31/08/2026
๐ต๐ญโ๏ธโ๏ธ Pambansang Araw ng mga Bayani
Ngayong Agosto 31, 2026, ginugunita natin ang mga taong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan. Hindi lamang buhay ang kanilang isinakripisyo, kundi pati ang kanilang dugo, pawis, oras, at lakas upang makamit natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Hindi man lahat ng bayani ay nagtagumpay sa kanilang mga kuwento, bawat isa sa kanila ay naging bahagi ng kasaysayan at ng kalayaang mayroon tayo ngayon.
Hindi lamang sina Bonifacio, Rizal, at Luna ang maituturing nating mga bayani. May mga bayani rin sa ating paligid, mga magulang na araw-araw na nagsisikap para sa kanilang pamilya, mga taong handang tumulong sa oras ng pangangailangan, mga frontliner at rescuers na nagliligtas ng buhay, at bawat Pilipinong patuloy na gumagawa ng mabuti para sa kapwa at bayan.
Ngayong araw, hindi lamang natin inaalala ang kanilang mga pangalan at nagawa. Ginugunita natin ang kanilang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan.
Saludo tayo sa lahat ng bayani, noon, ngayon, at sa mga patuloy na nagsisilbi para sa bayan. ๐ต๐ญ