Banilad People's Community Association, Inc.

Banilad People's Community Association, Inc. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Banilad People's Community Association, Inc., Nonprofit Organization, Brgy. Banilad, Banilad.

19/10/2025

🌾 PANAWAGAN NG SUPORTA AT TULONG PINANSYAL
Para sa Laban ng mga Tunay na Benepisyaryo ng Hda. Banilad

Mga kasama at kapwa tagapagtanggol ng lupa,

Sa loob ng mahabang panahon, ipinaglaban natin ang karapatan sa lupang matagal na nating pinagyaman — laban na umabot sa iba’t ibang ahensya, korte, at opisina ng pamahalaan. Sa kabila ng mga balakid, hindi tayo sumuko. Sa tulong ng ating mga abogado, at sa pananalig ng bawat isa, patuloy nating itinataas ang boses ng mga tunay na benepisyaryo ng Hacienda Banilad.

Ngunit kasabay ng ating tagumpay ay ang bigat ng mga gastusin: mga dokumentong kailangang bayaran, pagbiyahe sa mga opisina, pagpupulong kasama ang mga abogado, at iba pang pangangailangang pinansyal para maisulong ang ating laban.

Kaya kami po ay taos-pusong nananawagan ng tulong at suporta mula sa bawat isa — upang maipagpatuloy natin ang ating legal na laban at ang pag-asang makamtan ang lupaing nararapat sa atin.

đź’š Ang bawat piso ay may katumbas na pag-asa.
đź’š Ang bawat ambag ay patunay ng ating pananampalataya at pagkakaisa.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala, pagmamahal, at suporta.
Tayo po ay magkasamang magtatagumpay. 🙏🌾

— BAPECOA Leadership
(Banilad People’s Community Association Inc.)

📌 Para sa tulong at koordinasyon, makipag-ugnayan sa inyong kinatawan o mag-comment sa post na ito.

“Kapag ang puso ay nagkaisa, walang laban na di kayang ipanalo.”

Kita- kita po tayong lahat mamaya sa covered court ng Barangay Banilad para sa SOBRANG MAHALAGANG UPDATE PATUNGKOL SA ST...
23/09/2025

Kita- kita po tayong lahat mamaya sa covered court ng Barangay Banilad para sa SOBRANG MAHALAGANG UPDATE PATUNGKOL SA STATUS NG ATING LUPA. Magdala ng mga panulat at papel.

Ipagsabi sa mga kapitbahay ang pameeting. Maraming salamat po!

TO ALL BAPECOANS!!!Maging mapagmasid, makialam, makiramdam, at maging MATALINO sa mga kilos ng RCI (Roxas and Company In...
16/07/2025

TO ALL BAPECOANS!!!

Maging mapagmasid, makialam, makiramdam, at maging MATALINO sa mga kilos ng RCI (Roxas and Company Incorporated) o SINUMAN sa kasapakat nila na mga nagsasagawa ng INTERVIEW, SURVEY, lalo't higit ang PAGSUSUKAT AT PAGLALAGAY NG MOHON (nasa baba ang itsura ng mohon na inilalagay nila).

Sa pagsusukat at survey na kanilang ginagawa, ito ang mga dapat hingiin:
1. Certificate of Finality Certified True Copy Original
2. Writ of Executuon Certified True Copy Original
3. DAR Approval/consent Certified True Copy Original
4. ID ng interviewer/surveyor

At dapat bago nila ito isagawa ay alam ng mga sumusunod:
1. Mga kasalukuyang naninirahan o gumagamit ng lupa
2. Mga katabing may-ari ng lupa
3. Ang Barangay

Kung WALA ang mga ito, ang survey/pagsusukat ay maituturing na ILEGAL — kahit pa may instruction mula sa RCI.

Ang survey firm o sinumang pumapasok sa lupa nang walang pahintulot ay maaaring kasuhan ng TRESPASSING đźš«, usurpation of real property, o paglabag sa Artikulo 313 ng Revised Penal Code.

Ang ginagawa nilang survey ay maaaring ituring na FLAGRANTE DELICTO—ibig sabihin, maaari silang arestuhin ng mga mamamayan kung walang pulis o barangay na naroroon…..

HUWAG PONG MATAKOT!! Sa halip, ipakita ang mga may tatak ng DAR at CA na Motion at Certiorari at sabihing may mga nakabinbin pa tayong usapin na HINDI pa sinasagot ng DAR magpasahanggang ngayon.

Maaari ding tumawag at magbigay-alam sa mga sumusunod na numero:
0994 463 2615
0945 804 0997

IPAGLABAN ANG KARAPATAN!!!

Calling the attention of all BAPECOANS!! We have a meeting TOMORROW, 2PM at Sitio Magyaman, Brgy. Banilad across Tagpuan...
03/06/2025

Calling the attention of all BAPECOANS!! We have a meeting TOMORROW, 2PM at Sitio Magyaman, Brgy. Banilad across Tagpuan cafè. ANG BAWAT DETALYE AY MAHALAGA KAYA'T INAASAHAN ANG PAGDALO NG BAWAT ISA!!

Address

Brgy. Banilad
Banilad
4231

Telephone

+639177268950

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Banilad People's Community Association, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share