05/12/2024
๐ถ๐ถ๐ป๐ซ #1: ๐ป๐๐๐ (๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐) ๐ฆโจ
Isang tuko (๐บ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐) ang namataan sa Training Room ng Administration Building kahapon. Halos 30 sentimetro ang haba nito at may blue-gray na balat na may mga pulaโt puting tuldok.
Ang tuko ay isa sa pinakamalaking gecko sa mundo, umaabot ng 40 cm sa haba. Maaari itong mahanap sa mga bansa mula Timog hanggang Timog-silangang Asya tulad ng Pilipinas. Bilang isang miyembro ng Order Squamata, ito ay nababalot ng matitigas na kaliskis at mayroong mahabang buntot na maaaring putulin nito upang makatakas sa mga predators. Naiiba sa mga butiking makikita sa mga bahay, ang mga tuko ay kilala sa kanilang natatanging huni. Sa Pilipinas, tinatawag na tuko ang tokay gecko dahil sa huni nito.
Sa wikang Tagalog, madalas gamitin ang katawagang โkambal tukoโ bilang paglalarawan sa dalawang tao na malapit o hindi mapaghiwalay sa isaโt isa. Ang katawagang ito ay nanggaling sa malagkit na mga paa ng tuko na mayroong maliliit na buhok na ang tawag na setae kung saan may sumasangang mas maliit pang buhok na ang tawag naman ay spatulae.
Ang napakaraming maliliit na spatulae na ito ay kumakapit sa mga surfaces gamit ang Van der Waals Forces or London Dispersion Forces sa pagitan ng spatulae at surface na kinakapitan ng tuko. Ang Van der Waals Forces ay mga forces na resulta ng maliliit na interaksyon sa pagitan ng mga magkalapit na molecules. Mahina lang ito ngunit dahil sa dami mga spatulae, nakakadikit ang mga tuko sa halos kahit anong bagay. Mapa sanga, pader, bubong, bastaโt hindi basa o malangis ay kayang dikitan ng tuko.
Bagamat nakakatakot tingan ang tuko, hindi ito sobrang mapanganib sa mga tao. Ang tuko ay walang kahit anong lason at minsaโy nangangagat lang kapag ito ay nabulabog. Kung mag-iingat, wala itong masyadong panganib.
---
๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐! Maaari itong gawin bilang isang SCALE activity o karagdagang proyekto. Ito ang link ng aplikasyon:
https://forms.gle/Xgh9v9ouijmzU3Jt7
๐๐ ๐ ๐ฌ๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง:
Autumn, K., Sitti, M., Liang, Y. A., Peattie, A. M., Hansen, W. R., Sponberg, S., Kenny, T. W., Fearing, R., Israelachvili, J. N., & Full, R. J. (2002). Evidence for van der Waals adhesion in gecko setae. Proceedings of the National Academy of Sciences, 99(19), 12252โ12256. https://doi.org/10.1073/pnas.192252799
Mat Diah, S. Z., Hashim, R., Yong, H. S., Belabut, D., N., S. D., & Lim, B. L. (2010). Preliminary Survey of Lizards of Pantai Melawi, Bachok, Kelantan, Malaysia. Malaysian Journal of Science, 29(SP), 117โ120. https://doi.org/10.22452/mjs.vol29nosp.13
Smithsonian's National Zoo & Conservation Biology Institute. โTokay Gecko.โ Smithsonianโs National Zoo, 25 Apr. 2016, nationalzoo.si.edu/animals/tokay-gecko.