25/05/2026
Katipunan ng Kabataan Assembly, ano, tara?๐
Hinihikayat ang mga kabataan ng ating barangay edad 15-30 years old upang dumalo sa gaganaping Katipunan ng Kabataan Assembly kung saan tatalakayin ang mga nakaraang proyekto, accomplishments, at mga magiging proyekto pa ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion IV.
Dito rin ipagpapatuloy ang youth profiling upang makakalap ng mga datos ng bawat kabataan sa ating barangay, na gagamiting basehan sa mga proyektong bubuuin pa.
Ito ay gaganapin bukas, May 26, 2026, ganap ika-3:00 ng hapon sa ating barangay covered court. Kita kits!๐