Anakbayan AUF

Anakbayan AUF Ang Anakbayan AUF ang pinakakomprehensibong pangmasang organisasyon ng kabataan sa Angeles University Foundation. SUMALI SA ANAKBAYAN AUF!

KABABAIHAN, ANG LUGAR MO AY SA PAKIKIBAKA! ✊Binabati namin ngayong araw, ika-8 ng Marso, ang lahat ng kababaihang Pilipi...
08/03/2026

KABABAIHAN, ANG LUGAR MO AY SA PAKIKIBAKA! ✊

Binabati namin ngayong araw, ika-8 ng Marso, ang lahat ng kababaihang Pilipino ng isang militante at mapulang Araw ng Kababaihang Anakpawis!

Sa kasalukuyan, ang mga kababaihan ang isa sa pumapasan ng hirap ng patuloy na nagtataasang bilihin. Ang 12% VAT at pagtaas ng presyo ng langis ang isang suliranin na patuloy ng binibitbit ng kababaihang anakpawis.

Sa kabila ng kalam ng sikmura at kahirapan, dumaranas pa ng patong na hirap ang mga kababaihan dulot ng karahasan laban sa kanila at sa mga bata (VAWC).

Tama na! Sobra na!
Babae ka, hindi babae lang!

Sa kasaysayan, ang tapang ng mga kababaihan ang nagbigay-kulay sa kasaysayan at pakikibaka ng lipunang Pilipino. Ang mga katulad ni Gabriela Silang, Lorena Barros at Liliosa Hilao ay mga inspirasyon sa lahat ng kabataang kababaihan na gampanan ang kanilang makasaysayang papel sa pagbabago ng lipunan.

Kababaihan, magkaisa! Manawagan para sa pagbabasura ng Value Added Tax at pagbaba ng presyo ng bilihin! Panagutin ang korap at pahirap na rehimeng Marcos Jr.!

ABANTE, BABAE!
PALABAN, MILITANTE!

LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!Sa nalalapit na anibersaryo ng EDSA People Power na ginanap noong Pebrero 25, 1986, masa...
18/02/2026

LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!

Sa nalalapit na anibersaryo ng EDSA People Power na ginanap noong Pebrero 25, 1986, masasalamin natin ngayon ang importansya nito sa kasalukuyang pangyayari sa ating pamahalaan. Ang patuloy na pangangamkam sa kapangyarihan at pagkakamal sa kaban ng bayan ng mga kurap at gahaman na politiko, sa pamumuno ni Marcos Jr. at Sara Duterte, ay patuloy pa ring pinahihintulutang manatili sa kanilang pwesto sa pamahalaan.

Patuloy nang pinapatay ng kasalukuyang administrasyon ang diwa ng EDSA – ang pababain sa posisyon ang mga magnanakaw na kailanma’y hindi mabubusog kahit na sagad-sagaring kalbuhin ang Pilipinas sa yaman nito, kapalit ng buhay ng mga mamamayang Pilipino.

Kaya ang panawagan ng mga kabataan mula sa AUF: Hikayatin ang mga institusyon na gamitin ang araw na ito sa pagkilos upang panagutin at tuluyang palsikin ang makinarya ng korapsyon na ito, lalung-lalo na sina Marcos at Duterte!

Ang AUF, bilang katolikong institusyon, na malaki ang ginampanan sa EDSA People Power, ay dapat manguna sa pangungumbinse sa iba pang pamantasan na igalang ang diwa ng EDSA at kanselahin ang kanilang mga pasok!

MGA KABATAAN, HUMUNGOS MULA SA MGA PAMANTASAN PAPUNTA SA LANSANGAN!

PANAGUTIN AT PATALSIKIN ANG HARI AT REYNA NG KORAPSYON NA SINA MARCOS AT DUTERTE!

Address

Angeles City
2009

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan AUF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share