12/03/2026
“Kung mas matarik pa sa slide ang Persons With Disability ramp…
Hindi yan accessibility. Violation yan ng batas.”
Hindi lahat ng may ramp ay accessible.
Sa ilalim ng 2024 Revised IRR ng Batas Pambansa Blg. 344, may malinaw na technical standards kung paano dapat gawin ang ramp para sa Persons with Disabilities.
Ito ang minimum requirements ng batas:
1️⃣ Minimum Width
Ang accessible ramp ay dapat may minimum clear width na 1,200 mm (1.2 meters).
Ibig sabihin:
Dapat sapat ang lapad para sa wheelchair user na makadaan nang ligtas.
2️⃣ Maximum Slope (Gradient)
Ang ramp ay hindi dapat mas matarik sa 1:20 gradient.
Sa simpleng salita: Sa bawat 1 meter na taas, dapat may 20 meters na haba ang ramp para maging ligtas gamitin.
Sa ilang espesyal na sitwasyon lamang pinapayagan ang mas matarik na ramp depende sa haba at taas na kailangang i-cover.
3️⃣ Landing Requirements
Kung mahaba ang ramp, kailangan ng intermediate landing.
Ayon sa IRR:
• Kapag ang ramp ay lampas sa 10.50 meters ang haba, dapat may intermediate landing
• Ang landing ay dapat may minimum length na 1,800 mm
• May level area din na 1,800 mm sa itaas at ibaba ng ramp.
4️⃣ Handrails for Safety
Ang ramp ay dapat may handrails sa magkabilang side.
Height:
• 700 mm
• 900 mm
May 300 mm extension ang handrails sa simula at dulo ng ramp para sa dagdag na safety.
5️⃣ Safety Features
Para maiwasan ang aksidente, required din ang:
• Raised edge (100 mm) sa gilid ng ramp
• Tactile warning strips (600 mm depth) sa simula, dulo, at landing ng ramp.
BOTTOM LINE! Kung ang ramp ay:
❌ masyadong makitid
❌ sobrang tarik
❌ walang landing
❌ walang handrails
Hindi yan accessibility. Violation yan ng BP 344.
Accessibility is not charity. It is the law. –Boss Lekem