11/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
Noong ika-8 ng Hunyo, 2026, taimtim na ipinagdiwang ni Reb. P. Carlo Mendoza ang kanyang huling Banal na Misa bilang paring katuwang ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Agustin. Sa kanyang mensahe, buong pagpapakumbaba niyang ipinaabot ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa buong sambayanan ng parokya sa mainit na pagtanggap, pakikiisa, at pagmamahal na kanyang naranasan sa panahon ng kanyang paglilingkod. Hiniling din niya ang patuloy na panalangin para sa kanya at sa buong kaparian upang manatili silang tapat at masigasig sa misyong ipinagkatiwala sa kanila ng Panginoon.
Noong ika-10 ng Hunyo, sa ganap na ika-9 ng umaga, isinagawa naman ang paghahatid kay Padre Carlo sa kanyang bagong destinasyon sa Marungko, Angat, Bulacan. Buong galak at pananampalatayang sinalubong siya ng mga mananampalataya ng kanyang bagong parokya, tanda ng panibagong yugto ng kanyang paglilingkod bilang lingkod ng Diyos at tagapaghatid ng Kanyang Mabuting Balita.
Habang nagtatapos ang kanyang paglilingkod sa ating parokya, buong pasasalamat nating ginugunita ang kanyang dedikasyon, malasakit, at makabuluhang paggabay sa sambayanan, lalo na sa mga kabataang Agustino na kanyang naging katuwang sa pananampalataya at paglago bilang mga alagad ni Kristo. Ang kanyang presensya at paglilingkod ay mananatiling bahagi ng ating mga alaala at inspirasyon sa pagpapatuloy ng ating buhay-Kristiyano.
Nawaโy patuloy nating samahan ng ating mga panalangin si Padre Carlo sa kanyang bagong misyon. Hiling natin na pagkalooban siya ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas ng loob, at masaganang biyaya upang lalo pa niyang maipagpatuloy ang paglilingkod sa Simbahan at sa sambayanan ng Diyos.
Maraming salamat, Padre Carlo!
Pagpalain nawa kayo ng Panginoon sa inyong bagong misyon. Kasama po namin kayo sa aming mga panalangin. ๐๐