Wika Wonders: Barayti at Baryasyon

Wika Wonders: Barayti at Baryasyon Kahulugan, Katuturan at Aplikasyon ng Barayti at Baryasyon ng Wika.

ABANGAN‼️Love, betrayal, and secrets.  What will happen when the truth is revealed?
30/09/2024

ABANGAN‼️

Love, betrayal, and secrets. What will happen when the truth is revealed?

30/09/2024

Di Makitang Rehas
jvmzls

Sa bawat hakbang, rehas ang nakikita.
Hindi bakal, ngunit diwa, di maaninag na pighati.
Sa bawat desisyon ay may nagdidikta.
Tulad ng isang manika na walang kaluluwa, na may tali't
sunod-sunuran sa kanila.

Ako'y nabubuhay, ngunit parang nasa kulungan.
Walang karapatan, walang boses, walang kalayaan.
Ang bawat pangarap, tila ba'y nasa malayo.
Sapagkat ang aking mundo, ay may di makitang rehas.

Ang aking pag-ibig, ang aking galak, ang aking luha.
Lahat ay kontrolado, walang pagpipilian, walang mapuntahan.
Parang isang ibon, na nakakulong sa hawla.
Hindi makalipad, hindi makaawit, hindi makakawala.

Ngunit sa aking puso, may isang liwanag ang nagniningning.
Isang pag-asa, isang pangarap, isang pagnanais na lumipad.
At balang araw, babasagin ko ang di makitang rehas
Nang sa gayon ay makamit ko ang aking kalayaan.

Iba’t Ibang Barayti ng Wika :1. IDYOLEK2. DAYALEK3. SOSYOLEK4. ETNOLEK5. EKOLEK6. PIDGIN7. CREOLE8. REGISTER9. JARGON
27/01/2024

Iba’t Ibang Barayti ng Wika :

1. IDYOLEK
2. DAYALEK
3. SOSYOLEK
4. ETNOLEK
5. EKOLEK
6. PIDGIN
7. CREOLE
8. REGISTER
9. JARGON

KA-WONDERS! May mga pagkakaiba-iba sa gamit ng wika na tinatawag na register o "estilo sa pagsasalita." Ang tao ay maaar...
27/01/2024

KA-WONDERS!

May mga pagkakaiba-iba sa gamit ng wika na tinatawag na register o "estilo sa pagsasalita." Ang tao ay maaaring gumamit ng iba't ibang register sa pagsasalita o pagsusulat upang maipahayag ang sarili.

Hal. Ibang register ang ginagamit ng isang ina kapag kausap ang kanyang
asawa,ibang register naman ang kaniyang gagamitin kapag kausap ang mga
anak at iba naman kapag sa mga kaibigan.

Sitwasyon: Isang gurong taga Maynila ang inatasang magturo sa probinsiya.
Napagtanto niyang iba ang gamit ng wika ng kanyang mga estudyante. Itatama
ba niya o ituturing niyang tama ang lahat na naririnig mula samga estudyante?
Ipaliwanag sa kanila na ang ginagamit nila ay isang uri o may iba pang uri
ngunit hindi mali ang mga ito. BARYANTang tawag dito.
Hal. Trisekel,Trisekol, Kaha,Kalaha,Kayo, Kalayo,atbp

KA-WONDERS!Ito ay isang uri ng wika na walang opisyal na estruktura. Tinatawag itong "Nobody's Native Language" ng mga d...
27/01/2024

KA-WONDERS!

Ito ay isang uri ng wika na walang opisyal na estruktura. Tinatawag itong "Nobody's Native Language" ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang tao na may magkaibang unang wika kapag sila'y nag-uusap at walang komon na wika na kanilang magamit. Sa halip, umaasa sila sa mga pansamantalang salita o wika na kanilang nililikha habang nag-uusap. Ang ganitong uri ng wika ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng isang bagong wika na nabuo mula sa pagtugma ng dalawang unang wika ng mga indibidwal na ito.

ALAM NIYO BA MGA ka-WONDERS🌍💬...Ang ating wika ay nagtataglay ng iba't ibang barayti, na bunga ng pagkakaiba-iba ng mga ...
27/01/2024

ALAM NIYO BA MGA ka-WONDERS🌍💬...

Ang ating wika ay nagtataglay ng iba't ibang barayti, na bunga ng pagkakaiba-iba ng mga salik tulad ng lipunan, heograpiya, antas ng edukasyon, trabaho, edad, kasarian, at kultura. Ang heterogenous na kalikasan ng wika ay nagdulot ng pagkakaiba-iba sa anyo at istilo nito, batay sa mga indibidwal na gumagamit nito.

Mga ka-WONDERS🌍💬ANTAS NG WIKA1. Pabalbal/Balbal   - Ang "balbal" ay tinutukoy ang isang uri ng wika o salita na itinutur...
28/12/2023

Mga ka-WONDERS🌍💬

ANTAS NG WIKA

1. Pabalbal/Balbal
- Ang "balbal" ay tinutukoy ang isang uri ng wika o salita na itinuturing na mas mababa sa antas ng pormal na wika. Kilala rin ito sa Ingles bilang "slang."
- Ito ay mga salitang pangkalye o panlansangan na karaniwang ginagamit sa lansangan.
- Maaaring ituring itong "singaw ng panahon" dahil sa pagbuo ng mga bagong salita sa bawat yugto ng panahon.
- Madalas itong nabubuo sa mga grupo tulad ng mga bakla, kung saan ito ang nagiging koda o paraan ng kanilang pakikipag-usap.
- Halimbawa: PARAK, ESKAPO, ISTOKWA, JUDING, TIBOLI.

2. Kolokyal
- Ang kolokyal ay mga salitang karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na usapan, hango sa pormal na mga salita.
- Ito ay nagtataglay ng kagaspangan ngunit maaaring maging repinado depende sa nagsasalita at sa kanyang kinakausap.
- Karaniwang ginagamit ito sa mga impormal na okasyon at mas madaling maunawaan.
- Halimbawa: alala, lika, naron, kanya-kanya, antay, lugal.

3. Lalawiganin/Panlalawigan
- Ito ay mga salitang dayalekto o dayuhang wika ng mga katutubo sa isang lalawigan, kagaya ng Cebuano, Batangeno, Bicolano, na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
- Ang punto o accent ay isang palatandaan ng lalawiganing tatak.
- Ito ay mga salitang partikular sa isang pook at hindi pamilyar o hindi karaniwan sa ibang lugar.
- Halimbawa: KAIBIGAN (Tagalog), GAYYEM (Ilokano), HIGALA (Cebuano), AMIGA (Bikolano); HALIK (Tagalog), UNGNGO (Ilokano), HALOK (Cebuano), HADOK (Bikolano).

4. Pambansa/Lingua Franca
- Ito ay wikang ginagamit sa mga aklat, babasahin, at pang-araw-araw na komunikasyon sa buong bansa.
- Karaniwang ginagamit ito sa mga paaralan at pamahalaan.
- Ito ay mas kilala o mas ginagamit sa mga sentro ng sibilisasyon at kalakalan.
- Halimbawa: aklat, ina, ama, dalaga, masaya.

5. Pampanitikan
- Ang wikang pampanitikan ay itinuturing na pinakamayamang uri ng wika.
- Karaniwan, ang mga salita ay ginagamit sa ibang kahulugan.
- Gumagamit ito ng mga idyoma, tayutay, at iba't ibang anyo ng wika para maipahayag ang iba't ibang tono, tema, at punto.
- Ito ay tinatawag ding "kapatid na babae ng kasaysayan" dahil sa kakayahan nitong lumikha ng piksyunal o kathang-isip.
- Nagaganap ito sa pamamagitan ng malayang paggamit ng wika sa pagsusulat ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang pampanitikan.

🌟🗣️ Kamusta, mga Ka-WONDERS! 🗣️🌟KATANGIAN NG WIKA 1. Ang wika ay isang organisadong sistema ng balangkas, kung saan ay n...
18/12/2023

🌟🗣️ Kamusta, mga Ka-WONDERS! 🗣️🌟

KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay isang organisadong sistema ng balangkas, kung saan ay naayos ang mga tunog nang sistematikong paraan upang makabuo ng mga makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap, at panayam.

2. Ang wika ay nagmumula sa pagsasalita ng mga tunog, na humuhugis sa iba't ibang paraan gamit ang mga bahagi ng pagsasalita o tinatawag na "speech organs."

3. Ang wika ay binubuo ng arbitraryong simbolo ng mga tunog, kung saan ang mga salita ay nakatuon sa mga simbolong ito. Kasama dito ang dualismo ng isang pananagisag at isang kahulugan.

4. Ang wika ay isang kasangkapan sa komunikasyon ng dalawang o higit pang tao. Sa pamamagitan nito, naipapahayag ang damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin, at pangangailangan ng tao.

5. Ang wika ay eksklusibong pag-aari ng tao, kung saan sila ang naglikha at nagmamay-ari nito bilang isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan.

6. Ang wika ay kaugnay ng kultura, at ito'y taglay ang kultura ng lipunan kung saan ito nagmumula. Ito'y bumubuo ng sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian, at paniniwala ng mamamayan.

7. Ang wika ay isang instrumento sa komunikasyon, ngunit ito ay unti-unting mawawala kapag hindi ito ginagamit.

8. Ang wika ay natatangi, may pagkakaiba ang bawat isa sa iba. Walang dalawang wika na magkapareho, at bawat isa ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan, kasama ang sariling set ng mga bahagi.

9. Ang wika ay dinamiko, patuloy na nagbabago dahil sa pagbabago ng pamumuhay ng tao at sa pag-aangkop nito sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya.

10. Ang wika ay malikhain, may kakayahang lumikha ng walang katapusang dami ng pangungusap.

KA-WONDERS‼️▪️Tradisyonal na walong pangunahing wika ng Pilipinas: Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Se...
09/12/2023

KA-WONDERS‼️

▪️Tradisyonal na walong pangunahing wika ng Pilipinas: Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray (Samar-Leyte).

▪️Kadalasang tinatawag na mga wikang rehiyonal.

▪️Paminsan-minsan, kasama rin ang Meranaw, Tausug, at Magindanaw sa pangkat.

Address

Bangued

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wika Wonders: Barayti at Baryasyon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Wika Wonders: Barayti at Baryasyon:

Share