09/06/2026
Sa pagtatapos ng ating Barrio Fiesta 2026, mula sa bumubuo ng Kapisanang Bunga ng Pag-asa, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito.
Maraming salamat sa bawat indibidwal, pamilya, organisasyon, sponsors, volunteers, at mga bisitang naglaan ng kanilang oras, talento, suporta, at pakikiisa. Ang inyong mga kontribusyon, gaano man kalaki o kaliit, ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng ating pista.
Ang pagdiriwang na ito ay naging pagkakataon upang higit nating mapagtibay ang diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at pagmamahalan sa ating komunidad. Ang mga alaala at karanasang ating pinagsaluhan ay mananatiling inspirasyon upang lalo pa nating pagyamanin ang samahan ng bawat mamamayan.
Mula sa kaibuturan ng aming puso, kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan. Nawa’y magpatuloy ang ating pagkakaisa at sama-samang hangarin para sa ikauunlad ng ating barangay.
Maraming salamat at mabuhay ang Dalipit East!