05/04/2026
Marami satin pinalaki sa idea na kapag tahimik ka lang, yuko ulo mo, sipag lang nang sipag,
at ginalingan mo nang todo sa trabahoβ¦
balang araw aangat ka rin.
Pero sa totoo lang?
Isa βyan sa pinakamalaking kasinungalingan na binebenta sa working class. Kasi sa totoong mundo, hindi laging pinaka-masipag ang nananalo.
Madalas⦠yung pinaka-marunong makisama, makiramdam, at gumalaw sa sistema ang siyang nauuna sa taas.
Hindi sapat na magaling ka lang sa ginagawa mo. Kasi habang busy ka sa pagpo-prove ng value mo, may ibang tao namang inaaral ang laro sa likod ng kurtina.
Yung politics.
Yung power moves.
Yung silent alliances.
Yung mga ngitian sa harap pero iba ang usapan sa likod.
Parang royal court lang din βyan, pero modern version. Hindi na trono at korona ang suotβ¦
pero same game pa rin.
Mga ego na kailangang i-handle.
Mga tao na gusto ng validation.
Mga hidden agenda na hindi sinasabi nang diretso.
At kung puro skill lang ang dala mo sa laban⦠madali kang gagamitin ng mga taong marunong sa galaw ng sistema.
Kaya dapat matuto ka rin ng ibang klaseng diskarte.
Hindi lang puro trabaho.
Dapat marunong ka rin magbasa ng tao.
Marunong ka kung kailan magsasalita.
Kailan tatahimik.
Kailan papasok.
At kailan ka dapat umatras para mas malaki ang balik sa dulo.
Kailangan marunong ka magbigay respeto nang hindi mukhang sipsip lumamang nang hindi halatang nakikipagbanggaan maging visible nang hindi OA at maging valuable sa paraang mahirap kang alisin sa eksena.
Kasi sa totoo langβ¦
Ang sipag, ginagawa kang useful.
Pero ang marunong sa power game?
Siya ang nagiging untouchable. At sa mundong puno ng hierarchy, ego, at silent competitionβ¦
hindi sapat na mabait ka lang at masipag.
Kailangan marunong ka rin dumiskarte sa laro.