21/05/2025
Baka medyo controversial โtong opinyon ko, pero ilang araw na โtong gumugulo sa isip ko. Kung hindi ka sang-ayon, ayos lang โ hindi ko ito sinasabi para makipag-away, kundi para maglabas ng iniisip.
Alam natin kung gaano kabigat ang maging prosecutor sa isang impeachment case. Hindi ito simpleng papel. Bitbit mo ang pangalan mo, ang prinsipyo mo, at ang bigat ng responsibilidad dahil buong bansa ang nakatingin sa bawat kilos mo. Lahat ng salita mo puwedeng gamitin laban saโyo. Lahat ng motibo mo puwedeng kuwestyunin. At ang isang pagkakamali, puwedeng wasakin ang tiwala ng publiko, o gamitin para burahin ang buong laban.
Kaya hindi na rin nakakagulat kung bakit sina Chel Diokno at Leila de Lima ang piniling tumindig sa ganitong mabigat na tungkulin laban kay VP Sara Duterte. Sa dami ng puwedeng italaga, bakit sila? Kasi malinaw sa marami: sila ang may konsensya, may integridad, at may napatunayang track record sa laban para sa hustisya. Hindi ito ambisyon. Hindi ito personal. Para sa kanila, klaro ang dahilan, gusto lang nilang managot ang dapat managot.
Pero gets ko kung bakit may alinlangan. Ngayong 2025, lumakas ang tunay na oposisyon hindi sa pagbuo ng bagong ingay kundi sa tahimik pero matatag na paninindigan. Sina Chel, Leila, Kiko, at Bam sinuportahan ng marami dahil hindi sila nagpapakain sa lumang away, Marcos vs Duterte, DDS vs Dilawan. Nakaka-refresh kasi. Pakiramdam ng marami, sila ang ibang klase ng politiko na hindi sumasayaw sa bulok na sistema.
Totoo rin naman, kaya tayo pinakinggan ng masa ay dahil hindi tayo sumabay sa gasgas na gulo. We offered a different path. Kaya ngayon, may kaba, baka bumalik na naman tayo sa eksenang iniwasan na natin. At kapag nakita silang nakisawsaw sa gulo, baka isipin ng iba, "Ay, pare-pareho lang pala."
Pero kahit sabihing hindi ito yung smartest political move, may mga pagkakataon na hindi mo pwedeng iwasan. Minsan, tinatawag ka ng mismong pangyayari. Hindi mo na kailangan ng briefing, kita mo na kung ano ang mali. At kapag nilalapastangan na ang kaban ng bayan, kailangang may tumindig. Kung hindi ngayon, kailan pa?
Ang kailangan lang, malinaw ang mata. Kasi habang mukha itong laban para sa hustisya, hindi rin natin puwedeng balewalain kung sino ang gumagalaw sa likod. Alam na natin ang galawan ni Martin Romualdez. Sa bawat galaw ng Kamara, laging may ibang pakay. Sanay siyang gumamit ng ibang mukha para takpan ang sariling intensyon. Ilang beses na ba natin yan nakita? Si Stella Quimbo sa budget defense. Mga congressman na ginawang tagasalubong ng batikos. Ngayon, parang gusto nilang gamitin sina Chel at Leila bilang human shield.
Kaya ang tanong, sila ba ang dapat kuwestyunin o yung mga sinusubukang gamitin ang kredibilidad nila para protektahan ang sarili?
Kasi hindi lang ito laban kay. Mas malalim ang galawan. At sa mga ganitong laban, kahit yung matitino, puwedeng madamay. Puwedeng gamitin. Puwedeng sirain.
Ngayon pa lang, gumagana na ang propaganda. Kumakalat na ang memes, parang sitcom na pinagtatawanan ang tambalan ng Chel-Leila-Martin. Pero hindi ito simpleng meme lang. Diyan nagsisimula ang pagkakabit-kabit ng mga kwento para sirain ang tiwala natin. Gawing magkapareho ang hindi naman magka-level.
At huwag nating maliitin ang DDS machinery. Hindi lang sila mabilis, organisado sila. May pondo. May trolls. May influencers. May tech. May AI. May Photoshop. May narrative builders na kayang gawing viral ang kahit anong kasinungalingan. Habang busy ka sa trabaho o pamilya, nilulunod ka na ng bagong bersyon ng katotohanan. At kung hindi tayo lalaban ng maaga, baka pati yung mga taong buo ang paninindigan, madamay lang sa kalat.
Kaya kung may dapat tayong gawin ngayon, ito yon: bantayan ang galawan. Hindi lang ng administrasyon kundi ng mga taong kayang manipulahin kahit yung matitino para sa sariling kapakinabangan. Hindi dahil duda tayo kay Chel at Leila kundi dahil alam nating sa ganitong galawan, sila ang pinaka-madaling gamitin para baliktarin ang laban.
Hindi ito tungkol sa pagiging bayani. Hindi rin ito tungkol sa pagiging moralista. Simple lang, kung may mga taong buong karera nilang nilabanan ang pang-aabuso, wag nating hayaang gamitin sila ngayon para protektahan ang mga abusado.
Iba ang labanan ngayon. Mas tuso. Mas malinis ang porma pero mas marumi ang galaw. Kaya mas kailangan nating maging alerto. Hindi lang basta mapagbantay kundi marunong lumusot sa gimik, mabilis umamoy ng diskarte, at handang sumagot ng facts sa gitna ng ingay.
Ayaw nating maulit ang mga pagkakamali ng nakaraan. At kung ayaw nating pare-pareho ang ending, siguruhin nating hindi mapaglalaruan ang tiwala natin.
At higit sa lahat, wag nating kalimutan kung bakit tayo nandito sa laban na to. Hindi lang para dumipensa o magbantay ng narrative. Ang layunin ay simple pero mabigat: dapat magbunga ang impeachment na ito. Hindi gaya ng mga impeachment noon na nauwi lang sa drama o political games. This time, may pagkakataon tayong ilantad kung paanong ginagamit ang pera ng bayan, lalo na ang mga tinatagong pondo sa likod ng confidential at intelligence funds. May pagkakataon tayong igiit ang pagbabago. Sayangin man ng iba, pero wag nating sayangin ang pagkakataong ito.
โ
Comment the following for the post to reach more Filipinos:
1.
2.
Support your favorite unpaid troll-slayer. Keep this page independentโdahil ang utang na loob ko ay sa taumbayan, hindi sa politiko. Donate to help fight fake news and fuel my chismis with receipts: https://www.facebook.com/share/p/1ZnstFdqTo/?mibextid=wwXIfr