03/06/2026
TINGNAN||: Nagdaos ng pagpupulong ang BFP Nueva Vizcaya Advisory Council upang talakayin ang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa pagpapatibay ng mga programa at inisyatiba ng Bureau of Fire Protection sa lalawigan.
Isa sa mga pangunahing agenda ng pulong ang pagbuo at pagsasapinal ng Constitution and By-Laws ng Advisory Council, na magsisilbing gabay sa organisasyon upang higit na mapalakas ang partisipasyon, koordinasyon, at pagtutulungan ng mga miyembro sa pagsuporta sa mga programa ng BFP Nueva Vizcaya.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang magiging partisipasyon ng konseho sa ibaโt ibang Serbisyo Karaban activities, kung saan aktibong makikibahagi ang mga miyembro sa paghahatid ng mga serbisyo at impormasyon sa mga komunidad bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaan na ilapit ang serbisyo publiko sa mamamayan.
Kasama rin sa naging talakayan ang pagsusuri at ebalwasyon sa mga naisagawang programa at aktibidad ng BFP Nueva Vizcaya. Pinag-usapan ang mga naging tagumpay, mga hamon na kinaharap, at mga rekomendasyon upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa fire safety awareness, disaster preparedness, community engagement, at public safety.
Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, muling pinagtibay ng BFP Nueva Vizcaya Advisory Council ang kanilang suporta at pakikiisa sa Bureau of Fire Protection sa pagsusulong ng mga programang naglalayong makabuo ng mas ligtas, mas handa, at mas matatag na pamayanan para sa lahat. #