07/09/2026
๐ BARANGAY LIBJO SK ISLA GAS LEAGUE 2026
CHAMPIONSHIP GAME | LAMAO VS. DHOPE
Isang makabuluhan at kapana-panabik na pagtatapos ng ating Barangay Libjo SK Isla Gas League 2026 ang nasaksihan sa ginanap na Championship Game sa pagitan ng Team Lamao at Team Dhope.
Tunay na nakakataba ng puso na mapuno ng ating mga masugid na supporters ang Libjo Multipurpose Covered Court upang ipakita ang kanilang walang sawang suporta sa kani-kanilang koponan. Nasaksihan natin ang isang matinding bakbakan na puno ng determinasyon, husay, at sportsmanship, kung saan kapwa koponan ay nagpalitan ng mga puntos at naghatid ng dikit at kapanapanabik na laban hanggang sa huling sandali. Kasabay nito, umalingawngaw sa buong court ang masiglang sigawan at palakpakan ng ating mga Libjoeรฑos.
Sa ngalan ng Barangay Libjo at Sangguniang Kabataan ng Barangay Libjo, taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi at katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng ating liga.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating masisipag na General Services, Barangay Police, at Barangay Health Workers na patuloy na naglaan ng kanilang oras, serbisyo, at dedikasyon upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng ating mga manlalaro at manonood.
Maraming salamat din po sa ating Libjo Sports Committee sa kanilang buong pusong suporta at pakikiisa sa bawat gawain ng ating liga.
Higit sa lahat, taos-puso kaming nagpapasalamat sa ating mga mapagkalinga at mapagbigay na sponsors, lalo na sa Isla Gas Import Terminal Inc. at Joel Chavez Group of Companies, na taon-taon ay patuloy na nagbibigay ng suporta at tumutulong upang maisakatuparan ang mga programang pangkabataan at pampalakasan ng Barangay Libjo.
At sa lahat ng players, coaches, officials, volunteers, supporters, at Libjoeรฑos na nakiisa at naging bahagi ng ligaโmaraming, maraming salamat po. Ang inyong dedikasyon, suporta, at pagmamahal sa sports ang tunay na nagbigay-buhay sa ating paliga.
Congratulations sa lahat ng manlalaro!
Hindi lamang tropeo at medalya ang inyong naiuwi, kundi mga alaala, pagkakaibigan, at karanasang mananatili sa puso ng bawat Libjoeรฑo.
Isang matagumpay na pagtatapos, isang makabuluhang pagkakaisa.
Mabuhay ang Sports! Mabuhay ang Kabataang Libjoeรฑo! ๐๐