Darangan Senior Citizens Association - Official

Darangan Senior Citizens Association - Official Association of Senior Citizens in Bgy. Darangan, Binangonan, Rizal (DASECA)

20/12/2025

ANNOUNCEMENT!!

DASECA GENERAL ASSEMBLY /CHRISTMAS PARTY

MONDAY, DEC. 22, 2025
1:30 PM ANG REGISTRATION
LUGAR: DARANGAN COVERED COURT - LIBIS

FOR ACTIVE DASECA MEMBERS ONLY
NO DASECA ID, NO ENTRY!

BRING YOUR DASECA ID.
KUNG NAGPA-MEMBER NA AT WALA PA ANG ID, DALHIN LAMANG PO ANG RESIBO NG MEMBERSHIP.

PWEDE PONG MAGPADALA NG REPRESENTATIVE ANG MGA BEDRIDDEN, MANGYARI LAMANG PO NA BIGYAN SILA NG AUTHORIZATION

NO AUTHORIZATION NO ENTRY!

Mabiyayang Araw po!Narito po ang mga maswerteng nanalo sa ginanap na pa-raffle ng DASECA noong Dec. 10, 2025.Muli po, ta...
12/12/2025

Mabiyayang Araw po!

Narito po ang mga maswerteng nanalo sa ginanap na pa-raffle ng DASECA noong Dec. 10, 2025.

Muli po, tanggapin po ninyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa patuloy ninyong pagtangkilik sa aming taunang paripa.

Patnubayan po tayo ng Panginoong Diyos.

Hanggang sa muli po at congratulations po sa mga nagwagi.

Serbisyo Publiko po para sa mga wala pang National ID.
17/10/2025

Serbisyo Publiko po para sa mga wala pang National ID.

Magkakaroon ng National ID Registration sa harap ng Old Municipal Building ng Binangonan sa Oktubre 18 (Sabado), mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM.

📌 Bukas ito para sa lahat ng gustong magparehistro.
Dalhin lamang ang mga kinakailangang dokumento sa ibaba.

PRIMARY SUPPORTING DOCUMENTS

Magdala ng kahit isa (1) sa mga sumusunod:
• PSA-issued Certificate of Live Birth at isang (1) government-issued ID na may kumpletong pangalan, litrato, at signature o thumb mark
• Philippine Passport o ePassport (DFA)
• Unified Multi-purpose ID (UMID) Card (GSIS o SSS)
• Student’s License Permit o Driver’s License (LTO)

(Kung may pagkakaiba sa detalye ng PSA Birth Certificate at ID, ang entry sa PSA ang susundin.)

SECONDARY SUPPORTING DOCUMENTS

Kung walang primary documents, maaaring magdala ng alinman sa mga ito:
• PSA / NSO Birth Certificate
• LCRO-issued Birth Certificate
• PRC ID / IBP ID / PWD ID / Senior Citizen ID / SSS ID / PhilHealth ID / Postal ID
• Police Clearance / NBI Clearance / Barangay ID / City or Municipal ID
• Voter’s ID o Voter’s Certification (COMELEC)
• Employee ID o School ID
• 4Ps ID, Solo Parent ID, o iba pang government-issued IDs

📍 Lugar: Harap ng Old Municipal Building, Binangonan
🕗 Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
đź“… Petsa: Oktubre 18, 2025 (Sabado)

Inaanyayahan ang lahat na magparehistro at makiisa sa programang ito para sa mas mabilis at maayos na serbisyo publiko.


đź’™

Isa pong malugod na paanyaya sa lahat!Ang DASECA po ay may isasagawang "Medical Caravan" sa darating na Biyernes, ika-3 ...
29/09/2025

Isa pong malugod na paanyaya sa lahat!

Ang DASECA po ay may isasagawang "Medical Caravan" sa darating na Biyernes, ika-3 ng Oktubre 2025 sa ganap na ika-7:00 ng umaga hanggang ika-2:00 ng hapon sa bagong parokya ng St. Bernard of Clarivaux Parish sa Riverside II.

Kailangan lamang po na may Philhealth Card ang mga magpapatingin.

18/07/2025

Ipinapaalam po ng DASECA sa mga humihingi ng maintenance na gamot sa aming opisina na base po sa nakaraang seminar na ibinigay ng Pharmacist ng ating Barangay na ang kailangang reseta na ipipresenta sa aming tanggapan ay may may bisa na 3 buwan lamang po. Kung higit na po sa 3 buwan ang inyong reseta, kailangan pong kumuha kayo ng bagong reseta bago kayo mabigyan ng gamot.

Ito po ay para na rin sa inyong kaligtasan gayundin ng mga opisyal ng DASECA laban sa anumang legal na pananagutan.

Hinihingi namin ang inyong pang-unawa.

For all the Senior Citizens...
22/02/2025

For all the Senior Citizens...

The National Commission of Senior Citizens (NCSC), will implement the nationwide cash gift distribution under the Expanded Centenarians Act of 2024. The inaugural payout, set to be held at Malacañan Palace on 26 February 2025, will be graced by President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., marking the ...

Isa pong PAGLILINAW mula sa pamunuan ng DASECA:Ang amin pong panawagan sa pagpapasa ng mga dokumento ay PARA LAMANG PO S...
01/10/2024

Isa pong PAGLILINAW mula sa pamunuan ng DASECA:

Ang amin pong panawagan sa pagpapasa ng mga dokumento ay PARA LAMANG PO SA MGA DATI NG PENSIONER.

NAIS PO NAMING LIWANAGIN NA ANG MGA NAGPASA NG RRN AY HINDI KASAMA SA MGA MAGPAPASA NG DOKUMENTO PARA SA PAY-OUT.

Hindi po ibig sabihin na porke nagparehistro na kayo sa NCSC (National Commission for Senior Citizen) ay kasama na kayo sa pension.

Nais po naming ipabatid na ang pagpaparehistro sa NCSC ay para bumuo ang NCSC ng database system upang matiyak ang aktwal na bilang ng mga Senior Citizen sa ating bansa bilang basehan sa kanilang mga Plano, programa, proyekto, gawain, pagdiriwang na makakatulong upang mapaunlad ang Buhay ng mga nakakatanda.

30/09/2024

Sa lahat po ng mga Social Pensioner ng Darangan, mag pasa na po kayo ng zerox copy ng inyong Osca ID (back to back) na may 3 pirma o thumbmark sa respective area leaders po ninyo. Ang deadline date po ay Oct 7. 2024.
Magpasa rin po kayo ng 3 pangalan ng inyong magiging representatives.

Address

Ground Floor, Barangay Annex, Darangan
Binangonan
1940

Opening Hours

Monday 9am - 12pm
Tuesday 9am - 12pm
Wednesday 9am - 12pm
Thursday 9am - 12pm
Friday 9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Darangan Senior Citizens Association - Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Darangan Senior Citizens Association - Official:

Share