21/09/2026
Buko Jelly Sago
Ingredients:
* 1 pack Mr. Gulaman Red
* Water — ayon sa instructions sa package
* ½ cup small sago, luto at drained
* 1–1½ cups shredded fresh young coconut (buko)
* 1 can evaporated milk
* ½ cup condensed milk, adjust sa tamis
* 1 cup all-purpose cream
* Ice cubes, optional
Procedure:
1. Lutuin ang Mr. Gulaman Red ayon sa instructions sa package. Ibuhos sa lalagyan at palamigin hanggang tumigas. Hiwain sa maliliit na cubes.
2. Lutuin ang small sago hanggang maging translucent. Banlawan sa malamig na tubig at patuluin.
3. Sa malaking bowl, paghaluin ang evaporated milk, condensed milk at all-purpose cream.
4. Idagdag ang shredded fresh young coconut, red jelly cubes at small sago.
5. Haluing dahan-dahan hanggang pantay ang lahat.
6. Palamigin sa refrigerator bago ihain.
Serve and Enjoy 😊