05/11/2024
Marami ng nakakaalam sa tunay na sinapit ni Nanay Ramona Nodado, lalo na ng mga taong importante sa kanya. Ganun pa man, isasalaysay kong muli ito at ano ang tunay na istorya ng buhay ni Nanay Ramona...
Naabutan ko si Nanay Ramona na hindi makatayo at makalakad at maraming sugat sa paa, galis sa balat at buto't balat na lamang ang kanyang pangangatawan.
Kinupkop ko si Nanay, inalagaan, pinagaling at pinalakas. Ito ay kahit hindi ko sya kamag-anak, ka-dugo o kaano-ano man lang.
Hindi awa ang aking nadarama kung di pagmamahal, pagmamahal ng isang bunsong anak sa kanyang Nanay. Dahil kung awa lang ang aking nadarama, ay tutulungan ko lang sya at hindi pag aaksayahan ng oras at panahon.
Kung may pagkakamali si Nanay, ito ay dahil naging sobra syang mabait, mapagmahal at mapagbigay na inabuso ng ilang tao.
Maraming beses na syang nabudol at napagnakawan ngunit, hindi sya nagtanim ng galit kailan man. Kaya naman sya ay pinagpapala.
Ang panginoong HesuKristo ay nagpapadala ng taong aalalay sa atin sa oras ng mga pagsubok.
Kung nakatulong ako kay Nanay Ramona kahit konti, ay marami din naman akong natutunang aral Kay Nanay.
"Family is not about blood... It is about who is willing to hold your hand when you need it the most."
Redencion Cantes