04/06/2026
๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ค๐๐ฒ ๐๐จ๐๐ข๐ง
Magandang Araw po sa inyong lahat!
Sa diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit, kami po ay humihingi ng inyong taos-pusong suporta para sa aming kasamahan na si Mark Robin Lopez Mujar, isang masigasig na miyembro ng SOCCOMM at Altar Server Ministry na tapat na naglilingkod sa Simbahan.
Sa kasalukuyan, si Robin ay naka-confine sa ospital at sumasailalim sa kinakailangang medikasyon at gamutan. Dahil dito, kinakailangan po ng malaking halaga upang matugunan ang kanyang mga gastusin sa pagpapagamot at pananatili sa ospital.
Anumang halagang inyong maibabahagi, gaano man ito kaliit o kalaki, ay magiging malaking tulong para sa kanyang paggaling at sa mga gastusing kinakaharap ng kanyang pamilya. Higit sa lahat, hinihiling din po namin ang inyong taimtim na panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling at kalakasan ng loob sa gitna ng pagsubok na ito.
Maaari rin po ninyong ibahagi ang post na ito upang mas marami pa ang makaratingan ng panawagang ito ng tulong at pagmamalasakit.
Para po sa mga nais tumulong, maaari pong ipaabot ang inyong tulong sa kanyang pamilya.
GCASH NUMBER:
09515601953
Li**l L.
Maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob at panalangin para kay Robin. Nawaโy pagpalain kayo ng Poong Maykapal nang higit pa sa inyong ibinabahagi.