17/02/2026
π ππ¬ π‘ππππππͺπ ππ‘π ππ’ππππ§πππ’π‘π π£ππππππ’π¦ π‘π π ππ ππ ππ¬ππ‘π ππ¨π ππππππ‘!
Dahil sa matagumpay na kilos-protesta ng mga residente mula sa Sitio Dalicno, Brgy. Ampucao, at Brgy. Poblacion ng Itogon noong Enero 27, 2026, kaugnay ng Public Scoping para sa Sangilo Mines Expansion (APSA 103) Project na inorganisa ng Department of Environment and Natural Resources β Environmental Management Bureau, nagpatawag ang Sangguniang Panlalawigan ng Benguet ng isang joint committee hearing na isinagawa noong Pebrero 16, 2026. Ito ay ipinatawag upang pag-usapan ang mga isyung kaugnay ng APSA 103 ng Itogon-Suyoc Resources, Inc. (ISRI), isang kumpanya na pag-aari ni Enrique Razon Jr., ang kasalukuyang pinakamayamang tao sa Pilipinas.
Dinaluhan ang hearing ng mga residente mula sa Sitio Dalicno, Brgy. Ampucao, at Brgy. Poblacion na direktang apektado ng aplikasyon. Kasama rin ang mga kinatawan mula sa Itogon-Suyoc Resources, Inc. (ISRI), Itogon Indigenous Peoples Organization (IIPO), Mines and Geosciences Bureau β Cordillera Administrative Region (MGB-CAR), Environmental Management Bureau β Cordillera Administrative Region (EMB-CAR), National Commission on Indigenous Peoples β Benguet (NCIP-Benguet), Local Government Unit ng Itogon, at mga opisyales ng mga barangay Ampucao at Poblacion.
Sa naging committee hearing, nagkaroon ng epasyo ang mga isyung malinaw na hindi pa nasosolusyonan habang patuloy ang pag-usad ng aplikasyon. Matapang at matalas na ipinahayag ng mga residente ang kanilang pagtutol sa proyektong ito. Ipinunto nila ang hindi pagsunod sa tamang proseso ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) ng NCIP, na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibigay ang full report sa komunidad hinggil sa mga isinagawang βkonsultasyon.β Binigyan din nila ng diin ang mga panganib na dulot ng proyekto sa kanilang water sources, kabuhayan, at sa kabuuang kaligtasan ng komunidad. Kwinestyon din nila ang mapanlinlang na mapa at mga detalye para sa istraktura ng mapanganib na dam sa aplikasyon ng ISRI. Giit nila, huwag nang hayaan pang maging MPSA ang APSA 103, bagkus ay bawiin at suspindehin ito.
Matagal nang prinoprotestahan ng mga residente ang APSA 103, at magpapatuloy ang kanilang pagkakaisa, pagiging matatag, at mapagbantay laban sa mapanirang proyektong ito. Dahil sa naging konsultasyon, inaasahan ang mga opisyales ng Sangguniang Panlalawigan, pati na rin ang iba pang mga ahensya ng gobyerno, na agad na magsasagawa ng mga hakbang upang matugunan ang mga problema na tunay na maglilingkod, kumikilala, at gumagalang sa kanilang karapatang pantao at bilang katutubo ng Itogon.
DAGA, BIAG, KINABAKNANG, SALAKNIBAN!