09/04/2026
Sa likod ng kalayaang ating tinatamasa ay ang dugo, pawis, at buhay ng mga bayaning hindi nag-atubiling ialay ang lahat para sa bayan. ๐ต๐ญ
Ngayong ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป, hindi lamang tayo nagbabalik-tanaw, tayo ay naninindigan. Naninindigan na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan, panatilihin ang pagmamahal sa bayan, at maging matapang sa harap ng anumang pagsubok.
๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐.
Walumpuโt apat na taon na ang lumipas nang ipaglaban ng mga bayaning sundalo ang ating bayan; isang laban na siyang inilakad, ikinauhaw, at ikinaubos ngunit mas piniling tumindig at lumaban para sa kalayaan na tinatamasa natin ngayon.
Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, patuloy nating buhayin ang diwa ng kanilang kabayanihan; sa ating mga gawa, sa ating pagkakaisa, at sa pagmamahal sa ating bayan.
Hindi natin sila malilimutan. Ang kanilang alaala ay mananatiling gabayan ang bawat Pilipino tungo sa mas makabuluhang kinabukasan ๐ซก
Layout | Christian Ivan Mercado
Caption | Alliah Roman