10/05/2026
Hindi sapat na masipag ka lang sa trabaho ngayon.
Kailangan marunong ka rin humanap ng ibang paraan para kumita. Kasi sa panahon ngayon, minsan kahit may sahod ka na, kulang pa rin sa bills, responsibilidad, at pangarap.
Kaya saludo ako sa mga kabayan na hindi lang umaasa sa monthly salary.
Yung kahit pagod na sa trabaho, gumagawa pa rin ng paraan para may extra income — maliit man o malaki, negosyo pa rin yan.
Tulad ng kaibigan ko, nag sisimula sa pagbebenta ng Spanish Sardines Bangus — Classic at Spicy.
Simple? Oo.
Pero yan ang mindset na dapat meron tayo:
“Hindi lang employee mindset… dapat may diskarte mindset din.”
Hindi nakakahiya mag side hustle.
Mas nakakahiya yung puro reklamo pero ayaw gumalaw.
Habang may oras ka, habang may lakas ka, habang may internet ka at skills ka — gamitin mo.
Baka yang maliit na sideline ngayon… yan pa maging daan para makaahon balang araw.
🫡Roel Allan B. Rosales