, proyekto at programang nag bubukas ng pinto tungo sa pribatisasyon ng lawa, katulad nalamang ng Fisheries Code of 1998 (RA 10654), Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997 (AFMA), corporate expansion sa municipal waters, hanggang sa 37.6 km na Laguna Lakeshore Road Network (LLRN), 2,000 ektaryang floating solar panels at Talim Island windmill project. βŒπŸ“„πŸšœ

Ang mga ito ay palaging sa pag unlad ang pinamumukha sa mga mangingisda at mamamayan, ngunit, ito ay tunay na pahirap lamang sa mga mangingisda at sa lawa ng Laguna.

Dahil dito sa mga isyung ito ngayong araw ng mga mangingisda ay patuloy pa rin nating sigaw ang:

𝐕𝐀𝐓 𝐀𝐓 π„π—π‚πˆπ’π„ 𝐓𝐀𝐗 𝐒𝐀 π‹π€ππ†πˆπ’, π“π€ππ†π†π€π‹πˆπ!
πˆππ€π†π“π€ππ†π†πŽπ‹ 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀 π‹π€πŠπ„
π“π”ππ€π˜ 𝐍𝐀 π‘π„ππŽπ‘πŒπ€ 𝐒𝐀 ππ€ππ†πˆπ’πƒπ€π€π, πˆππ€π†π‹π€ππ€π!
πˆππ€π†π‹π€ππ€π 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€π‘π€ππ€π“π€π 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŒπ€ππ†πˆππ†πˆπ’πƒπ€!

29/05/2026
RED-TAGGING ALERT!Mariing kinokondena ng PAMALAKAYA‑Pilipinas ang tahasang pangre‑redtag sa PAMALAKAYA at mga organisasy...
24/05/2026

RED-TAGGING ALERT!

Mariing kinokondena ng PAMALAKAYA‑Pilipinas ang tahasang pangre‑redtag sa PAMALAKAYA at mga organisasyon tulad ng ANAKPAWIS, BAYAN MUNA, at buong MAKABAYAN bloc, sa kabila ng pagkilala ng Korte Suprema sa panganib at masamang dulot ng red‑tagging sa mga lehitimong organisasyon at indibidwal.

Sa Isla ng Talim, Rizal, naging‑maigting ang tensyon sa pagtayo ng Talim Wind Power Project, isang onshore wind farm na ipinipresenta bilang β€œgreen energy.” Mula pa noong nakaraang taon, matatag na tumututol ang mga residente dito dahil sa pangambang maidudulot nito sa kanilang buhay, kabuhayan, at kalikasan, lalo pa’t sa kabila ng paulit‑ulit na panawagan na ilahad ang kabuuang detalye ng proyekto, nananatiling kulang at hindi malinaw ang impormasyong ibinibigay sa kanila. Sa social media at iba't ibang kilos‑protesta tulad ng pampublikong aktibidad na nilahukan ng mahigit 300 residente, ipinapakita ng komunidad na hindi sila laban sa renewable energy kundi laban sa uri ng proyektong corporate‑led, mapanira, at ipinipilit nang walang malinaw at sapat na pagkonsulta sa mga residente.

Sa halip na pakinggan ang kanilang lehitimong protesta, ginamit ng NTF‑ELCAC kasama ang militar noong Mayo 18, 2026 ang isang β€œalert” kaugnay ng di umano’y presensya ng NPA bilang daan ng pananakot at pagre‑red‑tag sa mga organisasyong sumusuporta sa panawagan ng komunidad. Kasunod nito, lumabas ang partikular na alegasyong mayroong isang tumakbong senador na taga‑Isla na tinukoy na NPA. Ang paggamit ng malabo at maling akusasyon sa publiko at social media bilang kapalit ng makabuluhang konsultasyon ay nagpapatibay lamang sa pattern ng red‑tagging. Pinag‑iingat pa ang mga residente laban sa mga organisasyong nag‑aadbokasiya para sa kanilang kabuhayan at kalikasan. Makikitang muling ginagamit ang taktika kung saan inilalahad ng estado ang red‑tagging bilang β€œsecurity measure,” ngunit sa realidad ay nagsisilbing pag‑iintimidate sa mga lider ng masa, paghadlang sa legal na pag‑organisa, at pag‑frame ng lehitimong pagtutol bilang β€œterorista.” Lalo itong mapangahas sa konteksto ng Laguna de Bay, kung saan ang mga mangingisda ay nagkakaroon ng problemang paliit na huli, pagkasira ng lawa, at iba pang mapanirang mga proyekto.

Matagal nang nakikipag‑ugnayan ang PAMALAKAYA‑Pilipinas sa mga mangingisda sa Isla ng Talim. Sa katunayan, taga‑Isla mismo ang Vice Chairperson ng PAMALAKAYA na si Ronnel Arambulo. Hindi katanggap‑tanggap ang walang batayan at mapanirang pag‑aakusa laban sa mga lehitimong organisasyong matagal nang katuwang ng mga mangingisda at mamamayan ng Isla ng Talim. Isa itong malinaw na paglabag sa karapatang pantao at tahasang pagbalewala sa desisyon ng Korte Suprema laban sa mapanganib na praktika ng red‑tagging.

BUWAGIN ANG NTF‑ELCAC!
NO TO RED‑TAGGING!

Kasama ng Save Laguna Lake Movement (SLLM), PAMALAKAYA-Binangonan at National Network of Agrarian Reform Advocates Youth...
04/02/2026

Kasama ng Save Laguna Lake Movement (SLLM), PAMALAKAYA-Binangonan at National Network of Agrarian Reform Advocates Youth (NNARA Youth) ang KASAMA sa UP (KSUP)β€”mula sa mga campus ng Diliman, Baguio, Tacloban, at Los BaΓ±osβ€”sa isang Basic Mass Integration sa Sitio Wawa, Brgy. Libis, Binangonan, Rizal! 🌊✨

Nahaharap ang ating mga mangingisda sa di-tiyak na kita, pagbaba ng huli, at lumalaking gastos. Pangunahing problema ng sitio ang mapilitang lumipat ng trabaho ang karamihan sa mga mangingisdaβ€”isang matinding banta sa kanilang kultura at pamumuhay. Dagdag pa rito ang polusyon, habitat loss, at land conversion na lalong nagpapahirap sa komunidad.

Samantala, patuloy ang mga polisiya at programa na nagbubukas ng pinto sa pribatisasyon ng lawa: mula sa inamyendahang Fisheries Code (RA 10654), corporate expansion sa municipal waters, hanggang sa 37.6 km na Laguna Lakeshore Road Network (LLRN), 2,000 ektaryang floating solar panels at Talim Island windmill project na kapwa huwad na solusyon sa krisis ng enerhiya, dredging, at reclamation. Parusa ito sa subsistence fishing!

Kaya patuloy ang ating mga panawagan para ipaglaban ang karapatan ng masang mangingisda! ✊🐟

!
!

24/12/2025

Small-scale fishers from PAMALAKAYA-Pilipinas wish everyone a peaceful Christmas and a prosperous New Year.

We thank you for your continued solidarity and support for the sector’s struggle against reclamation, privatization, and corporate encroachment on our municipal fishing grounds.

May 2026 be filled with even greater determination to uphold the people’s fundamental rights and to hold accountable those responsible for the plunder of our natural resources and public funds.

Happy holidays!

Paskuhan ng Pag-asa sa Sitio Guiping, Binangonan, Rizal! πŸŽ„βœ¨Higit 400 katao mula sa pamiliya ng mga mangingisda ang nagti...
14/12/2025

Paskuhan ng Pag-asa sa Sitio Guiping, Binangonan, Rizal! πŸŽ„βœ¨

Higit 400 katao mula sa pamiliya ng mga mangingisda ang nagtipon para sa isang makabuluhang Paskuhan!

Pinangunahan ng Project Luntian bilang pangunahing sponsor, katuwang ng PAMALAKAYA-Binangonan at Save Laguna Lake Movement (SLLM), nagbigay ng pagkain, pag-asa, at pagkakaisa sa gitna ng sunud-sunod na unos.

Salamat po, Project Luntian, sa pagpapakita ng tunay na diwa ng pagkapanganak ni Hesukristoβ€”sa paglilingkod sa kapwa!πŸ™β€οΈ

𝑺𝒂 π’ƒπ’‚π’˜π’‚π’• π’•π’‚π’˜π’‚ 𝒂𝒕 π’‚π’˜π’Šπ’•, π’Šπ’‘π’Šπ’π’‚π’‘π’‚π’Œπ’Šπ’•π’‚ π’π’‚π’•π’Šπ’ 𝒏𝒂 π’‰π’Šπ’π’…π’Š π’Žπ’‚π’…π’‚π’π’Šπ’π’ˆ π’ˆπ’–π’Žπ’–π’‰π’ π’‚π’π’ˆ π’…π’Šπ’˜π’‚ π’π’ˆ π’Žπ’‚π’”π’‚. π‘·π’‚π’•π’–π’π’‚π’š π’Šπ’•π’ 𝒏𝒂 π’‚π’π’ˆ π’•π’–π’π’‚π’š 𝒏𝒂 π‘·π’‚π’”π’Œπ’ π’‚π’š 𝒔𝒂 π’‘π’‚π’ˆπ’•π’–π’•π’–π’π’–π’π’ˆπ’‚π’ 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π’Œπ’Šπ’π’‚π’ƒπ’–π’Œπ’‚π’”π’‚π’ π’π’ˆ π’Šπ’”π’‚π’π’ˆ π’Œπ’π’π’†π’Œπ’•π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ π’Œπ’Šπ’π’–π’”π’‚π’. ✊🌊

Address

Binangonan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PAMALAKAYA-Binangonan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share