28/07/2026
Juan is a son, a friend, an artist, and a member of a community that has been made richer by his presence and the stories he helps tell.
Monday Likha stands in solidarity with the call to and all those illegally detained. No artist, cultural worker, or human being should have to fear for their safety or lose their voice without justice being afforded to them.
UPDATE‼️‼️‼️‼️
Isa sa mga kasamahan ng Artista ti Kordilyera para iti Wayawaya ay iniulat na ilegal na dinakip ng mga pulis at dinala sa Camp Caringal, Eastern Police District Headquarters, at Station 6 sa Quezon City.
Si Juan ay isang artista at manggagawa mula sa Lungsod ng Baguio. Bilang isang alagad ng sining at bahagi ng uring manggagawa, ginagamit niya ang kanyang talento at boses upang ipahayag ang mga karanasan, paninindigan, at adhikain ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng sining, patuloy siyang nakikilahok sa mga usaping panlipunan at naninindigan para sa karapatan, kalayaan, at dignidad ng bawat isa.
Hindi na bago ang ganitong uri ng panggigipit at karahasan mula sa kapulisan. Sa kabila ng paulit-ulit na paglabag sa karapatang pantao, patuloy pa ring nababalewala ang panawagan para sa pananagutan sa mga tiwali at korap na nasa posisyon. Samantala, ang mga maralita at mga mamamayang naninindigan para sa kanilang mga karapatan ay inaaresto, tinatakot, at pinatatahimik.
Hindi krimen ang manindigan. Hindi krimen ang magpahayag.
Palayain ang lahat ng ilegal na inaresto sa SONA2026
Panagutin ang mga lumalabag sa karapatang pantao!
Itigil ang panggigipit at kriminalisasyon sa mga nagpoprotesta!