09/06/2026
๐๐ ๐ช๐ฒ๐น๐ฐ๐ผ๐บ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฐ๐ธ, ๐ ๐๐๐ฆ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ๐! ๐๐
Noong Hunyo 8, 2026, masaya at matagumpay na binuksan ng Manggalayan Bundok Elementary School ang Taong Panuruan 2026โ2027. Sa unang araw ng klase, sinalubong ng mga g**o at kawani ang ating mga mag-aaral nang may mainit na pagtanggap, kasiyahan, at paghihikayat upang maging handa sa panibagong paglalakbay sa pagkatuto.
Isang panibagong taon ng pag-aaral ang nagsimulaโpanibagong pagkakataon upang matuto, mangarap, at magtagumpay. Nawaโy maging puno ng makabuluhang karanasan, mahahalagang aral, at masasayang alaala ang bawat araw ng ating mga mag-aaral sa paaralan.
Sa pagtutulungan ng mga g**o, magulang, at komunidad, sama-sama nating gagabayan ang bawat bata tungo sa kanilang mga pangarap at sa mas maliwanag na kinabukasan.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagbubukas ng klase. Hangad namin ang isang ligtas, masaya, at produktibong taong panuruan para sa bawat batang MBESean.
๐๐ Maligayang pagbabalik sa paaralan at mabuhay ang mga batang MBES! ๐๐