Kay Salceda Ako

Kay Salceda Ako Welcome to the supporters page of our beloved Cong. Joey Salceda. This page is made out of love for him and to all Albayanos who deserve him.

19/05/2026

BICOL: MULA SA DATING NANGUNGUNA, BAKIT TILA NAPAG-IIWANAN NA TAYO?

Dating isa sa pinakamabilis lumago ang ekonomiya sa buong Pilipinas…
ngayon, pinakamabagal na.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, 0.52% lang ang economic growth ng Bicol ngayong 2025, pinakamababa sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Habang ang buong Pilipinas ay lumago ng 4.4%, halos tumigil naman ang galaw ng ekonomiya ng Bicol.

Ano ba ang ibig sabihin nito sa ordinaryong Bicolano?

Kaunting trabaho
Mahinang negosyo
Bagsak na agrikultura
Kaunting proyekto

Kapag mahina ang ekonomiya, mas mahirap makahanap ng trabaho.
Mas matumal ang negosyo.
Mas maraming pamilya ang napipilitang umalis ng Bicol para maghanapbuhay.

Pero hindi ganito noon.

Noong 2007 hanggang 2016, halos palaging mas mabilis ang paglago ng Bicol kaysa buong bansa.

Bicol Average Growth: 7.28%
Philippines Average: 5.70%

May mga taon pa na lampas 10% ang growth ng rehiyon.

Ayon kay dating RDC Chair Joey Salceda, may tatlong dahilan kung bakit mabilis noon ang pag-unlad ng Bicol.

Tuloy-tuloy na proyekto
Malaking investments
Malinaw na long-term plan

Pinush noon ang airport, mga highway, tourism roads, at disaster-resilient projects.

Dumami ang turista.
Dumami ang negosyo.
Dumami ang trabaho.

Pero ngayon, bumabagsak ang construction…
mahina ang agriculture…
at kokonti ang bagong investments.

Kaya ayon kay Salceda, kailangan muling buhayin ang project pipeline ng Bicol.

Kabilang sa mga panukala:

Mas maraming infrastructure projects
Rehabilitation ng coconut at abaca farming
Tourism development sa west coast
Digital jobs at AI training
Economic zone sa Pantao Port

Layunin nitong lumikha ng trabaho at magdala muli ng investments sa rehiyon.

Hindi imposible ang pagbangon ng Bicol.
Nangyari na ito noon.

Pero kailangan ng malinaw na plano…
tuloy-tuloy na proyekto…
at lideratong marunong magdala ng oportunidad sa rehiyon.

Bicol cannot afford another year at 0.52% growth.

15/05/2026

SABO DAM PROJECT: PRIORITY NI CONG. ADRIAN SALCEDA

Taon-taon na lang binabaha ang Masarawag at mga kalapit na barangay sa Guinobatan tuwing malakas ang ulan. Paulit-ulit na problema, paulit-ulit ding takot at abala sa mga residente.

Kaya magandang hakbang na sinimulan nang tutukan ni ang sitwasyon sa lugar. Sa pag-check ng area, nakita na sira na pala ang mga lumang sabo dam na nagsisilbing proteksyon laban sa rumaragasang baha mula sa Mayon.

Ngayon, may nakalaan nang ₱500 milyon na pondo para maayos at madagdagan ang mga sabo dam sa Masarawag. Kapag naisakatuparan ito, malaking tulong ito para mabawasan ang pagbaha at maprotektahan ang mga residente.

“Ang hirap mo mahalin, Pilipinas.”Marami ang nagsasabi niyan dahil sa mga nakikita natin sa gobyerno, sa Senado, sa puli...
14/05/2026

“Ang hirap mo mahalin, Pilipinas.”

Marami ang nagsasabi niyan dahil sa mga nakikita natin sa gobyerno, sa Senado, sa pulitika, sa mga pangakong napapako, at sa mga lider na inuuna ang pansariling interes kaysa sa taumbayan.

Pero hindi mahirap mahalin ang Pilipinas.

Ang mahirap ay makita na ang bansang mahal mo ay paulit-ulit na binibigo ng maling pamumuno.

Dahil sa totoo lang, napakadaling mahalin ng Pilipinas.
Sa sipag ng ordinaryong Pilipino.
Sa mga OFW na nagsasakripisyo para sa pamilya.
Sa mga magsasaka, mangingisda, g**o, nurse, construction worker, at bawat Pilipinong lumalaban araw-araw.
Sa ganda ng dagat, bundok, kultura, at sa puso ng mga tao nito.

Hindi ang Pilipinas ang problema.
Ang problema ay ang mga taong ginagawang negosyo ang serbisyo publiko.

Kaya oo, mahal ko ang Pilipinas.
At dahil mahal ko ito, hindi ako mananahimik kapag may mali.
Hindi pagiging “negative” ang paghingi ng accountability.
Mas lalong hindi katrayduran ang pagnanais ng mas matinong liderato.

Mahalin natin ang Pilipinas hindi lang sa salita, kundi sa pagiging mapanuri, matalino, at responsable sa pagpili ng mga lider. 🇵🇭

Hindi lahat ng public service ay nakikita sa kamera.Minsan, ang pinakamahalagang trabaho ay iyong pag-aalis ng mga hadla...
13/05/2026

Hindi lahat ng public service ay nakikita sa kamera.
Minsan, ang pinakamahalagang trabaho ay iyong pag-aalis ng mga hadlang para tuluyang umusad ang proyekto.

Sa gitna ng kakulangan ng classrooms sa bansa, muntik nang maantala ang 100,000-classroom program dahil sa legal at administrative bottlenecks sa ilalim ng PPP framework.

Dito pumasok ang naging papel nina Former Rep. Joey Salceda at Rep. Adrian Salceda.

Bilang principal author ng PPP Code at chair ng Technical Working Group na bumuo nito, nilinaw ni Joey Salceda ang tunay na legislative intent ng batas:

✔️ Hindi dapat maipit ang classroom projects sa mga requirement na para lamang sa revenue-generating PPPs

✔️ Hindi kailangan ng libo-libong hiwa-hiwalay na appraisals kung hindi naman kumikita ang pribadong sektor sa lupa

✔️ Dapat maituloy agad ang school buildings para sa mga estudyanteng nangangailangan

Samantala, si Rep. Raymond Adrian Salceda naman ang tumulong mag-formalize ng mga paglilinaw sa pamamagitan ng House resolution at pakikipag-coordinate sa mga ahensya upang matiyak na makakausad ang proyekto kahit may pending land title issues, basta malinaw ang risk assignment sa gobyerno.

Resulta?
➡️ Naituloy ang PSIP III
➡️ Mas mabilis na rollout ng classrooms
➡️ Mas maraming batang Pilipino ang magkakaroon ng maayos na lugar para matuto

Ito ang uri ng public service na hindi puro slogan at social media noise.

Tahimik na trabaho. Malalim na pag-unawa sa batas. At konkretong solusyon para sa edukasyon. 🇵🇭

Happy Mother’s Day to all kinds of mothers. 💐To the biological moms, single moms, grandmothers, adoptive and foster moms...
10/05/2026

Happy Mother’s Day to all kinds of mothers. 💐

To the biological moms, single moms, grandmothers, adoptive and foster moms, expecting moms, stepmothers, and every mother figure who gives love, care, strength, and guidance, today is for you.

Different stories, different journeys, but one thing in common: a love that knows no bounds.
Thank you for your endless sacrifices and unconditional love. You are appreciated today and every day. 💖

Sa ulat ni Helen Grace Balean, kinumpirma ni Dr. Cedric Daep, Chief-of-Staff ng Albay 3rd District Office, na target ni ...
09/05/2026

Sa ulat ni Helen Grace Balean, kinumpirma ni Dr. Cedric Daep, Chief-of-Staff ng Albay 3rd District Office, na target ni Cong. Adrian Salceda na maisama sa 2027 national appropriations ang lahar mitigation project sa Barangay Masarawag, Guinobatan, Albay bilang pangmatagalang tugon laban sa patuloy na banta ng lahar mula sa Bulkang Mayon.

Ayon sa ulat, layunin ng proyektong ito na mabawasan ang panganib ng mapaminsalang pagragasa ng lahar patungo sa mga ilog at komunidad sa ibabang bahagi ng bulkan sa pamamagitan ng separator structures at iba pang strategic mitigation measures. Bukod sa proteksyon, maaari ring magamit ang volcanic materials para sa infrastructure at construction projects ng pamahalaan.

Sa gitna ng banta ng ashfall, lahar, at patuloy na volcanic activity, malinaw ang direksyon: hindi lang agarang ayuda sa panahon ng sakuna, kundi pangmatagalang solusyon para sa kaligtasan ng bawat Albayanos.

Sa pamamagitan ng maagang pagpaplano, konkretong proyekto, at koordinasyon sa mga ahensya tulad ng PHIVOLCS, MGB, DPWH, at JICA, muling pinapakita ang kahalagahan ng disaster preparedness na may malinaw na bisyon para sa kinabukasan.

Maagang aksyon. Pangmatagalang proteksyon. Serbisyong ramdam ng tao.

Si Joey Salceda ay matagal na nakilala sa Albay dahil sa kanyang "agresibong disaster preparedness at preemptive evacuat...
06/05/2026

Si Joey Salceda ay matagal na nakilala sa Albay dahil sa kanyang
"agresibong disaster preparedness at preemptive evacuation strategies", lalo na noong siya ay gobernador (2007–2016).

Mga pangunahing kilos niya sa panahon ng sakuna:

* Nagpatupad ng “zero casualty” policy
* Maagang forced evacuation sa flood-, landslide-, at lahar-prone areas
* Pinalakas ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO)
* Gumamit ng mas organisadong disaster monitoring systems
* Naglaan ng relocation programs para sa mga nasa danger zones
* Madalas personal na nagmo-monitor at nag-uutos ng rapid response

Kilalang reputasyon:

* Madalas kinikilala ang Albay bilang modelo sa disaster risk reduction
* Nakatanggap ng local at international recognition para sa climate adaptation at DRR programs
* Team Albay became known for organized humanitarian missions

*Sa disaster response, si Salceda ay generally kilala bilang proactive, organized, at evacuation-centered, lalo na kumpara sa tradisyunal na reactive na pamamalakad. Ang kanyang strongest legacy sa Albay ay disaster preparedness systems.

Mayon Volcano Update (as of May 3, 2026):Alert Level 3 remains in effect, meaning Mayon is under intensified unrest with...
03/05/2026

Mayon Volcano Update (as of May 3, 2026):

Alert Level 3 remains in effect, meaning Mayon is under intensified unrest with possible hazardous eruption within weeks or even days.

On May 2–3, PHIVOLCS recorded:

- Lava collapse-fed pyroclastic density currents (PDCs / “uson”)

- Minor Strombolian eruptions


- Heavy ashfall affecting:

• Camalig

• Guinobatan

• Nearby Albay communities

Ashfall has caused:

• Reduced visibility

• Road hazards

• Respiratory concerns

• Temporary disruptions in affected areas

Estimated PDC runout reached up to 4 kilometers, particularly through Mi-isi Gully.

The 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) remains strictly off-limits.

Residents are advised to prepare for:

• Additional ashfall

• Possible lahars during rainfall

• Rapid escalation of volcanic activity

Current official advisories:

• Wear N95 or protective masks

• Stay indoors if ashfall is heavy

• Protect water and food sources from contamination

• Monitor PHIVOLCS, OCD, and LGU bulletins continuously

• Follow evacuation orders immediately if expanded

Key concern: Continued lava extrusion and repeated collapses suggest ongoing instability, so authorities remain on heightened alert.

Even the most beautiful can erupt without warning.Mayon reminds us today that beneath beauty can lie immense power. Stay...
02/05/2026

Even the most beautiful can erupt without warning.

Mayon reminds us today that beneath beauty can lie immense power. Stay vigilant, stay protected, and prioritize safety above all.

Prayers for every Albayanon affected by the ashfall. Protect your families, wear your masks, and follow official advisories.

Take care, Albayanos. Your resilience is stronger than the storm of ash.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino! 🇵🇭Ngayong Araw ng Paggawa, pagpupugay sa sipag, tiyaga, at dedikasyon ng bawat Pilipi...
01/05/2026

Mabuhay ang manggagawang Pilipino! 🇵🇭

Ngayong Araw ng Paggawa, pagpupugay sa sipag, tiyaga, at dedikasyon ng bawat Pilipinong manggagawa, ang tunay na lakas ng ating bayan.

Saludo sa lahat ng patuloy na nagsusumikap para sa pamilya, komunidad, at kinabukasan ng Pilipinas.

Happy Labor Day! ✊

Address

Albay
Bicol

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kay Salceda Ako posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share