Burhanuddin Peace Learning Institute

Burhanuddin Peace Learning Institute Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Burhanuddin Peace Learning Institute, Nonprofit Organization, Daya Farm and Adventure Compound, Banay-Banay.

Alhamdulillah, Tabarakallah Isang taos pusong pagbati sa aming mga batang mag aaral ng BPLI na matagumpay na nakumpleto ...
04/05/2026

Alhamdulillah, Tabarakallah

Isang taos pusong pagbati sa aming mga batang mag aaral ng BPLI na matagumpay na nakumpleto ang kanilang pagmememorisa ng Banal na Qur’an. Ang inyong pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral ng mga salita ni Allah ay tunay na kahanga-hanga at nagbibigay inspirasyon sa lahat.

Ang Khatm al-Qur’an Ceremony ay hindi lamang pagdiriwang ng pagtatapos, kundi isang paalala ng patuloy na pananagutan na isabuhay ang mga aral ng Qur’an sa araw araw.

Nawa’y patuloy kayong gabayan ni Allah at gawing ilaw ang Qur’an sa inyong puso at buhay.

Lubos din kaming nagpapasalamat sa aming mga Faculty & Staff, mga magulang, at sa ating mga stakeholders sa walang sawang suporta at paggabay sa mga bata sa kanilang paglalakbay sa Tahfidz.

Alhafidh Alsef Hassan D. Lee
Mabini, Davao de Oro

Alhafidh Amiel T. Ampong
Piso, Banaybanay, Davao Oriental

Barakallahu feekum sa inyong lahat!



Alhamdulillah, Tabarakallah.Buong pusong pagbati sa dalawang mag-aaral ng Burhanuddin Peace Learning Institute na matagu...
30/04/2026

Alhamdulillah, Tabarakallah.

Buong pusong pagbati sa dalawang mag-aaral ng Burhanuddin Peace Learning Institute na matagumpay na naka-khatam ng Qur’an.

Ang inyong pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral ng Banal na Qur’an ay tunay na kapuri-puri.

Nawa’y patuloy kayong gabayan ni Allah at maging ilaw kayo sa inyong pamilya at komunidad. Ang inyong tagumpay ay inspirasyon sa kapwa ninyo mag-aaral na ipagpatuloy ang paghahangad ng kaalaman.

Alhafidh Alsef Hassan D. Lee
Date of Khatam: April 5, 2026
Address: Mabini, Davao de Oro

Alhafidh Amiel T. AMPONG
Date of Khatam: April 25, 2026
Address: Piso, Banaybanay, Davao Oriental.

Barakallahu feekum! 🤍📖


Isinagawa ng ating mga masisipag na mag aaral sa Tahfidz ang isang sama samang paglilinis sa kanilang kapaligiran bilang...
20/04/2026

Isinagawa ng ating mga masisipag na mag aaral sa Tahfidz ang isang sama samang paglilinis sa kanilang kapaligiran bilang bahagi ng kanilang disiplina at pagsasabuhay ng kalinisan sa Islam.

Ang gawaing ito ay hindi lamang paglilinis ng lugar kundi paglilinis din ng puso at isipan, sapagkat ang kalinisan ay mahalagang bahagi ng ating pananampalataya.

“Ang kalinisan ay bahagi ng Iman.”

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating mga mag aaral sa kanilang kooperasyon, sipag, at malasakit. Naway patuloy nilang maisabuhay ang mabubuting asal sa araw-araw.


Shawwal 20, 1447 AHApril 8, 2026Sa pagsisimula ng isang pinagpalang araw, ang ating mga mag-aaral ng BPLI ay sama samang...
07/04/2026

Shawwal 20, 1447 AH
April 8, 2026

Sa pagsisimula ng isang pinagpalang araw, ang ating mga mag-aaral ng BPLI ay sama samang nagtitipon para sa kanilang Morning Assembly (Tabur).

Dito ay kanilang:

•Binibigkas ang mga naisaulong bahagi ng Qur'an
• Nagsasagawa ng dua at azkar sa umaga
•Pinatitibay ang disiplina at tamang asal •Tumatanggap ng maikling paalala (tawjih) para sa araw

Ang gawain na ito ay hindi lamang paghahanda sa pag-aaral, kundi isang paraan upang linisin ang puso, palakasin ang pananampalataya, at ituwid ang layunin (niyyah) sa paghahanap ng kaalaman.

Nawa’y patuloy na gabayan ng Allah (swt) ang ating mga mag-aaral at gawin silang kabilang sa mga Ahlul Qur’an.




Shawwal 15, 1447 AHApril 3, 2026Friday Sermon at Masjed Burhanuddin Abdul Aziz P. RadjabBatch 1
03/04/2026

Shawwal 15, 1447 AH
April 3, 2026

Friday Sermon at Masjed Burhanuddin

Abdul Aziz P. Radjab
Batch 1



📢 ANUNSYO | PAGBABALIK NG MGA MAG-AARAL PARA SA IKA-6 NA SEMESTER 📢Assalāmu ‘Alaykum wa Raḥmatullāhi wa Barakātuh!Ipinap...
26/03/2026

📢 ANUNSYO | PAGBABALIK NG MGA MAG-AARAL PARA SA IKA-6 NA SEMESTER 📢

Assalāmu ‘Alaykum wa Raḥmatullāhi wa Barakātuh!

Ipinapaalam sa lahat ng mga mag-aaral na ang ika-6 na semestre ay opisyal nang magsisimula muli.

Malugod namin kayong tinatanggap sa inyong pagbabalik upang ipagpatuloy ang paghahanap ng kaalaman, lalo na sa pag-aaral ng Qur’an at pagsunod sa mga aral ng Prophet Muhammad.

🎯 Mga Paalala: • Dumating nang maaga at maging handa.

Ang sinumang mahuli sa kanyang pagbabalik sa mahad ay may kaukulang parusa at ipapatawag Ang kanyang magulang

✨ Nawa’y simulan natin ang semestre na ito na may kasipagan, disiplina, at katapatan sa paghahangad ng kaalaman, at pagpalain tayo ni Allah ﷻ at bigyan ng tagumpay sa ating pag-aal.


📢 ANNOUNCEMENT | OPENING OF INTERVIEW FOR 2ND BATCH 📢Assalāmu ‘Alaykum wa Raḥmatullāhi wa Barakātuh!We are pleased to an...
26/03/2026

📢 ANNOUNCEMENT | OPENING OF INTERVIEW FOR 2ND BATCH 📢

Assalāmu ‘Alaykum wa Raḥmatullāhi wa Barakātuh!

We are pleased to announce the opening of interviews for the 2nd Batch of Burhanuddin Peace Learning Institute Qur'an Memorization Department.. This is a great opportunity for students who aspire to memorize the Qur’an and follow the path of the righteous guided by the teachings of Prophet Muhammad.

🎯 Qualifications:
• Must be willing and committed to memorize the Qur’an
• Able to read Arabic (basic level at least)
• With good character (Akhlāq) and discipline
• Physically and mentally fit
• Able to pay the following payments:
• P 3,000 Monthly fee
• P 500 Enrollment fee
• P 1,000 books per sem
• P 200 ID

✨ Limited slots only! Don’t miss this chance to become among the Ahl al-Qur’ān (People of the Qur’an).

📞 For inquiries, please contact: 09652147522

May Allah ﷻ grant success to all applicants and make this program a means of guidance and barakah.

“The best among you are those who learn the Qur’an and teach it.” – (Hadith)

Wassalāmu ‘Alaykum wa Raḥmatullāhi wa Barakātuh.



Alhamdulillah, Tabarakallah Lubos po kaming nagpapasalamat kay Mr Borgeey Sanlocan  sa iyong bukas-palad na pagbibigay n...
02/03/2026

Alhamdulillah, Tabarakallah

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Mr Borgeey Sanlocan sa iyong bukas-palad na pagbibigay ng pagkain para sa iftar ng mga mag-aaral ng Qur’an.

Ang inyong kabutihan at suporta ay isang malaking tulong upang mapalakas ang kanilang loob sa pag-aaral ng Aklat ng Allah, lalo na sa mapagpalang buwan ng Ramadan.

Nawa’y gantimpalaan kayo ng Allah at Ang inyong pamilya ng masaganang biyaya, patawarin ang inyong mga kasalanan, at ipagkaloob sa inyo ang Jannah. 🤲

جزاكم الله خيرًا وبارك فيكم




Assalamu ‘alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh!Inaanyayahan po namin ang sinumang may bukas na puso at nagnanais makibah...
27/02/2026

Assalamu ‘alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh!
Inaanyayahan po namin ang sinumang may bukas na puso at nagnanais makibahagi sa kabutihan ngayong buwan ng Ramadan na magpa-Iftar sa ating Ma’had.

Ang pagpapakain sa mga nag-aayuno ay may malaking gantimpala mula kay Allah. Ayon sa Hadith ng Sugo ng Allah ﷺ:

"Sinuman ang magbigay ng pagkain sa nag-aayuno upang siya ay mag-Iftar, siya ay magkakaroon ng gantimpala na katulad ng sa nag-aayuno nang hindi nababawasan ang gantimpala nito."

📍 Lugar: Burhanuddin Peace Learning Institute , Maputi, Banaybanay, Davao Oriental
📅 Available na petsa: Mayroon pang 4 na Araw na bakante para sa gustong magpa-Iftar ( Feb 28, March 2-4, 2026)
⏰ Oras: Bago ang Maghrib

Ang inyong munting tulong ay malaking biyaya para sa ating mga mag-aaral ng Qur’an at mga kapatid sa pananampalataya.

📩 Para sa koordinasyon, makipag-ugnayan lamang sa amin.

Nawa’y tanggapin ni Allah ang inyong kabutihan at palakihin pa ang inyong biyaya. 🤲

Jazakumullahu khayran!

Isang taos-pusong pasasalamat sa The Halal Bites sa pagbibigay ng iftar para sa ating mga mag aaral na nagsasaulo ng Ban...
24/02/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa The Halal Bites sa pagbibigay ng iftar para sa ating mga mag aaral na nagsasaulo ng Banal na Qur’an.

Ang inyong kabutihang-loob ay malaking tulong at inspirasyon sa ating mga mag aaral na patuloy na nagsisikap sa pagmememorya ng Qur’an.

Sinabi ng Prophet Muhammad ﷺ:
“Sinuman ang magbigay ng pagkain sa isang nag-aayuno upang mag-iftar, magkakaroon siya ng gantimpalang tulad ng sa nag-ayuno nang hindi nababawasan ang gantimpala nito.”

Nawa’y gantimpalaan kayo ng Allah ng masaganang biyaya at gawin itong sadaqah jariyah para sa inyo. Ameen. 🤲




Alhamdulillah, Tabarakallah Kami po ay taus-pusong nagpapasalamat sa mga Cale Family na nagbigay ng Iftar para sa ating ...
23/02/2026

Alhamdulillah, Tabarakallah

Kami po ay taus-pusong nagpapasalamat sa mga Cale Family na nagbigay ng Iftar para sa ating mga minamahal na mag-aaral na nagsisikap magsaulo ng Qur’an.

Ang simpleng handog na ito ay malaking tulong upang mapalakas ang kanilang katawan at higit silang mahikayat sa patuloy na pag-aaral at pagsasaulo ng Aklat ni Allah.

Nawa’y gantimpalaan kayo ni Allah ng masaganang biyaya at tanggapin ang inyong kabutihan.

Sa mga nais po mag sadaqah or mag pa Iftar para sa ating mga mag-aaral ay makipag-ugnayan lamang po sa amin




Address

Daya Farm And Adventure Compound
Banay-Banay
8208

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Burhanuddin Peace Learning Institute posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share