Bantay LAWA, Alagang Binhi Project of Brgy Pag - asa Binangonan Rizal

Bantay LAWA, Alagang Binhi
Project of Brgy Pag - asa
Binangonan Rizal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bantay LAWA, Alagang Binhi
Project of Brgy Pag - asa
Binangonan Rizal, Community Organization, Barangay Pag-asa, Binangonan Rizal, Binangonan.

OCTOBER 5, 2026 | POST MONITORING ACTIVITY πŸ’™Isang makabuluhang araw ang naging bahagi ng aming Post Monitoring Activity ...
05/10/2026

OCTOBER 5, 2026 | POST MONITORING ACTIVITY πŸ’™

Isang makabuluhang araw ang naging bahagi ng aming Post Monitoring Activity ngayong araw, kung saan binisita at minonitor tayo ng mga kinatawan ng DSWD, sina Sir Malcolm at Ma’am Rancy, kasama ang mga staff ng MSWD.

Sa kanilang pagbisita, kanilang sinuri at nakita mismo ang kalagayan ng aming Bantay Lawa, Alagang Binhi Community Garden, pati na rin ang aming mga inaalagaang isda. Naging pagkakataon din ito upang maibahagi namin ang aming mga karanasan, naging progreso, at mga natutuhan sa pagpapatuloy ng aming mga programa.

Nagkaroon din ng masayang talakayan at pagpupulong, kung saan nagsagawa kami ng isang activity na kinailangang sagutin ang iba't ibang katanungan. Masaya at aktibo kaming nakilahok, nagbahagi ng kanya-kanyang opinyon, karanasan, at pananaw. Sa bawat tanong at sagot, may bagong kaalaman at aral na aming natutuhan.

Bagama’t may ilan sa aming mga kasamahan na hindi na gaanong aktibo ngayon dahil mayroon nang kanya-kanyang pinagkakaabalahan, nakatutuwang makita na marami pa rin ang kusang bumabalik, dumadalaw, at patuloy na nagmamalasakit sa aming lawa at hardin.

Hindi man laging kumpleto ang aming samahan, hindi nawawala ang diwa ng pagkakaisa at malasakit.

Patuloy naming aalagaan ang Bantay Lawa at Alagang Binhi Community Garden, at ipagpapatuloy ang magandang nasimulan, dahil ang isang maliit na hakbang na sama-sama nating pinangangalagaan ngayon ay maaaring maging malaking pagbabago para sa ating komunidad bukas.

Maraming salamat po sa DSWD at MSWD sa patuloy na pagbisita, paggabay, at suporta.

Sama-sama nating alagaan ang ating lawa, palaguin ang ating hardin, at patuloy na pagyamanin ang ating komunidad. πŸ’™πŸ«°



πŸ’™

19/09/2026

September 19, 2026

Barangay Pag-asa LAWA AT BINHI Intermission Number πŸ’ƒ

Gagaling naman naten mga beshie ko, wala pang praktis yarn! Haha πŸ€­πŸ˜…




πŸ’™

September 11, 2026Kapag may itinanim, may aanihin.Kami ang Team Bantay Lawa - Alagang Binhi ng Barangay Pag-asa Binangon...
11/09/2026

September 11, 2026

Kapag may itinanim, may aanihin.

Kami ang Team Bantay Lawa - Alagang Binhi ng Barangay Pag-asa Binangonan Rizal
Friday Group πŸ’™

Sa bawat binhing aming itinatanim at sa bawat hakbang na aming ginagawa, mas lalo naming pinatutunayan na kapag nagkakaisa ang grupo, tiyak na aanihin ang mas maganda at mas masaganang bukas. πŸ’™πŸ«°





September 7, 2026Sa tamang pag-aaruga at pagmamahal sa kalikasan, tiyak na may magandang ani at mas maliwanag na kinabuk...
07/09/2026

September 7, 2026

Sa tamang pag-aaruga at pagmamahal sa kalikasan, tiyak na may magandang ani at mas maliwanag na kinabukasang naghihintay para sa ating komunidad. πŸ’™πŸ«°



G na
07/09/2026

G na

"BARANGAY PAG-ASA FESTIVAL BAZAAR"

Mamaya na ang Soft opening Natin!

Handa na ba kayong mag-food trip, mag-shopping, at makisaya? πŸ”πŸ›οΈβœ¨

Grand Opening will be Tomorrow (Sept. 8/4pm onwards)

dito lang yan sa Hernandez St. Tambayan Road, Sitio Hangganan Barangay Pag-asa Binagonan Rizal

*Malapit sa Sabungan
*Malapit sa Pag-asa Hospital
*Malapit sa Angono Private High School
*malapit sa Angono Public Market

Kaya naman, ngayon palang inaanyayahan ko na kayo lahat MGA KA-BARANGAY! at kalapit barangay!

πŸŽ‰ TARA NA SA PINAKA-MASAYANG FIESTA BAZAAR SA PAG-ASA! οΏ½

Maraming masasarap na kainan, sulit na paninda, at masayang fiesta vibes ang naghihintay sa inyo at sa buong pamilya! πŸ₯³

β€‹βœ¨ ANONG MERON?
βœ… Masasarap at Affordable Food Stalls πŸ”πŸ’
βœ… Sulit & Trendy Shopping Items πŸ›οΈπŸ‘—
βœ… Live Music & Entertainment 🎸🎀
βœ… Fun Games & Surprises 🎁✨

​I-tag na ang pamilya, barkada, at ka-food trip! Kita-kits tayo ngayong Lunes! πŸ’™πŸ‘‡

​

πŸ’™

06/09/2026

πŸ’™πŸ«°

πŸ’™πŸ«°
06/09/2026

πŸ’™πŸ«°

September 4, 2026Friday Group πŸ’™Malapit na ang Fiesta dito sa aming barangay, kaya nakakatuwang isipin na parang nakikisa...
04/09/2026

September 4, 2026

Friday Group πŸ’™

Malapit na ang Fiesta dito sa aming barangay, kaya nakakatuwang isipin na parang nakikisabay din sa selebrasyon ang aming mga itinanim! Ilang araw na kaming masayang nag-aani ng mga gulay na matiyaga naming inalagaan. At iba talaga ang saya kapag ang pinaghirapan mo, nakikita mong unti-unting namumunga.

Hindi naging madali ang pag-aalaga. Dumaan ang mga bagyo, malalakas na ulan, at iba’t ibang pagsubok, pero hindi nagpatinag ang aming mga pananim. Pati ang aming mga alagang isda, patuloy ding lumalaki at lumalaban.

Sa bawat ani, ramdam namin na sulit ang bawat pagod, pawis, at oras na inilaan namin. Isang simpleng patunay na kapag may sipag, tiyaga, malasakit, at sama-samang pagkilos, may magandang bunga talaga.

Sana ay patuloy pa silang lumago para mas marami pa kaming maani sa mga susunod na araw. At habang papalapit ang Fiesta, mas masarap ipagdiwang ang biyayang bunga ng aming sariling pagsisikap.

Mula sa aming munting taniman at palaisdaan, isang masaganang ani at masayang Fiesta ang handog namin sa ating Barangay Pag-asa!

Ani ngayon, PAG-ASA bukas! πŸ’™πŸ«°

September 3, 2026Thursday Group πŸ’™"Kapag masaya ka, nag eenjoy ka at mahal mo yung ginagawa mo at ang naging trabaho mo, ...
03/09/2026

September 3, 2026

Thursday Group πŸ’™

"Kapag masaya ka, nag eenjoy ka at mahal mo yung ginagawa mo at ang naging trabaho mo, patuloy kang babalik at aalagaan ang nasimulan kaya naman ang bawat pagod ay nagbubunga ng PAG-ASA." πŸ’™πŸ«°

Mabuhay! Team Bantay Lawa - Alagang Binhi ng Barangay Pag-asa, Binangonan Rizal πŸ‘





Address

Barangay Pag-asa, Binangonan Rizal
Binangonan
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bantay LAWA, Alagang Binhi Project of Brgy Pag - asa Binangonan Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share