23/05/2026
Maligayang Ika-17 Anibersaryo ng Pagkakatatag sa PH7 Isang Lahi Community Chapter!
Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang labing pitong taon ng matatag na pagkakapatiran, pagkakaisa, katapatan, at paglilingkod sa komunidad. Nawa’y patuloy na maging matibay ang ating samahan bilang isang pamilya na binubuo ng respeto, dangal, at malasakit sa bawat kapatid at sa komunidad na ating pinaglilingkuran.
Sa bawat pagsubok at tagumpay na ating nalagpasan, nawa’y manatiling buhay ang diwa ng tunay na samahan at kapatiran na nagsisilbing inspirasyon upang tayo’y maging mas mabuting lider, mas mabuting kapatid, at mas mabuting lingkod ng bayan. Patuloy nating itaguyod ang tunay na kahulugan ng fraternity — pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba, lakas sa pagkakapatiran, at paggalang sa bawat isa.
Para sa mas marami pang taon ng paglago, pagkakaisa, at tagumpay — mabuhay ang PH7 Isang Lahi Community Chapter!
Isang Fraternity • Isang Brotherhood • Isang Layunin.
Bro.Uno
Batch 2009